Chapter 5 (EDITED)

1.9K 66 2
                                    

Yuki POV

"riyunasa Yuks tara na sa room" yaya ni Rins

"una na kayo kunin ko lng yung libro ng math sa locker ko"

"sige ingat ka"

Habang naglalakad ako papuntang locker para akong kinakabahan na ewan pero isinawalang bahaka kona yon

"Satoshi may pustahan tayo" bigla akong narinig na boses kaya nagtago ako sa gilid at sumilip si Athena at Satoshi, anong ginagawa nila dito

"look ayo-"

"Satoshi! 1 month lng ang binigay namin sayo para paibigin iyang si Yuki at paiyakin ayon ang pustahan pero ano umabot ng limang buwan?!"

"Athena I'm in-"

"gawin natin ngayon ang parusa sa hindi mo pagsunod or else"

"fine" sagot ni Satoshi at hinalikan si Athena, parang pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit ng nalaman ko isang pustahan lng pala ang lahat

Kung bakit ba kasi nahulog ako agad sakanya ang hirap tuloy bumangon

"hmm" mga manloloko! May relasyon sila dahil kung wala hindi sila maghahalikan parang wala ng bukas pero hindi pa din ako makapaniwala nagawa ni Satoshi sakin ito

Dahan dahan akong umalis sa pinagtataguan ko kaso may naapakan ako na nagdulot ng ingay, napatingin ako sa kanila nakita kong nakatingin sila sakin kaya bigla na lng akong tumakbo hindi ko alam kung saan pupunta basta ang nasa isip ko maka-alis sa sakit na nararamdaman ko ngayon

"Yuki wait!" rinig kong sigaw ni Satoshi pero hindi ako lumingon nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa nga luhang hindi tumitigil sa paglabas sa mata ko

Nakita kong bukas ang gate ng campus namin kaya walang sabi sabi na tumakbo ako palabas para umuwi na lng

"hoy bawal lumabas!" sigaw ng guard namin pero ito ako parang walang narinig tumakbo lng ako ng tumakbo hanggang sa pagtawid ko meron palang truck na paparating

Sobrang bilis ng pangyayari di ko namalayan nabangga ako ng truck nakaharap ang posisyon ko sa gate ng campus namin kahit na malayo kitang kita ko si Athena na nakakapit sa braso ni Satoshi habang nakangisi

Wala akong ibang naramdaman kundi galit sa kanila, darating ang araw na makakabawi ako sa kanila hintayin nila dahil hindi nila magugustuhan ang paghihiganti ko

Satoshi POV

"sinasabi ko na nga ba sasaktan mo lng sya" sabi sakin ng kaibigan ni Yuki

"hayop ka!" paglingon ko biglang may sumuntok sakin si Rina pala kaibigan ni Yuki

"dapat diko na hinayaan si Yuki na mahalin ka" naiiyak pang sabi ng isa pang kaibigan ni Yuki

Kasalanan ko ito dapat matagal ko ng sinabi kay Yuki yung tungkol sa pustahan at sana sinabi ko sa kanya kung gaano ko sya kamahal

"sino ang kamag-anak ng pasyente?" biglang sabi ng doctor

"kaibigan nya po kami wala na po kasi syang ibang kamag-anak kamusta po ang kaibigan namin?"

"sorry she didn't survive" malungkot nitong sabi na nagpagimbal saming lahat

Yuki bakit mo ako iniwan mahal na mahal kita patawarin mo ako. Napatingin ako sa mga kaibigan na umiiyak pero yung isa nyang kaibigan hindi umiiyak pero halata sa kanya na malungkot, nakatingin sakin ito ng masama

Kasalanan ko itong lahat

ᴍs.ᴘɪɢɢʏ ɴᴇʀᴅ ᴛᴜʀɴ ɪɴᴛᴏ ᴀ ʜᴏᴛᴛɪᴇ ᴄʜɪᴄᴋTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon