Chapter 3 (EDITED)

2K 65 0
                                    

Yuki POV

"Ahm Satoshi umalis na kaya tayo dito nakakahiya kasi eh ang mahal dito"

Niyaya nya kasi ako makipag date at syempre di muna ako nagpakipot kaso sa mamahaling restaurant nya ako dinala ayos na sakin sa karinderya eh

"ano kaba ayos lng yon at isa pa ako naman magbabayad at isa pa first date natin kaya sakto lng na dito kita dinala"

"Satoshi hindi ka ba nahihiya?"

"bakit naman ako mahihiya?"

"kasi kasama mo ako?"

"Yuki hindi ako mahihiyang kasama ka I like you right?"

"ayos lng naman sakin na mahiya ka kasi may kasama kang panget na baboy na may malaking salamin"

"Yuki look at me, you're beautiful ok? Beautiful inside and out so plz don't belittle yourself"

Habang magkasama kami lalo akong nahuhulog sakanya pagkatapos naming kumain sa restaurant pumunta kami sa park at naglakad-lakad, sa totoo lng ang saya nyang kasama ang sweet nya pa parang hindi ko kayang pigilan ang puso na ibigin sya

Kasi nga diba si Satoshi na yon ang president at anak ng may ari ng campus namin, sweet sya at maalalahanin, mabait, at higit sa lahat gwapo nasakanya na ata ang lahat eh kaya sa tingin ko malapit kona syang sagutin kahit na tatlong linggo pa lng syang nanliligaw

Kinikilig ako kasi araw araw syang nagpapadala ng bulaklak sa bahay lagi nya akong hatid sundo sa School yung kahit busy sya inuuna nya ako bakit ba kasi ang rupok nitong puso ko at nahulog agad sakanya

Pero may pangamba akong nararamdaman kung ibibigay koba ang puso ko sakanya iingatan nya ito? Natatakot ako na baka dumating yung araw na magsawa na sya sakin, oo di pa kami pero malapit kona syang sagutin kaya ganito na lng ang takot ko baka kasi trip nya lng toh pero sa mga pinapakita nya mukha naman syang seryoso

Satoshi gusto mo ba talaga ako?
Satoshi hindi ba biro ito?
Satoshi hindi kaba magsasawa sakin?

Madaming tanong ang gusto kong itanong sakanya pero naduduwag ako

"huy Yuki may problema ba? Ang lalim ng iniisip mo hindi mo ba nagustuhan di sa EK?"

"ahm gusto ko ang saya nga dito eh"

"mabuti naman at nagustuhan mo, Yuki?"

"hmm?"

Biglang huminto ang ferris wheel na sinasakyan namin at biglang pumutok ang mga fireworks kaya napatingin ako sa labas ng bintana

"Yuki Valdez can you be my girl?" napatingin ako kay Satoshi na may hawak na kahong maliit sa loob nun may kwintas na pusong kalahati

"uyy Yuki magsalita ka naman" tumulo ang luha ko sa sobrang saya dahil sa wakas tinanong nya na ako

"yes!" natutuwang sabi ko

Isinuot nya sakin ang kwintas at sakto lng sya sakin ang ganda plain lng ito pero maganda

"nasan pala yung kalahati nitong puso?"

"nandito" sabi nito sabay labas ng kwintas yung kalahati ng puso ko nasa kanya pala suot nya kanina pa

Naiiyak ako sa sobrang tuwa kasi girlfriend na ako ni Satoshi ang long time crush ko ano kaya sasabihin ng mga kaibigan ko matutuwa kaya sila? Sure akong si Naomi matutuwa pero si Rina? Eh si Sandra ayung isang yon protective masyado

Bukas ko na sila iisipin ang mahalaga kami na ni Satoshi

ᴍs.ᴘɪɢɢʏ ɴᴇʀᴅ ᴛᴜʀɴ ɪɴᴛᴏ ᴀ ʜᴏᴛᴛɪᴇ ᴄʜɪᴄᴋTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon