Kundiman

42 0 0
                                    


Isinulat noong ika-4 ng Setyembre, taong 2018. 


__________________________________________________

"Kundiman"

Ni Kim Adrienne G. Masbate


Kung 'di man ako. Kung di man ako ang taong para sayo,

 Mahal, hahayaan ko. Hahayaan kong mapaisip ka at matuliro.

Sapagkat sa tulang ito,

Bago ko tuldukan ang huling mga talatang manunuyo,

At magbibigay pagkalito sa isang tulad mo.

Sisiguraduhin ko ring ang salitang  'tayo'

Ang mamumutawi mula sa mga labi mo.




Kung di man ako.

Kung di man ako ang taong inilaan para sayo,

At ang tadhana'y nagawa kang paglaruan.

Practice lang daw muna, sa huli nama'y may mas better na daraan.




Maaari bang wag nalang silang magsidatingan?

Pwede namang ako nalang ang mag-adjust,

At maging babaeng pangmatagalan.

 Kung di man ako. Kung di man ako ang huling makakasama mo,

Sa pagharap sa altar at kalabanin ang mundo,

Mag-iiwan ako ng sandata at armas,

Upang sa bawat pagpupumiglas,

Paghagupit at pagtakas mo sa kalungkutan ni Satanas,

Maaalala mong minsan akong naging sundalo.

Minsang nabaliw, nagpakamartyr at sa pagkahulog mo'y pilit kang sinalo.

Kung di man ako ang 'yong makasama,

Sa 'twing bubuhos ang ulan at ang ating mga yakap ay masaksihan,

Sa bawat paglubog ng araw sa karagatan,

At muling paglitaw ng napakagandang liwanag ng buwan.


Kung di man ako ang 'yong makasama,

Kapag ang maniningning na mga bituin sa kalangitan,

Ay iyong tatanawin at pagmamasdan,

Kapag marahan mong ipinipikit ang 'yong mga mata,

At sa kanya'y ibubulong ang mga katagang,

"Bituin, bituin, sayo'y maaari bang humiling,

Na ang babaeng kasama ko ngayon ay tuluyan nang maging akin."

Kung di man ako. 

Kung di man ako ang makasama ng 'yong pamilya,

Sa isang hapunang puno ng saya at lakas loob mo akong ipakilala,

"Ma, Pa. Siya nga po pala, 

Ang babaeng ipinagkaloob saakin ni Bathala."

Kung di man ako ang sumayi sa ulan,

At tumakbo kahit malayo ikaw lang ay maabutan,

Makasabay ka lang pauwi at sayong payong tayo'y magharutan,

At sa kalsada habang naglalakad ay bigla mong tatabihan,

Ikaw ang malapit sa mga kotseng nag uunahan,

Sapagkat oo nga naman, ako'y nais mo nang ingatan,

Hahamakin ang lahat, wag lang akong masasaktan.


Kung di man ako. 

Mahal, kung di man ako ang babaeng ibibigay sayo ang pinakamatamis nyang  "Oo"

At paglalaanan mo ng oras, segundo, taon, ang puso nya lang ay mapasayo,

Kung di man ako ang sayo'y magpapasaya sa araw araw nyong pagkikita,

At lubos na kikiligin sa tuwing maririnig ang mga salitang 'mahal kita'

Kung di man ako ang taong para sayo,

At kung di man ikaw ang taong habangbuhay ay makakasama ko.

Maaari bang sa huling mga pagkakataon at natitirang mga panahon,

Hayaan mong ipadama ko kung paanong sa pagkahulog sayo, ay di na makaahon.

Languyin natin ang mga alon ng buhay at pagsubok ng kalungkutan,

Sundan natin ang bawat ikot ng gulong ng kapalaran,

Habulin natin ang natitirang mga kumpas ng oras,

At magkasama nating harapin nang magkahawak kamay ang mga natitirang bukas.



Ako, ang iyong iniirog na kundiman. 

Na patuloy aawit sayong kinabukasan.

Kung di man ako ang sa puso mo'y maninirahan,

Sana nama'y kahit konting puwang, 

mayroong nakalaan jan sa puso mo't isipan.

________________________________________________________________________________

112th day.  (28/04/19)

A poetry I made for you last year. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 28, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KundimanWhere stories live. Discover now