CHAPTER 6

51 0 0
                                    

CHAPTER 6.

*My love is your love, your love is my love*

May tumatawag...

Si Dylan.. Napatayo agad ako at inabot yung phone ko.

Tinignan ko kung sino... Unknown number. Si Dylan nga to. 

Kaya sinagot ko agad...

"Hello Dylan!"

"Huh? Dylan? Sinong Dylan?!"

Huh? Hindi ba si Dylan to?

"T-teka, hindi ba ikaw si Dylan? Akala ko kasi..."

"Sinong Dylan? Sino yun ha???"

Eh sino ba to? Makapagtanong naman!

"Teka! Sino ka ba muna ha?!"

"Si Adrian to! Sino si Dylan?!"

Ha?! Si Adrian?!

Pano niya nalaman ang number ko?! Aish!

"A-Adrian?!... As in Adrian Dale Soriano?! "

"Ako nga! Wala ng iba! Psh. Kaw ha, kabisado mo pala pangalan ko.. Napaghahalata ka!"

Ano daw?! Anong napaghahalata pinagsasabi netong unggoy na to.

"Whatever! Oh anong kailangan mo ha? Sinong sira ulo ang nagbigay ng number ko sayo ha?!"

"Hoy Kate! Wag ka ngang mag-mura diyan! Hindi na importante kung sino ang nagbigay."

Importante. Kasi ayoko sa lahat ng kung sinu-sino nakakaalam ng number ko, unless ako talaga nagbigay o may permiso saken! 

"Ano pa bang magagawa ko! Magpapalit na lang ako ng number!"

"ABA'T!......" biglang lumakas ang boses niya. Nagulat ako. "Kate... Wag ka namang ganyan sakin." bigla namang paghinahon ng boses niya.

Halatang malungkot yung boses niya sa kabilang linya. Akala ko magagalit talaga siya ng sobra dahil napasigaw na siya. Pero bakit naging ganon ang tono ng boses niya.

"S-sorry..." yun na lang ang nasabi ko.

"Hindi.. Okay lang. Pasensya na kung naistorbo kita. Yaan mo di na kita guguluhin... Cge. Goodnight. Bye..."

Hala? Grabe naman reaksyon neto. Nakakakonsensya naman.

"T-TEKA!"

"Bakit?"

"Ah.. Eh.. Wala."

"Ok"

Pinatay na niya.

Galit kaya sakin yun? Aish!

Makahiga na nga lang ulit. Lalo akong inantok.

Haaaay. Galit siya sakin.

Pero bakit ba ko apektado ng ganto.

Mabuti nga yun eh. Di na daw siya manggugulo. Meaning, magiging tahimik na ulit ang buhay ko. :)) Haaaaay.

*My love is your love, your love is my love..*

Napabangon ako bigla. Agad kong kinuha ang phone ko.

Unknown number ulit. Baka si Adrian 'to.

Sabi na 'di ako matitiis eh! Haha. Makapag-sorry na nga. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVE: My MISTAKE or My HAPPINESS?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon