they accidentally met

1.1K 29 8
                                    

Bakasyon ngayon, kaya halos lahat ng mga estudyante ay kanya kanyang uwian sa kanilang mga probinsya.

Isa na si Marie Belle Quizon or Belle for short, na estudyante sa araw, bar singer sa gabi.

BELLE

"Hello kuya,opo andito na ako sa bus station hinihintay po 'yung susunod na bus"

Kausap ang nakakatanda niyang kapatid na si Manuel.

MANUEL

"O sige mag-iingat ka, magtetext ka sa'kin kung saan ka na ok?"

BELLE

"O sige po.bye."

Nakaupo habang hinihintay ang sunod na byahe papuntang Pangasinan. Nauuhaw siya kaya bumili siya ng maiinom

BELLE

"Ale isang coke nga po.(Nakitang parating na ang bus ) ale pakilagay nalang po sa plastic"

Nagmamadali itong pumunta malapit sa bus bitbit ang malaki nitong pack bag. At dahil sa liit niya, natutulak at naiipit siya ng mga taong nag-uunahan makasakay, at sa kasamaang palad ay nabuhos sa kanya ang iniinom na sofrdrinks dahil nabangga siya ng isang di kilalang lalaki,naka black jacket na may hood at shades,nagmamadali at tila may tinatakbuhan.

BELLE

"Ay Shit! Ano ba? Sobra ko na bang liit at di mo ako makita ha!" Inis niyang binulyawan ang lalaki pero di siya pinansin nito at dali daling umakyat sa bus. "Grrrrr!"

Matagal siyang nakipagsiksikan at tulakan sa mga pasahero at sa wakas ay nasa loob na siya, nag-uunahan ang mga tao sa pag-upo kaya nang makita nya ang isang seat na bakante dali dali siyang pumuwesto dito at ang katabi niya, walang iba kundi ang lalaking bumangga lang naman sa kanya.

BELLE

"Ikaw na naman! Pag siniswerte ka nga naman oh! Ano na naman kayang kamalasan ang dala mo sa'kin ngayon?!"

"What? Sorry i don't understand you."

Sagot ng ingleserong lalaki

Naku! day Belle,mukhang mapapalaban ka sa ingles wag mo nalang kausapin at duduguin ka zip your tongue! (Kausap ang sarili)

Tumahimik na lamang siya at nakinig sa kanyang ipod. Mahaba haba ang biyahe kaya napagpasyahan niyang umidlip na muna.

"Miss,miss..." ginigising siya ng konduktor

BELLE

"Ay ano po yun?" Naalimpungatan

KONDUKTOR

"Maniningil lang ako. Diretsong Dagupan ka ba miss?"

BELLE

"Opo"

Kinuha ang wallet sa bag saka dumukot ng pamasahe sabay abot "eto po."

KONDUKTOR

"Ikaw, san ka bababa?"

Tinanong ang lalaking nasa tabi niya

"Are you talking to me?" Sagot ng lalaki

KONDUKTOR

"Yes. Where going?money gib money"

Di alam kung san pupunta pero dumukot ito ng pera sa kanyang bulsa meron itong 10 dollars at ito ang binigay niya

"Will this be enough?" Tanong ng lalaki

KONDUKTOR

"Ano yan?! Di ako nakikipaglokohan sa'yo ha."

Meet my echoserong frog princeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon