getting closer

416 13 3
                                    

Patapos na ang bakasyon kaya naman sinusulit na ni Belle ang kanyang natitirang araw kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan.

Isang araw, nagkayayaan ang magkakaibigan na pumunta sa dagat malapit sa kanilang baryo. Napakalinis ng tubig at ang buhangin,pinong pino at maputi.

WELLA

"Eto na pala ang bagong kasal eh..este sina Belle at Boy pala"

Late sila, dahil dumaan pa ang mga ito sa bayan para bumili ng kanilang pagkain.

BOY

"Hello guys, how are you?" Napakaaliwalas ng mukha niya at ang ngiti ,nakakatunaw

"Hi" sagot nila sa binata

BELLE

"Pasensya na kayo at late kami ha.."

MAE

"Ok lang friend, naiintindihan naman namin na galing pa kayo sa honeymoon niyo" all laughed

BELLE

"Uy wag nga kayong ganyan"

WELLA

" Asus! Talaga itong si best, ang hilig mag panggap....halata namang gusto mo lang solohin si pogi eh...at ayaw mo lang ishare sa amin" (all laughed again)

"Kireksyon dai!" Sang ayon ng isang kaibigan nilang bakla (all laugh)

MAE

"Boy, do you have brother or cousin or nephew as pogi as you?"

Natawa lang ang binata

BELLE

Binatukan ang kaibigan sa ulo nito

"May amnesia nga diba?! Paano niya maaalala?"

Kausap si Boy "sorry...my friends are crazy" (he laughed)

Ang gwapo na nga niyang nakangiti ano pa kaya nang nakabungusngis na siya..

Patuloy sila sa pagkukwentuhan at pagjojoke, habang nakikinig lang si Boy sa kanila pero tawa ito ng tawa

BOY

"You guys are so funny.."

Pansin niyang nag-iisa si Belle sa may tabing dagat, naglalakad kaya tumayo siya at tumakbo papalapit dito

"Ayyy...iniwan tayo mga gels! " sabi ng bakla

WELLA

"Paano ang ingay niyo"

Pinagmasdan nila ang dalawa, naglalakad, masaya, inggit na inggit sila,kinikilig. Kahit sa kainan, hindi mapaghiwalay ang dalawa. Sobrang sweet at maalaga ni Boy sa dalaga.

WELLA

"Best, yung totoo ha...hindi pa ba nanliligaw sa'yo yang si pogi?"

BELLE

"Hindi....atsaka , tingnan mo parang hindi naman papatol sa'kin ya noh"

WELLA

"Bakit hindi?maganda ka, masipag, mapagmahal sa pamily, masayang kasama..imposible namang hindi"

Tumahimik si Belle sandali at nag-isip, kung sa bagay kung bibigyan niya ng ibang kahulugan ang mga  ginawa ng binata para sa kanya, talagang iisipin niyang may paghanga na nga ito sa kanya....pero ayaw niyang umasa dahil hindi niya alam baka may asawa na ito o girlfriend,baka sa bandang huli masasaktan lang siya.

WELLA

"Boy,do you have a girlfriend?"

MAE

"Ikaw ata 'tong may amnesia eh..nakalimutan mong di nga na-ka-ka-a-la-la 'yang si Boy."

Meet my echoserong frog princeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon