chasing Belle

444 13 6
                                    

Mabilis na dumaan ang mga araw, at di pa rin nila natatagpuan ang nawawalang si Prince Daniel

KRISTOPHER

"Sir, hinanap na po namin sa lahat ng sulok ng Maynila si Prince Daniel at nagpadagdag na rin ako ng mga tauhan para tumulong sa paghahanap sa kanya pero wala pa talaga kaming nahanap."

"So ano nang gagawin natin ngayon? It's a risk for him if we publicized it, alam mo naman na mahigpit na ipinagbilin ng palasyo na wag ito ilalabas sa media" ani ni Mr. Vergara, PSG head na siya ding nagbabantay sana sa pagbisita ng prinsipe sa bansa

Isang tawag ang natanggap ni Kristopher, sandali itong nakipag-usap dito.

KRISTOPHER

Lumapit kay Mr. Vergara

"Sir,positive na kinilala ng tauhan ko ang babaeng kasama ni Prince Daniel nung gabing nakita siya. Sa isang bar nagtatrabaho, singer siya doon. Papunta na ako ngayon dun para imbestigahan siya"

MR. VERGARA

"okay,good! do everything and bring Prince Daniel as soon as possible. We are running out of time"

Saka na nagmadaling umalis si Kristopher kasama ang grupo nito.

               ********************

Nagpanggap silang mga kustomer sa bar,

Umupo ang tatlo sa bandang kaliwa ng stage kung saan ay nandoon si Belle tumutugtog at kumakanta.

"Boss, siya nga 'yung babae na kasa kasama ni Prince Daniel nung gabing hinahabol namin siya"

Lumapit si Sheila sa kanila

"Goodevening sir, ano pong order nila?"

KRISTOPHER

"Miss....Pwedeng magtanong?

SHEILA

"Sige po sir, basta wag lang tungkol sa Math ha,mahina po ako dun eh."

KRISTOPHER

Laughed "huwag kang mag-alala di tungkol sa Math ang itatanong ko.....tungkol sa singer niyo dito, anong pangalan niya?"

SHEILA

"Ahhh.... siya po ba?(poking)  Belle po ang pangalan niya"

KRISTOPHER

"Belle...." nods repeatedly

SHEILA

"Bakit po ninyo naitanong sir? Talent manager po ba kayo?"

KRISTOPHER

"Ha?? nagtatanong lang......ahh miss, pwedeng humingi ng favor?"

SHEILA

"Ano po yun sir?"

KRISTOPHER

" pwede mo bang sabihin sa kanya na gusto ko siyang makausap?"

SHEILA

"Naku hindi ko po alam kung papayag sir eh...pero susubukan ko po siyang sabihan.  naghahanap po ba kayo ng mga recording artists?"

KRISTOPHER

laughed again, "No, pero sabihin na nating naghahanap ako. Sige na miss, please. Hayaan mo at dadagdagan ko ang tip mo"

SHEILA

Confused

"Ahhhmmm...sige susubukan ko po,pero wala pong garantiyang papayag siya ha....May oorderin po ba kayo?"

Meet my echoserong frog princeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon