Nandito ako sa room ngayon. Gumagawa ng props para sa event namin bukas. May mga sasayaw kasi. Tumayo ako para kunin yung gunting sa kabilang lamesa. "Uy. pahiram muna saglit ha" sabi kong nakangiti sa kaklase kong nagdidikit naman ng designs sa telang gagamitin ng mga dancers. "Osige- sige." Kinuha ko naman agad at bumalik sa mesang pinagagawan ko naman ng ibang props. Tumayo ako dahil nangangawit na ako kakaupo. 3 hours na ako doon at kahit na nakaupo lang ay parang sobrang nakakapagod. Kinuha ko ang isang colored paper at sinimulang guntingin. Nagulat ako dahil may mga ilang estudyanteng pumasok ng room at nagsimulang mag ingay.
"Yow! Tulungan na namin kayo." Sigaw ng isang lalaking may dalang DSLR.
Tinignan ko lang siya saglit at pinagpatuloy ang paggunting ko. Marami naman kaming gumagawa sa room na iyon pero hindi pa rin kayang tapusin kung kami kami lang, lalo na bukas na yung event. Kaya laki pa din ng pasalamat ko at nag presinta silang tumulong kahit na pagod din sila sa practice. Sila yung mga dancers namin. Sa sobrang seryoso ko sa ginagawa ko, hindi ko na namalayan yung mga tao sa paligid ko. Gupit ng tela. Gupit ng colored paper. Dikit ng designs. Uupo saglit. Tatayo, tapos manghihiram ng glue gun. Minsan nga di ko na namamalayan, pinapatong ko na yung paa ko sa mesa, buti nalang naka pants ako.
"Huy Pat, inom ka muna ng tubig oh." Sabay abot ng tubig sakin ng kaibigan kong si Thea.
"Uy salamat." malapad kong ngiti sakaniya. "Sige. Keri mo pa?" Tanong niya. "Haha. Oo naman."
Sagot ko sabay bukas ng takip ng bote at sinimulang inumin. Natigilan ako dahil nakita kong nakatutok sakin yung DSLR nung lalaking sumigaw kanina. Napabalikwas siya sabay kuha ng gunting katabi niya at nagsimula na ring maggupit.
"Hoy eto talaga si Drew, wala kang ginagawa ah." Sabi niya sa lalaking inagawan niya ng gunting. "Gago ka Ace. Anong walang ginagawa, akin na nga yan." At nag-agawan na nga sila ng gunting. So, Ace pala yung pangalan nung may DSLR. Kinukuhanan niya kaya ako ng picture? Sa ngayon wala muna akong pakealam, pinagpatuloy ko ulit ang paggupit ng mga kailangang gupitin. Mamaya maya nakita ko ulit na nakatapat sakin yung lente ng DSLR niya. Napakunot ako ng noo, ng mapansin niya ay binaling niya yung camera sa kaninang inagawan niya ng gunting.
"Putang ina! Ang sakit sa mata!" Mura nito ng kuhanan niya ng picture. "Haha Sorry Drew, nabuksan ko pala yung flash. Sige pagpatuloy mo lang yung paggawa. Kumukuha kasi ako ng picture para sa article ko." Sabi niya. Ah. Kaya pala siya kumukuha ng picture. Wag kasing assuming Pat. Sabi ko sa sarili ko. Madilim na sa labas, at kaunti nalang matatapos na namin ito. After 2 hours, tapos na nga namin. Niligpit na namin ang mga kalat at nag bigay ng mga instructions sa mga gagawin bukas.
"So, goodluck satin bukas ha. Salamat sa efforts!" Sabi ng leader ng event namin. Kinuha ko na ang bag ko at nagsimulang maglakad palabas ng gate ng school. Ang dilim. Kasabay kong lumabas ang mga ka-block ko. Yung iba kasing kasali sa event, ibang section kaya di ko kilala ang ilan. Nag abang na kami ng jeep sa labas ng school, una silang sumakay ng jeep dahil iba ang ruta ko.
"Sige Pat una na kami ha. Ingat ka!" Paalam nila sa akin. Ang tagal ng jeep na sasakyan ko. Wala talaga. Siguro dahil gabi na. 9pm na rin kasi eh. 1 hour pa biyahe ko. Yari ako nito sa mama't papa ko. Ang tagal. Kinabahan ako dahil naramdaman kong may tumabi sakin. Iniisip kong holdaper to o kaya rapist kaya agad agad kong kinuha yung payong ko, yun lang kasi yung naisip kong pang self defense eh.Kinuha ko rin yung lapis ko, tinasahan ko to kanina eh.
"Uy!" Sabi ng tao sa tabi ko. Napasigaw ako at dahan dahan ko siyang tinignan kasi mukhang hindi naman siya masamang tao. Si kuyang DSLR, si Ace pala. "H-hi po." Nangangatog ako sa sobrang kaba. "Okay ka lang ba?" Concern niyang tanong sakin. "Okay lang kuya. Nagulat lang ako sayo." Napangiti siya. "Siguro inisip mong rapist o kaya holdaper ako no?" Tanong niyang parang tuwang tuwa. Natuwa pa siya ah -_-. "Oo. Gabi na kasi eh. Mahirap na." Sagot ko naman sakaniya. "Kung ganun, edi hahatid na kita." Ano daw? Hahatid niya ako? Ni hindi pa nga niya ako kilala eh, at di ko pa rin siya kilala. Tama ba yung narinig ko?

BINABASA MO ANG
Parang Tayo, Pero Hindi.
Fiksi RemajaTayo yung relasyon na walang kasiguraduhan. Relasyong pwedeng bigla nalang maglaho, pwedeng mawala. Pwedeng makahanap ng iba o kaya bigla nalang magsawa. Pero sa relasyon ba nating ito, may chance pa bang mas lumalim pa? May chance pa bang maging ta...