Maagang nagising si angelina naisip niyang ipagluto ng espesyal na almusal ang misteryosong lalaki, Nakangiti bumaba ng hagdan papunta kusina si angelina.
" good morning mama.."
" angelina anak mukang maganda ang iyong gising ah!"
" oo mama magluluto po ako ng espesyal na almusal para dalhin sa aking bagong kaibigan"
" mayroon ka ng bago kaibigan anak?"
" oo mama hindi pa kami ganun magkakilala dahil gabi na sIya nakauwi kagabi"
hmmmmm..... nakakatakam na amoy na masarap na omelet na niluluto ni angelina.
Bumalik si angelina sa mansion upang personal na makilala ang misteryosong lalaki dala ang espesyal na almusal na luto niya.
Agad kumatok si angelina sa pintuan ng mansion ...tok...tok...tok.....
"ginoo maari po ba tayo magkausap? ako po si anelina ang bago ninyong kapitbahay nakatira lamang po ako sa kalapit bahay"
Tahimik ang paligid huni lamang ng ibon ang maririnig,
"mukang wala siya sa mansion" malungkot na humakbang palayo si angelina ng biglang dahan-dahan nagbukas ang pinto.
Napalingon si angelina siya ay nagtataka dahil nagbukas ang pinto ngunit wala namang tao nagmasid si angelina.
" ginoo...ginoo...." tawag ni angelina ngunit ang mansion ay lubhang matahimik agad pumanhik si angelina sa hagdan nagbabakasakali marahil naroon ang lalaki sa mahiwagang silid.
Pagbukas ng pinto ng silid bumungad ang nakakasilaw na liwanag ng eleganteng chandilier ang silid ay malinis at maayos ang mga takip na kumot na puti na nagtatakip sa kasangkapan at muwebles ay wala na, mayroon ding sariwang pulang rosas sa eleganteng lamesa at upuan para sa dalawa, ilang malalaki kandila at humahalimuyak ang amoy rosas sa silid dahil sa sariwang bulaklak sa vase na nag pa romantic sa silid.
BINABASA MO ANG
My mysterious Prince(Filipino version)
TerrorNagpasya ang Pamilya ni angelina na lumipat ng tirahan kung saan natagpuan niya ang isang misteryosong mansion na malapit sa kanilang bahay mula sa silid ni angelina ay matatanaw ang mansion kung saan may lihim na nag mamatyag sa dalaga. Sa hin...