CHAPTER IV

44 2 0
                                    

     madilim ang nakikita ni angelina sa buong paligid at tahimik din ang buong paligid tanging tibok ng puso niya ang maririnig. 

              " Diogo......Diogo.......hintayin mo ako pakiusap......diogo....."   

     biglang nagising si angelina!   isa na namang masamang panaginip ang nagpagising sa kanya ngunit ganun pa man ay maganda pa din ang gising niya dahil muli nanaman niyang makakasama si diogo.    

   Nagdaan ang  buong araw hindi lumabas ng kanyang silid si angelina dahil abala siya sa paghahanda ng kanyang sarili dahil pag sapit ng alas dose ng gabi ay muli silang magkikita ni diogo.

   Makalipas ang buong araw at dumating  na ang hating gabi  muling palihim na umalis ng bahay si Angelina upang makipag kita kay diogo, binali wala niya ang bilin ng kanyang ina na huwag aalis ng bahay sa ganung oras ng hating gabi. 

  Ngunit walang makakapigil sa dalaga na makipagkita sa binatang si diogo dahil mahal na niya ang binata sa unang pagkikita pa lamang nito.  

  Marahan binuksan ni angelina ang pinto ng kanilang bahay at agad lumabas papuntang  mansion. 

   Sinalubong ni diogo si angelina sa pintuan ng mansion ng naka ngiti at agad binati ang ayos  nito.

       " kamusta angelina ?  napaka ganda mo sa iyong kasuotan"  malambing na sabi ni diogo  

     " Salamat diogo sa iyong papuri  " nakangiting sagot ni angelina. 

  Agad na umakayat ang dalawa patungo sa mahiwagang silid kung saan una silang nagkita. 

  Magiliw na nag-usap ang dalawa at kinilala ang bawat isa napansin nila na pareho sila ng hilig kaya lalong napalagay ang kanilang mga loob sa isat-isa.  

   Palagay na ang loob ni angelina sa binata tila nakakarandam na siya ng Pag mamahal dito tila na tagpuan na niya ang kanyang dream boy.  

   Romantiko si diogo inabutan niya ang dalaga ng bulaklak na rosas bilang pasasalamat niya sa kanyang paanyaya. 

My mysterious Prince(Filipino version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon