Minabuti ni Angelina na huwag mag mukmok sa kanyang silid bagkus siya ay pumunta sa mansion kahit maliwanag pa ang araw upang magbigay panahon sa mansion na tanging naguugnay sa kanila diogo.
Nag lakad lakad si angelina sa paligid ng mansion ngayon lang niya napansin na mayroon itong gate na natatakpan ng bayugin ng mga halaman.
Hindi siya nagdalawang isip na pasukin ang gate ng bakuran ng mansion nalaman niyang ito pala ay isang garden na puno ng ligaw na bulaklak at halaman.
Sa isang masukal na parte ng garden napansin niya ang isang mataas na bato na natatakpan ng mga tuyong dahon.
curious niyang tinaggal nag mga tuyong dahon at tila may nakasulat sa bato malabo pero mababasa kapag tinanggal ang alikabok at tuyong putik.
Gamit ang kanyang panyo pinunasan niya ang tila isang lapida kung saan lumitaw ang isang pangalan.
PRINCE DIOGO ALWALEED
BORN : 1890
DIED : 1913
Laking gulat niya ng matagpuan ang puntod ni diogo nanghina ang kanyang mga tuhod na nagpaluhod sa kanya at napayakap siya sa puntod nito.
"huhhhhh...huhhhhh...huhhhh..." hagulgol na iyak ni angelina
Para siyang binaksakan ng langit at lupa sa nakita na ang katotohan ay nasa harapan na niya na patay na si diogo ang lalaki iniibig niya.
habang maiyak- iyak na nililinis ni angelina ang puntod ni diogo ay inalayan niya ito ng panalangin hawak ang isang rosaryo inalay niya ang oras sa panalangin .
BINABASA MO ANG
My mysterious Prince(Filipino version)
HorrorNagpasya ang Pamilya ni angelina na lumipat ng tirahan kung saan natagpuan niya ang isang misteryosong mansion na malapit sa kanilang bahay mula sa silid ni angelina ay matatanaw ang mansion kung saan may lihim na nag mamatyag sa dalaga. Sa hin...