Part 7 - End of Confession

106 4 0
                                    

Guys! sorry naman at ang tagal nang update! saranghaeyo!


After that night, pinangatawanan na lang nina Jake at Baylee ang nangyare. A week after pagkabalik ni Jake galing England ay sinabi na nila kina Seungri at Bea ang tungkol sa kanilang relasyon and they were all happy about it. 

''Auntie, Uncle, I know I should have asked you first pero biglaan po kasi talaga'' makahulugang paghingi nang paumanhin ni Jake nang bisitahin niya ang pamilya Lee.

''Okay lang yun, ang mahalaga andito ka ngayon'' nakangiting sabi ni Seungri at nilagyan nang wine ang baso nang binata, nasa loob naman ang mag ina dahil inaayos ang kanilang pinagkainan. Hands on parin kasi si Bea kahit na dalawa na ang anak nila. 

''Aboeji'' halos maibuga ni Seungri ang iniinom nang marinig ang sinabi ng binata kaya agad siyang nilapitan.

''Uncle, gwenchena?''

''Ne, ne'' awat ni Seungri habang paubo ubo.

''Love, gwenchana?'' nagmamadaling nilapag ni Bea ang mga cheese at finger foods nang makitang umuubo ang asawa.

''Dad'' tawag din ni Baylee na nakasuot na nang pambahay, loose t-shirt at shorts.

''I'm okay, nabigla lang ako'' sagot nito.

''Saan?'' tanung naman ni Bea.

''Ah Auntie, tinawag ko kasi siyang Aboeji'' natatawang paliwanag ni Jake kaya natawa ang mag ina.

''You can call me Eomonie anytime'' tumatawa ding sagot ni Bea sabay upo sa tabi ng asawa at ganun din si Baylee.

''Aboeji, Eomonie... thank you for accepting me as your daughter's boyfriend'' nakangiting sabi nito at nagbow pa.

''Kung saan magiging masaya ang anak ko.. I will always support whatever decision you'll gonna make.. but I just have one thing to ask'' seryosong sabi ni Bea kaya napaupo nang maayos ang dalawa.

''Jake, please don't hurt my daughter.. respect, love and care her just like your mom. I know you came from a royal family and it's not gonna be easy for them to accept an average woman but.. please.. kung dumating man sa puntong hindi mo na mahal ang anak ko or hindi siya tanggapin nang pamilya mo..isauli mo na lang siya samin ng buong buo.. '' seryosong pakiusap nito kaya naging emosyonal si Baylee dahil ngayon lang niya narinig na ganito ang ina.

''Mom.. I'm not getting married'' 

''I know.. I know anak pero seryoso na tong pinapasok niyo kaya ako nag aalala..''

''Jake.. Baylee'' singit naman ni Seungri.

''Yes Aboeji'' sagot ni Jake.

''I'll go straight to the point.. alam kong nasa tamang edad na kayo but I love my daughter so much and I want to protect her dignity kaya wala akong ibang hihilingin sa'yo Jake and you too Ley.. kundi ''No sex before marriage rule''.

''Yes Eomonie, Yes Aboeji.. you have my word'' siguradong sagot ni Jake.

''Dad, as if naman po'' biglang biro ni Ley nang hawakan siya sa kamay ni Jake.

''I will protect, respect and love her just like how you raised her Eomonie and Aboeji. I am a willing to bring her to England to meet my parents'' seryosong sagot nito.

''Mwo?'' tila ayaw na tanung ni Baylee, dahil may usapan silang after a month ay maghihiwalay na din kunwari sila.

''I told them about you.. and they wanted me to take you for the Royal Ball'' sagot nito.

Will you still love me tomorrow?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon