Chapter 5

627 13 6
                                    

Sean's POV

Naks may POV pala ako dito sa story ni Ms. Author salamat! :3 Di ko talaga expect na isa ako sa main characters dito wait am I? Oh well basta thankful nalang ako haha so kwento ko na sa inyo mga tol at chixs ang side ko? Hmm baka magulat kayo haha. Well I will leave it up to you guys nalang to decide. ;)

Kasi ganito yun di ko talaga expect na kakilala pala ni Drake si Ashlhie. Actually matagal ko na gusto si Ashlhie pero secret nalang kung bakit. Need niyo muna daw mag beg kay Ms. Author sa aking story na yun basta my lips is sealed muna haha. :D

Pero ang laki ng gulat ko kasi noon araw na yun hinila ako ni Drake papuntang Ministop at sinasabi niya na may babae siya gustong gusto niya makita. Ewan ko lang mukhang may bago nanaman chixs si tol. -_-

Best friend ko si Drake pero di ako katulad niya at ang grupo namin na ang halos habol ay chixs na dadagdag sa collection. I am a one woman man mga madlang people!

Kapag ako nagmahal forever na yan! ;)

Yes you heard it right si Drake ay known to be one of our department and plus sa buong campus na heartthrob and playboy. Papalit palit nga yan ng babae at halos lahat ng babae eh friends niya. Kung makikita mo ang facebook niya halos yung mga kabrad namin ay humahawak sa account niya. Ang main account niya siya lang nakakaalam at pamilya niya. Wala pa siyang babae na talaga siniseryoso.

Pero alam mo laki gulat namin ng mga katropa namin na gumawa siya ng ganito event. Kung ako naging babae siguro super kikiligin din ako kasi isang Drake Romero kumanta at bigyan ka ng engrande na panliligaw na ganun!? Saan ka pa di ba? Alam niyo lahat ng chixs ni gago lahat di nagtatagal sa knya ng months.

Oo you heard it right di nagtatagal ng months minsan nga days eh. -_- Ang pinakamatagal siguro ni Drake ay 4 months ata. Grabe di ba?

Well enough about Drake guess what pumayag si soulmate, (haha oo pumayag na siya na tawagin ko siya soulmate) na ihatid sundo ko siya at manligaw sa kanya!

Can you believe it? Buti nga wala pa siya boyfriend. Mabait si soulmate ko kaya ippursue ko siya even if it means doing everything drastic. Kaya lang xempre mas gagawin ko more exciting ang panliligaw ko sa knya.

Alam mo its 6am na ngayon at nandito na ako nakaparada sa tapat ng bahay ni soulmate, oo ang pasok ko is 9am while si soulmate ay 7am. Maxado ba excited na sunduin siya kamo? Well ganun talaga gusto ko pakita sa kanya na totoo ako at hindi yung nagsasabi lang na gusto manligaw pero di ginagawa.

Di ako ganun klase lalake. Nasa looks ko siguro na ganun pero ang paniniwala ko iba. Kasi para sa akin dapat need natin respetuhin ang mga babae dahil sila ang naghirap sa atin na iluwa tayo sa mundo na ito. That's why I love my mom and all my sisters. Yes may mga sisters din ako haha and bilang kuya need ko din sila maprotect sa mga kagaya ni Drake.

Tinitingnan ko ang cellphone ko at hinanap ko agad ang pangalan ni soulmate balak ko na itext, gusto ko ako ang una na magtetext sa kanya at kahit maging alarm clock pa niya gagawin ko.

Basta para sa akin si Ashlhie ang babae na mamahalin ko forever at di ko na papakawalan kapag napa- OO ko na siya.

Alam niyo ba meron pa nga ako surprise para kay Ashlhie. Meron ako dito maliit na present bilang simbolo ng panliligaw ko sa knya. Sana magustuhan niya. Its kinda like those friendship bracelets baka kasi mailang siya agad kung binigyan ko siya ng mga mamahalin. Ang nakalagay sa bracelet niya is "you are always in my heart" sa tingin niyo magugustuhan niya haha kasi galing talaga ito sa puso ko.

Si Ashlhie simple lang yan kaya mahal ko siya di siya yung babae na humihiling ng mamahalin na bagay basta galing sa puso mo ayun ok na siya. Paano ko yun alam well let's just say na nababasa ko siya haha feel na feel ko maging manghuhula! Hehe. Well like I told you my lips are sealed kung bakit ganito ako sa soulmate ko.

How a Martyr became the PlaygirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon