NAGISING ako dahil sa mahinang tapik sa'kin. Dahan-dahan na minulat ko ang mata ko at tinignan si Kuya na ngayon ay nakangisi na bumungad sa'kin. Ang aga-aga nakangisi tss.
"Rise and shine Bunso!!"
"Aga-aga ang ingay mo!" Inis na sabi ko at umupo sa kama ko. Napatingin ako sa dala n'ya."What's that?"
"Natulog ka lang naging tanga ka na. Malamang breakfast!" Dahil sa inis ko ay tinapunan ko s'ya ng unan at tumawa naman s'ya. Tinignan ko ang oras. The heck it's just 5:30am!
"Bwesit ka! Ang aga-aga mo'ng nag-ingay at dinamay mo pa talaga ako! Pasalamat ka at may dala ka na breakfast!" Umupo naman s'ya sa tabi ko at nakikain din. Akala ko ba para sa akin lang ang pagkain bakit nakisali to? Tss.
"By the way bunso,may nanliligaw na ba sa'yo?" Nabulunan naman ako sa tanong n'ya."Dahan-dahan naman! Meron na no? Kasi nabulunan ka eh!"
"W-wala!"
"Talaga?"
"Wala nga sabi!"
"Ba't namumula ka?" Tinutusok-tusok n'ya pa talaga ang pisngi ko. Wala ka talagang kwenta kahit kailan Kuya. Kaya naman ay pagkatapos ko sa pagkain ay tumayo na ako.
"Hindi ako n-namumula nag blush on kasi ako kagabi hindi pa siguro natanggal." Sabi ko sa kanya.
"Talaga lang ha? Magbibis ka na d'yan at sasamahan mo'ko ngayon!"
Sabi n'ya at lumabas ng kwarto ko. Papasok na sana ako sa kwarto ko nang may mag text sa'kin. Sino na naman ang tao na magtetext ng ganito kaaga? Lumapit ako sa side table at tinignan ang nag text.
Silver:
Goodmorning.
Napangiti ako at nandu'n na naman 'yung mabilis na pagtibok ng puso ko. Wala lang 'yan Helium,wala lang 'yan huh? Hindi 'yan healthy sa'yo wag ka'ng marupok!
To Silver:
Goodmorning too. Aga mo naman.
Silver:
Ikaw din naman maaga. It's destiny Helium. *With smile emoji*
To Silver:
Wala'ng destiny! Tantanan mo'ko!
Silver:
Gusto sana kita'ng kasama mamaya may pupuntahan lang Sana ako. I will glad if you come with me.
To Silver:
Sa'n ba 'yan?
Silver:
Secret. I will wait at your condo. Dapat 3pm ay nandu'n ka na.
Hindi na ako nag reply dahil wala naman ako'ng dapat sabihin. Pumasok na ako sa loob ng banyo. Napapadalas na ang pagkikita namin,kasalanan talaga to ng araw na 'yun eh bakit ba kasi ang pangit pangit n'ya manamit,ang init-init nakajacket! Kaya ay natawa ako nang maisip ko ang una nami'ng pagkikita. That's suck dude!
Pagkatapos ko'ng maligo ay bumaba na ako. Nakita ko si Kuya du'n na kausap si Dad at si Mom. Hindi ko alam kung paano natanggap ni Mom ang ginawa ni Dad before. Maybe,she loves Dad so much even though how hard it was. I am proud of my mom,tsaka mabait naman si Kuya Tama lang ang pagpapalaki ni Mom sa kanya. Naisip ko tuloy kung nagtanim ba ng Sama ng loob si Mom kay Kuya. Pero sa nakikita ko ay wala naman,because I saw my mom how she looks Kuya and care for him it's genuine wala'ng halo na kaplastikan.
"Nandyan ka na pala Baby. Halika Kumain ka muna." Umupo ako sa tabi ni Kuya.
"Goodmorning mom. Tapos na ako ako Kumain dinalhan ako ni Kuya da taas kanina." Ngumiti ako at tinignan ang kwarto ni Lolo."Si Lolo?"
YOU ARE READING
OUR DISTANCE
RandomI am from Philippines and he's from Outer space,we are hundred miles away. But,distance is just a word and love is the path to close the widest distance.