September 12,2014
(Friday)
Dear Jexanne,Hayy Salamat Friday na..at wala na ding MTAP bukas...yes! Makakapagpahinga na din ako sa wakas!
Pahinga muna ang utak sa pagsosolve ng mga MATH problems XD
Ewan ko ba..hindi naman sa ayaw ko sa Math..actually gustong gusto ko talaga syang matutunan,kaso kahit anong gawin kong pag intindi minsan talaga nabablanko na lang ako bigla..Parang si Mr.L..kahit anong gawin ko ayaw nya pa din saakin XD CHAREEEENG! XD
SHEMAY XD.
Yung moment na kapag sumasagot ako..malapit ko na sanang makumpleto yung equation tapos bigla bigla ko na lang makakalimutan yung sunod na step.. -_-
Parang sya ulit..kung kailan naman naiiaip ko na may something na..bigla bigla na lang syang magbabago at magiging cold sakin.
SHEEEET XD
Kaya ayan ..
Bukas magtetake ako ng exam sa UPHD (University of Perpetual Health Delta) ..ang sabi ng momy ko isama ko daw yan sa mga choice ko na school para sa college kasi dun sya nag-aral.. at parang dun na ata ako ..ewan..magulo pa isip ko.And speaking of college...hayy since maggagraduate na kami namomroblema na kami ..
At isa na ako dun..naiistress na ako kakaisip.Hindi ko pa alam kung anong kurso ang kukunin ko eh. Kung pwede nga lang na walang kurso kurso ehh parang high school lang..kaso kailangan talaga yun..Halos lahat kami di alam yung kukunin namin,yung iba naman hindi pa sure..
Ay may pagpipilian na pala ako.
Ehh kasi talagang pinagiisipan ko .ayoko namang nganga lang ako forever..
BS Psycholgy kasi may pag ka psychotic ako..,IT kasi mahilig akong mag computer,Graphic System Technology kasi mahilig akong magdrawing ng Anime.. ,EDUCATION (Maj.inMAPEH) Kasi I love music..
Ayan pero ang pangarap ko talaga ay maging Veterinarian ..pero mukhang wala namang school para dun dito sa pinas.
Hhahaha ang dami diba?
Kaya ang hirap ehh XDAMBISYOSA kasi ako XD
Si Mr.L naman ..ewan gumagawa na naman sya ng mga gawain na hindi ko maintindihan...Nagaassume na naman tuloy ako.
Ok now,let's proceed to the main topic for today..XD
Kanina habang naglelecture kami sa MATH ang ingay na naman nya na akala mo manok.
Putak ng putak XD
Well,hobby nya na yun :) pero nagtataka ako kasi andaming naiinis sa kaingayan nya..
Ako? Hahaha siguro minsan lang naman XD
I mean,para saakin kasi natural na sa kanya yung ganun..kumbaga na-Immune na ako XD
Yung tinuturo kanina ni Sir Kilala yung about sa Square root..
Tapos bigla na namang nagsalita si Mr.L ."Root! Square Root!"
Bakit parang naiinsulto ako -_- para kasing name ng mom ko eh (Ruth) .hayy ewan hindi siguro yun yun..Tapos naguusap sila ni Leah sabi ba naman nya "Tag mo na"..ewan ko siguro parang may kaaway ata sila..
Bakit kaya boses nya lang naririnig ko..tsk!
"Ayaw kong mag-assume"-Mr.L
o_O!
Yung totoo?
Srsly?
Bakit yung mga sinasabi nya konektado sa post ko..
"Ano ba yan ang hirap naman pumili sa college,sa Perpetual na nga lang ako mag-aaral,Chareeeng!"-Mr.L
Grrrrrrr!
Wala ! Nagkataon lang tong mga to! Wala to!
..UWIAN
Ring! Ring! Ring!
Nagtatawag na naman yung mga leader para iannounce yung practice nila..
Hmm ..ako? Siguro di muna ako pupunta ng library ngayon..
Wala namang mabasa na story dun eh XD
HAHAAHAHA natapos ko na kasi yung story na Fairytale dun haha taray diba? ^-^
Nagsitayuan na ang lahat.
"Cleaners walang uuwi!"
Oo nga pala kahapon ako cleaners ,Friday ngayon.
Makalabas na nga .Dun muna ako sa corridor.
Ayoko pa munang umuwi ang init init pa eh..
Tapos nagulat ako ng may biglang tumabi saakin.
Sya pala.
Alam kong sya yun kahit di ako tumingin,amoy pa lang eh WAHAHAHAHAHAHAHAHA Oy walang green ah! XD
Ayun,kausap nya nun si Kath at nagdadrama na naman sya..
Hayy Drama King .
"Magpapakamatay na ako!"
(aakmang tatalon na sana sya ,pinigilan sya ni kath tapos tumingin ako sa kanya.Tapos tumawa lang sya.)
Tatalon na nga lang sa tabi ko pa.. pag talaga! Naku ! Iiyak ako XD
Hay naku! Mr.L kahit ano pang sabihin nila sayo,wag mong pansinin yun! Mga insicure lang yun. JUST BE YOURSELF.May mga tao pa namang tanggap ka kahit ganyan ka eh..
Like me...
BINABASA MO ANG
Ang Crush kong Gaylalu (Puppy Love)
RandomI believe that everything happens for a reason. (True to life Story).