FEBRUARY 27,2015
Dear JeXanne,
Azaaaaaaaaaar!
Alam mo kung bakit?!
Ehh kasi naman.. akala ko naka ok na ako..pero tsk! Hayy ewan hindi ko na nga lang papansinin ..I'll just go with the flow na lang..
Kanina kasi.. may dance contest kasi akong sinalihan sa MAPEH and then ayun na nga ang mga naging kagrupo ko sina Jennivive, Lele, Abel, Astorga, Matining at Epiz kami yung unang magkakagrupo..
Nga pala si Epiz may ginawa syang Story sa wattpad "My Pervert Bestfriend" ayan ipaplug ko lang XD
Search nyo sya @julynatots
Kung sakali mang may nagbbasa nito XD
So ayurn balik na tayo XD
Hindi naman kami nageexpect na manalo ang purpose lang ng pagsali namin is to be the representative ng mga 4th year at tyaka yung experience.. gusto ko din sanang sumali si Mr.L para naman kahit papano may magaling saaming sumayaw.. nung una ayaw nyang sumali.. dahil na rin siguro sa sobrang dami na rin kasi ng ginagawa halos sunod sunod at halos araw-araw na kaming wala sa bahay.. wala ehh ganun talaga ang buhay 4th year mahirap ang sabi nga ng mga teacher namin, kapag sa college na daw doble ang paghihirap mo.. pero teka teka nga muna hindi naman dito yung pinag-uusapan XD
.
HANGLAYU Ahh XD
Ok balik na tayo dun.. di nagtagal sumali na din si Mr.L saamin..
Yung feeling na...
Hayy namimiss ko na sya..
I mean palagi naman syang pumapasok ehh kaso iniiwasan ko na sya.. hindi na ako masyadong tumitingin sa kanya..
Like kila Jennivive na lang ako tumitingin.. Assuming na sana mapansin nya ako kung sakali mang lumayo ako.. maramdaman nya rin ako... hanapin nya rin ako..
Pero mukhang malabo XD
HAYYY
Tapos ayun sya yung nagturo saamin ng sayaw
Stress, naku kaya gagawin ko yung best ko kahit hindi ako dancer.
Hindi ako sumuko.
Bago kami Magperform sa mismong araw or rather should I say kanina lang pala XD, nagdasal muna kami..
Si MR.L ang naglead..
"AMEN"
Tapos ayun buo na loob namin..
Thank god kasi kahit na may mga lapses ako hindi ako napatigil,hindi ako pinanghinaan ng loob kasi alam kong nndyan si lord pra palakasin yung loob ko pati yung inspirasyon ko XD
(HAYY MAHIRAP NGA KASI MAGMOVE ON XD)
Pagkatapos nun nagpalakpakan yung mga audience..
Then biglang...
Nagulat ako kasi biglang nanahimik si MR.L.. hindi daw sya makahinga.. masakit daw yung dibdib nya..
Nung mga oras na yun hindi ko alam kung ano yung maitutulong ko..
Marami na kasing nagaasikaso sa kanya.. kumuha na lang ako ng pamaypay para sa kanya..
Kahit man lang yun magawa ko sa kanya..
Kasi naman kung magsayaw bigay kung bigay tsk!
Nagalala ako ng sobra sa kanya nun..
Tapos katulong ko si jennivive, dinala namin sya sa clinic..
Since may sayaw pa sila Jennivive..
Nagpaiwan muna ako sa Clinic para bantayan sya..
Hanggang sa matapos sila jennivive sumayaw nndun lang ako sa loob..
Nagugutom na si MR.L kaya
Lumabas muna sila ni jennivive para bumili at naiwan ako sa loob XD
HAYYYY BUHAYYY XD
Kinakausap ko yung dingding XD
"Bakit kasi kita mahal..Hayy tignan mo tuloy nahihirapan din ako sa sobrang pag-aalala sayo... " hayyy..
Tapos nung dumating na sila kunyari nakaayos ako ng higa XD
Humiga ulit sya tapos nagsidatingan sila Maam Zabala at iba pang MAPEH teachers..
"Oh anong nangyari sayo Lumantas? "-maam Zabala
"Sumakit po yung dibdib ko "-Mr. L
"Grabe kasi kung sumayaw, parang wala ng bukas (sabay tingin saakin na nakahiga).oh ikaw mansano napano ka naman? "-maam Zabala
"Wala po maam, nagpapahinga lang "-ako
"Asus, binabantayan lang ni Mansano si Lumantas maam " sabi ng hindi ko kilala na teacher O_o
Nagulat.ako kasi kilala nya ako..
"Ayieeee si Mansano, hindi naman mawawala si Lumantas ehh "-maam Zabala
HAyyyyyy nagulat ako..
HINdi ko na alam gagawin ko nahihiya na ako sa loob ng clinic.. hindi ko din alam yung reaksyon nya..
Basta.ang alam ko lang HIYANG HIYA NA AKOOOO..
Inaasar na nila kami.. buti na lang talaga umalis na kami..
"Sige na po maam, akyat na po kami ok naman na po ako "-Mr. L
..
PAGLABAS namin.
"Nakakahiya "-Mr. L
TAPOS tumatawa si jennivive
"Hindi ko.nga kilala yung teacher
..paano nya ako nakilala at paano nya din yun nalaman... "-bulong ko kay jennivive
"Si Maam Sigue yun.. "-jennivive
Ahhh basta hiyang hiya ako XD
Lalo na nung pagakyat namin sa room, kahit may program. Nagklase pa din si Maam Daisy..
Pagakyat namin yung mga mata ng Porrr-Eyyy hayy ewan XD
CONGRATZ na lang saamin kasi nanalo pa kami ng 1st place XD

BINABASA MO ANG
Ang Crush kong Gaylalu (Puppy Love)
SonstigesI believe that everything happens for a reason. (True to life Story).