Bakit may mga taong..
Nasa harap na nga nila yung taong hinahanap nila..
Sigi pa din ang tingin nila sa likod nila...
Yung iba naman.....
Nasa harap nga yung tingin...
Nagtatakip naman ng mata...
Hayyy...
Bakit kasi kapag nagmahal ka kailangan masaktan?
Hindi ba pwedeng puro saya na lang?
Pero kasi tama na din naman...
Magiging boring naman ang buhay kung wala kang problemang kinakaharap..
Pero kasi..
Bakit ang sakit sakit?
No wonder kung bakit maraming nagpapakamatay dahil dyan..
Bakit kasi may mga taong kapag nagmamahal sila...
Hindi naman sila mahal nung taong mahal nila?
Bakit may kantang MAHAL KO O MAHAL AKO?
Hindi ba pwedeng yung MAHAL MO na lang? AT MAHAL KA DIN?
Or halimbawa na lang sa mag-couple...
Pustahan tayo...
Bihira lang sa kanila yung talagang mutual ang feeling sa isa't isa..
Ganun naman ehh..
Yung isa sapat lang yung love nya ..
Samantalang yung isa naman sobra kung magmahal sa love nya..
Parang ako -_-
Kaso ang kaso saakin..
MU lang kami...
Ako...
M-ag-isang..
U-miibig
Ako lang ang nagmamahal..
kung pwede lang turuan ang puso..
Yung tipong masuklian nya yung pagmamahal ko sa kanya..
Hindi yung literal ahh..
I mean kahit man lang SYA ..
Kung pwede lang diktahan ito..
Kung pwede lang sabihan na
Tama na!
Yung tipong makakita lang ako ng pogi sasabihan ko na yung puso ko na yun na lang yung gustuhin mo XD
Kaso di pwede..
Hindi ako desperada..
Tao lang..
Nagmamahal..
Ngayon...
Ang tanging hiling ko lang ay yung kasiyahan nya...
May nalaman na naman kasi ako..
Pero di ko na sasabihin yung name..
May crush kasi sya..
Then nakasama nya daw yun..
Masaya sya sa tuwing makikita nya yung taong yun..
Obvious naman eh #^_^#
Tapos may get together sila, syempre sumama sya para sa taong yun..
Alam mo yung tipong pumunta sya para dun sa taong yun pero nung nandun na sya..
Ramdam ko na ang sakit ng naramdaman nya..
Ikaw ba naman sabihin ng taong gusto mo na may mahal syang iba..
Hayy...
Sa harap mo pa..
Kahit kinukwento lang yun sakin ni ano... nararamdaman kong nasasaktan sya ng mga oras na yun...
Kasi.. ako mismo... halos..araw-araw na ginawa ng diyos... kahit na nakikita nila akong happy..
Kahit dito.. sa mga sulat ko dito..
Yung akala mong masaya..
Yung akala mong nagbibiro ako..
Akala mo yun talaga nararamdaman ko..
PERo hindi.. ginagawa ko yun para naman masabi ko na masaya ako..
Kahit na deep inside..
Nadudurog ako..
Parang isang salamin..
Nalaglag na nga at nabasag..
Tinapaktapakan pa..
Konti na lang durug na durog na ako..
Pero sa kabila ng mga yun..
Dun ko nalalaman sa sarili ko na..
Strong ako..
Na kaya ko to!
Kahit na nung una..
Hirap na hirap ako..
Ngayon sya naman ang nakakaranas ng naranasan ko noon..
Kung anong naranasan ko dati sa kanya..
Ay hindi pala dati... ngayon pala..
Yung tipong masasaktan ka kasi alam mo yung fact na...
Kahit kailan hindi ka naman nya mamahalin ehh..
Kasi iba yung hinahanap ng puso nya..
All I want for him now is to be happy.....
Ayokong maranasan nya..
Kung ano yung nararanasan ko ngayon ..
Isipin mo na lahat sakin..
OO NA PATHETIC NA KUNG PATHETIC..
Eh ano?!
Nagmamahal lang ako ~T_T~
BINABASA MO ANG
Ang Crush kong Gaylalu (Puppy Love)
RandomI believe that everything happens for a reason. (True to life Story).