Sa sumunod na araw ay tumambay muna sila sa bahay ni Jaemin para gawin ang mga assignment nila. Sabi nga ni Mark lagi, aral muna bago tambay.
Nakahilata nalang sila sa kung saan nila gusto kasi wala lang, trip lang nila, saka okay lang naman kay Jaemin at Mama Na (nakiki-mama narin sila). Si Jeno at Jaemin ay nasa sofa. Solo na nila kasi ayaw daw langgamin ng iba. Si Jisung at Chenle naman ay doon sa terrace kasi masyadong naiinitan daw sila sa loob. Sus, nahihiya lang naman maglampungan sa harap ng barkada si Jisung. Ang natitira ay nasa sahig nalang kasi mas malamig doon.
Naririnig ni Mark na nagbubulungan sina Donghyuck at Renjun sa gilid niya. Kahapon pa ang mga to ah? Ba't parang ang dami na yata nilang tinatago?
Maya-maya ay tumayo si Renjun. "Sakit na ng likod ko. Hanap na muna ako ng makakain sa kusina." Tumango lang sina Mark at Donghyuck saka nag-walk out na siya. Bahagyang napaisip si Mark kung ano bang connect ng masakit ang likod sa paghahanap ng makakain.
Nasa gitna ng pagbabalance ng isang chemical equation si Mark nang may maramdaman siyang sumusundot sa tagiliran niya. Taena, may kiliti pa naman ako diyan.
"Ano?" si Donghyuck lang naman ang may tapang na kilitiin siya sa tagiliran niya (aside kay Jaemin) at wag sana niyang masubukan na barahin ngayon si Mark, matataas pa naman ang mga subscript ng sinosolve niya.
"Hyung, pasolve naman o," maypapoutpout pa siyang nalalaman. Cute sana siya kung hindi sagot yung hinihingi niya eh.
"Ayan, tinatawag mo lang akong hyung kung may hinihingi ka," sa kabila ng pagsusungit, kinuha parin naman niya yung libro ni Donghyuck para tignan yung problem na tinuro ng nakababata kanina. Simula paman noon hindi na siya makatanggi sa nakababata, at hanggang ngayon ay hindi parin niya alam kung bakit. Siguro ay ganoon lang talaga si Donghyuck, hindi matanggihan ninoman.
Kahit na alam niyang hindi parin naman maaalala ni Donghyuck ang mga ituturo niya ay sinubukan parin niyang i-explain ang pagsolve ng math problem. "-tapos ganyan. Nagets mo ba?"
"Oo, hyung," uy, himala, "nagets ko na ang talino mo nga talaga," manghangang-mangha na tinignan ni Donghyuck ang notebook niya na pinagsulatan ni Mark. Ay.
"Hala Hyuck, sorry. Di ko napansin na notebook mo na pala yung nasulatan ko-"
"Naku, okay lang yun, hyung-"
"-di ko kasi madifferentiate kung saan yung scratch paper at saan yung notebook mo, eh," pagtatapos ni Mark sa sinabi niya. Napangisi siya internally. Hah, kala mo lang, Dodong.
Napanganga si Donghyuck. "P😀ta. Kung kelan gusto kong ma-try na lumambing naman sayo, doon mo naman naisipang barahin ako pabalik," pagkatapos noon ay tumayo na siya at nag-walk out.
Katahimikan.
"Yan kase," napalingon si Mark sa kusina nang marinig niya ang boses ni Renjun pero wala naman ang nasabing tao doon nang lumingon siya. Nagtago na yata. Chismoso amp.
Lumingon ulit si Mark para humingi sana ng support sa Nomin kaso ang gandang scene ng nadatnan niya eh. Nagkakainan lang naman ng mukha sina Jeno at Jaemin sa sofa.
"P😌ta," napawalk-out na rin si Mark.
"...mhmm, J-jen," mahinang tinulak ni Jaemin palayo si Jeno.
"Hm?" nang maghiwalay ang mga bibig (TMI: at dila) nila ay agad namang lumipat si Jeno ng paghahalik sa leeg ni Jaemin.
"Narinig mo bang- s-shet, wag masyadong malalim, Jen. Paubos na concealer ko," bahagya siyang nadistract nang kumagat si Jeno sa leeg niya.
"Hayaan mo na, bilhan nalang ulit kita mamaya," sagot ni Jeno habang parang linta parin na nagkakagat sa leeg ng binata.
"Ok... pero... n-narinig mo bang nagmura si Mark-hyung?"
BINABASA MO ANG
barbeque stick | markhyuck
Random"No! I'm as straight as a stick!" "Pakatandaan mo hyung na maraming klase ng mga stick. Which one are you specifically? Oh wow, that was English." Napatigil si Mark nang agad na pumasok si Donghyuck sa isipan niya, isang bagay na mukhang napapadalas...