DONNA'S POINT OF VIEWNagising ako sa isang napakalambot na kama at inulit ang routines ko tuwing umaga. Diretso banyo, ligo, kain and go to school. Wala na manang bago eh! Lagi na lang ganito, pakiramdam ko nga ang unique ng buhay ko eh.
Kumain na ako lahat lahat, tumakbo papuntang school at nakinig sa lectures ng mga prof ko pero di ko pa rin makalimutan yung sinabi saakin ni ate Selena kagabi.
"Kasi si Mark, boyfriend ko siya."
Yan! Yan ang laging pumapasok sa isip ko! Di nga ako gaanong natulog kagabi kaya busog na busog ang eyebags ko. Hays! Pilit kong di pinapaniwala ang sarili ko na boyfriend ni ate si Mark.
Ang hirap lang kasi talaga eh! Aishh.....
"Ah Donna! Snack na, sabay ulit tayo nina Mark" aish eto nanaman ang makulit na lalaki.
"Oo susunod ako" agad napabusangot si James at kumunot ang noo. Haha ang cute niya para siyang bata!
"Oo na sige na pupunta na po haha" pangaasar ko pa.
Biglang nawala ang saya ko ng mapagtanto kong makikita ko ulit si James sa canteen. At yes! Wala pa ring bago pinagtitinginan at pinagchichismisan pa rin ako ng mga girls dito. Aish! Talagang bunganga lang ang panlaban nila sa isang babaeng tulad ko na saksakan ng ganda! Wahahahaha!
Uupo na sana ako, kaso naisip ko na ako na ang magorder para di ko muna makita yung Mark na yun. Okay, Im starting to move on right now, nakakailang naman na yung boyfriend ng ate mo eh masyado mong nilalapitan diba? Clingy kumbaga.
Di nagtagal at nakaorder na ako ng pagkain. Habang naglalakad ako papunta sa table namin eh naaaninag ko na ang mukha ni Mark pero di ko muna ito pinapansin. Habang palalapit eh pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko! Haysss, puso makisama ka namann!
"Hi Donna!" kakaupo ko pa lang.
"Hi, Ma.." di ko natapos ang sasabihin ko.
"KAINAN NAA!" pagpuputol pa ng usapan naming dalawa ni Mark.
Natawa na lang kami ni Mark at nagsimulang kumain. Chicken and pasta ang kinakain namin which is our favorite!
Nanibago ako kasi habang kumakain kami eh sobrang tahimik ng paligid. Walang ingay ng mga estudyante tanging hangin at bulungan lang ang maririnig mo. Grabe! Himala ah, mas gusto ko kung ganito na lang lagi haha!
Di nagtagal at pumunta na kami sa mga classes namin. As usual dadaan nanaman kami sa hallway ng lagim!
Ang hallway kung saan nakaencounter ako ng mga empaktang estudyante. At umasa ulit ako na may mga mangugulo nanaman saakin pero laking gulat ko na wala naman pala. Hmmm, siguro busy lang ang mga demonic girls. *devils laugh*
Habang nasa classroom kami eh naisipan ko munang makipagusap kay James habang may kausap pa ang teacher namin sa phone.
"Huy James may itatanong lang sana ako" lumingon sakin si James.
"Ano? Tungkol ba yan kay Mark? Gusto mo ba siyang asawahin? Hahahaha!" sinamaan ko siya ng tingin at nagpipigil nanaman siya ng tawa. Uhhh! Nakakainis talaga tong lalaking to!
"Ahhh may girlfriend ba si Mark?" pagtatanong ko pa at halos mapunit na ang mukha nitong si James sa ngiti niya.
"Ughhh! Its not what your thinking Im just curious." pagdedepensa ko pa. Teka masyado yata akong defensice pucha.
"Hahahaha oo na! Oo may girlfriend si Mark. Sino? Si Selena Hawkins." agad namang nawala ang ngiti sa mukha ko nang malaman ko talaga ang totoo.
Bakit ganun? Kinumpirma ko lang naman kung totoo ba talagang boyfriend ni ate si Mark pero bakit parang dumoble ang sakit.
Ughhhh! I hate this feeling!!!
YOU ARE READING
Secretly In Love
RandomHi guys! Dito sa librong to ay matutunghayan natin ang pag sikreto ng isang babae sa lalaki ng kanyang feelings. Huli na ba lagi ang lahat para sa pagibig? Pagkatorpe mo ba ang paiiralin, o kaya susubukan mo na lang para malaman ang resulta. Love is...