Chapter 3

15 4 0
                                    

Chapter 3

Pag uwi ko galing sa bar, na badtrip agad ako dahil nakita ko si dad na naghahapunan. Hindi niya ako niyaya as usual kaya umalis na naman ako sa bahay at napag desisyunan na kumain nalang sa favorite restaurant ko.

Habang namimili ako ng pagkain, someone texted me.

"Hey babe. Wanna have fun tonight?" I just ignored it. Wala ako sa mood para makipag kita sa mga babae ko. Mga babae na hindi naman ako kayang mahalin.

"Good evening sir, may I take your order?" Napatingin ako dun sa nagsalita. What the- anong ginagawa niya dito? Mukhang nagulat naman siyang nakatingin sakin.

"What are you doing here? Pati ba naman dito sinusundan moko?" Napalaki na ang boses ko kaya napatingin na ang mga taong kumakain dito.

"I am working here. I'm not following you." Dun lang nag sink in sa akin na naka uniform siya na pang waiter. So nag ta-trabaho pala siya dito? Ngayon ko lang siya napansin eh. Hindi ako nagsalita at patuloy na sa pagtingin sa menu.

"Pwede ko na bang malaman ang order mo sir?" Ewan ko pero na ba badtrip talaga ako sakanya. Napaisip ako na pwedeng gawin ko sakanya.

"Give me one order of Emperor's Platter with Ojiya, Steamed King Crab with Egg Custard."

"Uhm sure ka po? Hindi ba allergic ka sa seafoods?" She said. What the?! Bakit niya alam? She is really my stalker huh?

"No. Hindi ako allergy sa seafoods. Ano bang pinagsasabi mo? Don't act as if you know everything." Napa buntong hininga nalang siya tsaka nagsulat din agad.

"Yun lang po ba sir? How about sa appetizer po?"

"Seafood Durian with Sprill Roll and Orange Juice" I said without looking at her. Ramdam kong nakatitig lang siya sakin.

"Ano ba?! Nagugutom na ako eh!" Nagulat naman siya tsaka umalis na. She is really weird. Tsk.

Maya maya dumating na siya kasama ang order ko.

"What the hell?!" Nagulat siya ng bigla akong sumigaw.

"Hindi naman ito ang inorder ko ah?!"

"Sakto naman po sir eh. One order of Emperor's Platter with Ojiya, Steamed King Crab with Egg Custard, tsaka Seafood Durian with spring roll at Orange juice. Sakto po Lloyd- I mean sir." Na-uutal na sabi niya.

"I did not order these foods. Nasan ba ang manager dito? Kailangan ko siyang makausap." Namutla siya ng dahil sa sinabi ko. Well yeah, this is my plan. Mapaalis siya dito sa restaurant nato. Hindi bagay ang mga hampas lupa dito sa mamahaling restaurant nato.

"Sir wag po, nagmamakaawa ako sayo." Mangiyak ngiyak niyang sabi.

"I SAID I NEED TO TALK TO YOUR MANAGER NOW!" Dahil sa sigaw ko may biglang lumapit sa amin na lalaki.

"Good evening sir, I'm the manager of this restaurant. What can I help you?" He said.

"Ano ba naman tong waiter niyo?! Mali mali ang binigay na order sakin eh! Allergic ako sa seafoods kaya hindi ako umorder mga yun pero seafoods ang binigay niya sakin! You should fire this kind of waiter!" Bulyaw ko sa manager. Nakita ko naman si Nicole na umiiyak na. Nakatingin lahat ng tao sa amin.

"Sir wag niyo po akong paalisin. Nagmamakaawa ako sayo. Hindi ko na po uulitin to. Parang awa niyo na." Nagmamakaawa siya ngayon sa manager niya. Kumirot yung dibdib ko pero binalewala ko lang yun.

"Tama si Sir, Nicole. Mabuti pa humanap ka nalang ng ibang trabaho. Hindi namin kailangan ng waiter na kagaya mo. Pack your things and you're fired." I smirked dahil sa sinabi ng manager. Tumingin si Nicole sakin at nakikita ko sa mata niya na nasasaktan siya.

Bago siya umalis may sinabi siya sakin. "You changed." And then she left me dumbfounded. Kilala niya ba talaga ako? Bakit hindi ko natatandaan ang mukha niya?

-----------------------

Kinabukasan, maaga akong pumasok sa school para sana kausapin si Nicole. Hindi kasi ako nakatulog kagabi dahil sa mga sinabi niya. Nalilito na ako at gusto ko ng malaman ang lahat ng sagot sa mga tanong ko. Hindi ko malalaman ang lahat kung hindi ko tatanungin si Nicole.

Pagdating ko sa classroom, konti pa lang ang nandito at mukhang nagulat sila. Siguro dahil first time akong maagang pumasok. At dahil nga hinihintay ko ang babaeng yun, umupo nalang ako sa chair ko para hintayin siya. Ang alam ko laging maagang dumadating yun eh.

I was waiting at her pero natapos nalang ang buong klasi pero wala parin siya. As far as I know, scholar siya dito kaya hindi siya umaabsent. But why? Bakit wala siya?

"Hey Lloyd!"

"What the hell Ken! Ginulat moko!"

"Chill bro. Ano bang iniisip mo? Ay teka may isip ka ba? Hahahha." Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"You are not helping bro." I said then looked at my phone. Kanina ko pa kasi sine-search ang pangalan ni Nicole dito sa FB pero wala eh. Iba't ibang mga mukha ang nandito pero wala sakanya.

"May problema ka na naman? Sus tara sa bar ko. Libre kita." He is Ken Libres, and yes, in his very young age may bar na siya. May pagka chix boy din to eh. Araw araw iba ibang mga babae ang kasama. Parang ako lang. Hahaha. Pero mabuti pa siya at pinayagan ng daddy niya na magtayo ng sariling bar.

"Sure."

-----------------------

Papunta na ako sa parking lot para umuwi na. It's already 10 pm, ang aga pa para umuwi ako, usually kasi mga 3-4 am na akong umuuwi pero hindi na kaya ng katawan ko. Naparami ata ang nainom ko. I don't know if kaya ko pang mag drive. Pero bahala na, no one cares if I'll die. Kahit pa malaman ng daddy ko na namatay ako, hindi parin siya mag aaksaya ng panahon para pumunta sa burol ko. Teka, para na akong tanga dito.

Nakarating na ako sa kotse ko, nung bubuksan ko na sana ito, may nakaagaw ng pansin ko. Yung babae na parang may hinihintay. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. This can't be! After how many years nakita ko na siya. Kahit na lasing na lasing ako malinaw parin sakin ang itsura niya. Hindi ako nagkakamali.

"Ellie?"

You're Still the One (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon