Chapter 2

25 4 0
                                    

Chapter 2

Nasa kwarto ako ngayon at kasalukuyang naglalaro sa PS4 ko ng biglang pumasok si dad na galit na galit.

"Lloyd! Ano nanamang kagagohan ang ginawa mo sa school niyo?" Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalaro.

"Talk to me! I'm still your father! Bakit nalaman ko na nakipag suntukan ka? Wala ka na bang magawa sa buhay ha? Alam mo bang pwede masira ang reputasyon ko ng dahil sayo!" Namula na ang kaniyang mukha ng dahil sa galit niya sakin. I faced him with a smirk.

"Reputasyon, reputasyon. Tanging yan lang ba ang iniisip mo? Mas importante pa ba yan kesa sa anak mo? Oo nga pala, wala kang pakealam. By the way, ikaw pala tatay ko? As far as I remember wala na akong tatay simula nung iniwan ako ni mommy!" Singhal ko sakanya at di ko inaasahan ang susunod na ginawa niya sakin. He punched me! Sinuntok niya ako sa mukha.

"How dare you?!" Napahawak siya sa puso niya.

"Totoo naman eh! Ikaw din naman ang dahilan kung bakit iniwan tayo ni mommy! Oo! Galit ako sakanya! Galit na galit! Pero hindi niya tayo iiwan kung hindi mo pinatulan yong sekretarya mo!" Pagkatapos kong sabihin yun, kinuha ko ang susi ko tsaka lumabas ng kwarto. Ayokong patulan si daddy dahil alam kong may sakit siya sa puso pero I can't help it.

Back when I was still a little boy, kami lang ng mommy ko ang magkasundo sa lahat ng bagay. I'm a mommy's boy. One day, nagpaalam sa akin si mommy na isusurprise daw niya si daddy sa office niya. She even cooked for him. While I was watching cartoon movies, pumasok si mommy sa bahay at napansin kong umiiyak siya. Dumiretso siya agad sa kwarto nila at di ako pinansin, pupuntahan ko na sana siya ng biglang pumasok si dad at hinabol siya. Umakyat ako para sana pumunta sakanila but I heard them fighting.

"Hindi na kita matitiis! Pati ba naman sekretarya mo pinatulan mo?! Lalayas na ako dito!" Mom said while crying.

"Evelyn! Let me explain."

"You don't need to explain! Nakita na ng dalawang mata ko kung ano ang ginagawa ninyo! Lalayas na ako sa pamamahay nato at wag na wag mo na akong guluhin pa!"

I was crying when my mom opened the door.

"M-mom." Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. I grab her bags kaya napatingin siya sakin.

"Mom, please don't leave. Please. I'm begging you." Umiyak lang ako ng umiyak habang nagmamakaawa sakanya.

"I have to go. Take care of yourself." Hindi niya ako nagawang yakapin at kahit halikan man lang ang noo ko gaya ng palagi niyang ginagawa niya sakin noon. Nagpatuloy siya sa paglalakad.

"Mom! If you really love me, don't go please." Hindi niya ako nilingon at lumabas na siya sa bahay.

I was just 8 years old when my mom left us. At simula nun naging miserable na ang buhay ko. I hate my mom, and I also hate my dad.

Pinunasan ko ang luha ko. Kilala nila ako bilang isang matapang at walang kinakatakutan na lalaki. Akala nila perfect ang buhay ko. Pero di nila alam na matagal na akong nangulila sa pagmamahal ng aking mga magulang. Kahit na palagi kong nakakasama ang daddy ko, pero hindi ko nararamdaman ang pagmamahal niya.

----------------------

*1 week after*

"Alam niyo? Yan si Lloyd kagabe iba nanaman ang babaeng kasama at ang malupit pa kahit kakilala palang niya sa babae, dinala na niya agad sa condo niya. Hahaha." Tumatambay lang kami ng mga tropa ko dito sa canteen.

"Iba talaga ang kamandag mo Lloyd!" Sabi ni Ken.

"Ano pa nga bang inaasahan ninyo sa kaisa isang Evans na kagaya ko?" I smirked tsaka nagpatuloy sa pagkain.

"Ano? Masarap ba?" Tinawanan lang nila ako.

"Gago!"

Nagpatuloy lang kami sa aming kinakain. Nakita ko si Nicole na naglalakad with her snack. Nung nakita niya ako nanlaki ang mata niya and suddenly she felt down and her snack where all over me.

"What the fuck?!" I shouted at her. Lahat ng tao sa canteen ay napatingin na sa amin.

"I'm so sorry Lloyd." Nicole answered tsaka parang naiiyak.

"You were so careless! Even in that little thing you, you can't do it properly! Akala ko ba lulubayan mo na ako! Sino ka ba talaga ha?" I said all of that infront of many poeple.

Then I saw her crying and said "I am from you past." then she run as fast as she could.

"Bro ok lang?" I just nodded. May biglang babae ang lumapit sakin.

"Babe, are you ok? Tara sa CR, bibihisan kita ng damit. Napaka dungis mo na. Wag kang mag alala, kami na bahala sa babaeng yun." Tinignan ko lang siya ng masama. At nilayo ang kamay niya na nasa dibdib ko.

"Don't you dare." Ewan ko ba, parang ayaw kong saktan yung babaeng yun. Gusto ko ako lang ang paparusa sakanya.

Pumunta ako sa locker room para kumuha ng damit at pumunta naman din ako sa CR upang mag bihis. After kong magbihis napatingin ako sa salamin. And I realized what I did to that girl. I mean to Nicole. I felt guilty dahil pinahiya ko siya sa harap ng maraming tao. Teka, bakit naman ako magi-guilty eh sanay naman akong magpahiya ng mga babae. Pero ang pinagtaka ko ay yung sinabi niya. She is from my past? Anong ibig niyang sabihin?

You're Still the One (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon