Chapter 5: First Day Of School

7 0 0
                                    

Skylar's P.O.V

Maaga akong nagising dahil ang ingay ng alarm clock ko "Haayyy panira naman to oh!" mahinang sabi ko, 4am kasi yung sinet kong oras sa alarm clock ko. Wala akong ibang magawa kundi tumayo nalang at dumiretso sa banyo.

Pag harap ko sa salamin, nakita ko yung sugat na nasa mukha ko. "Hala! Anong sasabihin ko kina Mama pag nakita nila to? Ano another kasinungalingan na naman?" bulong ko sa utak ko.

Kailangan kong mag-isip ng dahilan kung bakit nagkasugat ako sa mukha. Nako jusko, sana makalusot ako sa kanila. Naligo na ako at nagbihis na, excited na excited na kasi ako dahil alam nyo na, first day of college life ko ngayon.

Magkahalo yung emotions ko, parang kinakabahan na Excited. Ano ba di ko maintindihan hahahahaha. Nag-aalinlangan akong bumaba dahil sa sugat ko. Takot ako baka kasi hindi ko malusutan yung mga nagbabagang tanong nila sa'kin hahahahaha.

Tiningnan ko yung wall clock ko, "6AM na" at 8am yung unang subject ko. Nilakasan ko yung loob ko at bumaba na ako, pag baba ko...

"Mga nagbabagang balita sa oras na ito, 7/11 ng San Andrada sinugod ng mga holdaper alas dyes ng gabi kahapon. Agad namang nahuli ng mga pulis ang holdaper na ng holdap sa mga biktima, agad namang nagamot ang mga sugatang biktima, nagpapatrol...." pagbabalita nung reporter.

"Nako mabuti nalang hindi pumunta ng 7/11 yung anak mo kagabi" sabi  ni Mama kay Papa.

Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan at...

"O anak andyan kana pala, tignan mo o, mabuti nalang nakinig ka sa'kin kahapon kundi na trauma kana sana ngayon" tama nga si Mama, natrauma ako sa nangyare kagabi, nakakatakot kaya yon.

"Tayka lang anak, anong nangyare dyan sa mukha mo? Bakit may sugat ka?"

"Oo nga anak anong nangyare dyan?"

Tanong nila Mama at Papa sa'kin. Naku ito na nga ba sinasabi ko, kailangan ko ng ipresent yung hinanda kong palusot hahahahaha.

"Ahh kasi po, nagising ako kagabi kasi po may tumunog mula sa bintana ng kwarto ko, natakot po ako kaya tumakbo ako, eh kaso nakapatay yung ilaw di ko nakikita yung dinadaanan ko kaya natumba po ako, tumama yumg mukha ko sa studytable ng kwarto ko" ang haba non ah, pero namemorize ko hahahahaha.

"Ahhh ganon pala, kaya pala may narinig akong kalampag kagabi" sabi ni Papa. Hala baka ako nga yon kagabi,pagbukas ko ng gate namin hahahaha.

"O sya sige na anak kumain kana, dapat di ka malate unang araw mo pa naman sa college ngayon" sabi ni Mama sa'kin

Haayy buti nalang gumana yung palusot ko hahaha. Pagkatapos kong kumain, nagtoothbrush ako at nag pabango na para naman mabango tayo sa unang araw natin hahahahahah.

Ihahatid daw ako ni Papa ngayon tapos dideretso na sya trabaho nya.
Doctor kasi si Papa at si Mama housewife lang. Gusto ko din maging katulad ni Papa, maging doctor. Gusto kong tulungan yung mga taong may sakit.

Kwenento na sa'kin ni Papa yung mga pinagdaanan niya bago siya maging doctor. Medyo mahaba-haba din pero na memorize ko naman

STEPS TO BECOME A DOCTOR:

▪️4 years of college
▪️3 years of med school proper
▪️1 year of clerkship
▪️Medschool graduation
▪️1 year of internship
▪️2 to 4 months Board exam review
▪️Board Exams
▪️Oath taking - Hippocratic Oath
▪️3 to 5 years of residency
▪️Certifying exam
▪️2 to 4 years of Fellowship
▪️Exam for the nth time
▪️1 to 2 more years SUBSUB SPECIALIZATION

Nung kwenento yan sa'kin ni Papa, parang nagaalinlangan akong kumuha ng kursong Medicine. Ang dami kong gagawiiinnn!!!. Pero isa lang yung inisip ko "Nandyan si God at para sa family ko to". Yan yung salitang lagi kong inaalala kapag gusto ko nang sumuko sa mga bagay.
Lagi kong inaalala na nandyan palagi yung Panginoon, handang makinig sa'kin kahit anong oras.

The One That Got Away (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon