Chapter 8: Milktea

5 0 0
                                    

Jessa's P.O.V

Bumisita nalang ako sa puntod ni kuya, namimiss ko na siya eh. Sa Chinese Cemetry kasi siya inilibing.
Pagdating ko dun, nakaramdam ako ng lungkot.

Haayss namimiss ko na talaga si kuya, yung kuya kong protective, yung kuya kong mapagmahal, at yung kuya kung maalaga. Wala na, wla na si kuya

"Hi kuyaaaa, alam mo bang miss na miss na kita. Gustong gusto kitang yakapin ng mahigpit na mahigpit. Gusto kong malaman mo na MAY TAGAPAGLIGTAS ako, opppsss may nagtatampooo. Alam ko na yan kuya, nagtatampo ka no? Kasi may bago akong tagapagligtas? Pshhh HAHA kuyaaa always remember na hinding hindi kita papalitan, ikaw lang yung number one hero ko" satsat ko

"Alam mo ba kuya, nung may ng holdap samin dun sa 7/11, linigtas niya akoooo. Tapos palagi pa kaming nag kakasabay, kung nasaan ako nandon din siya. Parang tinadhana lang" satsat ko ulit

Nagulat ako ng may isang pamilyar a boses akong narinig...

"Andito ka din pala?" sabi niya

Paglingon ko

Si Prince...

Anong ginagawa niya dito? Sinusundan niya ba ako? Sino yung pinuntahan niya dito?

Ang dami-daming tanong sa isip ko, ngunit binalewala ko nalang iyon. Ang nasa isip ko ay si kuya, kung masaya na ba siya ngayon, kung mabuti naba yung kinalalagyan niya

Tumulo nalang bigla yung luha ko, umiyak na talaga ako ng sobra. Nagulat ako ng biglang may yumakap sa'kin sa likod, yung mahigpit na yakap

"Magiging okay ka din, ilabas mo lang yung mga saloobin mo sa'kin at handa akong makinig" sabi ni Prince

Ewan ko ba kung anong nangyayare sa kanya ngayon, kanina lang hindi niya ako pinapansin tapos ngayon pinapakalma niya ako at handa pa daw siyang makinig sa mga saloobin ko

Ano bang nakain nitong lalakeng to, or either wala siyang nakain kaya ganyan siya. Baka ganon nga

"Salamat"
"Salamat saan?"
"Salamat, kasi palagi kang nanjan tuwing may kailangan ako"

Hinarap ko siya at niyakap pabalik, umiiyak parin ako. Ng biglang...

"Oyy umuulan na, halika sa kotse ko baka mabasa kapa"

Hinila niya yung kamay ko patungo sa kung saan naka park ang kotse niya. Pumasok kami at nada frontseat ako naka upo katabi niya

"May kotse ka na pala? Ang bata bata mo pa ah" sabi ko
"Duhh I'm 19, kaya ko nang mag drive"

Haayyystt ewan ko ba sakanya, pinaandar niya yung kotse tsaka nag start ng magmaneho. Nakaramdam ako ng takot, masi baka mabangga kami. Ng biglang...

"Tanginang g*go ka, bat ka nag break!" Sigaw ko sakanya ng bigla siyang magbreak

"Tangina mo rin di mo ba nakikitang may pusa!" Sigaw niya pabalik
"Ha may pusa?" Sabi ko
"Ay wala, wla talagang pusa, kaya ako tumigil kasi wlang pusa" sarkastikong sagot niya

Lumabas siya ng kotse niya at kinuha yung pusang nasa labas, infairness mahilig din siguro siya sa mga pusa. Yan yung gusto ko sa lalake eh, yung animal lover. Kaya siguro Gusto ko siya eh, ay wait ano ba tong pinagsasabi ko?!

Magkaibigan lang kami! There's no way na mangyayari yun

Pumasok siya sa kotse at dala na niya yung pusa, golden brown yung color ng pusa at mukhang may breed ito
"Hi, san yung mommy mo?" Kinakausap niya yung pusa

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ma-aawa sa pusa, mali kasi yung pagkakahawak niya eh HAHAHA.

"Wait ganto yan" sabi ko at tinuruan kung pa'no hawakan yung pusa. Jusko ang cute niya tignan, di nga lang marunong humawak. HAHAHA

The One That Got Away (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon