-Ikadalawa-
Dismissal.
After ng dismissal, nagdiretso agad kami ni Kelly sa coliseum.
Every step I made, palakas ng palakas yung kabog ng puso ko. Kahit one year na kaming in a relationship ni Dapter, my feelings for him still like the first time I saw him.
I remembered nung umamin siya sa akin sa mismong hallway. At first, I thought he was just kidding me. May mga nakapagsabi kasi sa'kin na playboy daw si Dapter even yung mga teammates niya.
Sabi pa nung iba basta daw basketball player, ang motto raw niyan in life is ball is life. So malabong magseryoso sa babae dahil baka parang bola na magaling magpaikot.
Kaya medyo hindi rin ako naniwala nung umamin siya sa aking gusto niya ako. Plus the fact that we are not close that time so how come na nagustuhan niya ako.
Until weeks passed. Hindi siya tumitigil ng kakapapansin sa akin. Sinabi niya pang bakit daw bang ayaw kong maniwala, e na-love at first sight daw siya sa akin.
I don't know pero kinilig ako non. Tinawanan siya ng mga teammates niya at sinasabihan siyang baduy pero he doesn't care.
So I gave him a chance until he got my heart. And I think he was damn serious kasi he always makes me special everytime na magkasama kami.
I am so much in love with him.
Papalapit na kami sa entrance ng coliseum at naririnig ko na ang mga audience na nagche-cheer kahit na hindi pa talaga nagsisimula ang game.
Nung makapasok na kami, hinanap agad ng mata ko si Dapter, and when I saw him para akong hihimatayin sa sobrang bilis ng kabog ng puso ko.
Nagwawarm up sila ng mga teammates nila and nakita ko rin na parang may hinahanap siya.
Nung napatingin siya sa gawi ko, he smiled. Lalapitan niya sana ako kaso tinawag sila nung coach nila.
Grabe. Ang gwapo niya kahit na medyo pawisan siya pero sa paningin ko super fresh pa rin niya. Can't wait to hug him.
Humanap kami ni Kelly ng mauupuan. Pumwesto kami doon sa medyo taas. And as soon as the game started, Kelly keep on shouting.
"Go, baby!"
Napapailing na lang talaga ako. In-love nga talaga ang isang 'to!
Nung nagsisimula na, naiinis ako kasi yung kalaban nina Dapter ay parang gustong gusto talaga manalo. At nung napadako yung tingin ko sa gawi ni Dapter, the guy after him pushed him. He fell on the floor.
Damn!
"Omg! Bakit parang nananakit na yung kalaban nila?" Tanong ni Kelly.
She's right. Feeling ko sinadya iyon nung kalaban ni Dapter because he really wants to win the game. Pero grabe naman iyon.
Nakita kong pinalitan ni number 28 si Dapter. Mukhang nasaktan talaga siya.
"Oh my! Bessy tignan mo! Si crush!" Sabi ni Kelly at niyugyog pa ako.
Hinayaan ko na lang siya at sinabi kong wait lang dahil hindi ko talaga matiis si Dapter. He looked like injured.
Pumayag naman agad siya dahil focus siya sa crush niya.
As soon as I get down, I immediately went doon sa likod nung coliseum kung saan nandoon ang mga players.
Nung makapunta na ako doon, medyo nahihiya pa akong lumapit sa kanila kasi I'm not close to them and besides baka magulat sila kung bakit ako nandito.

YOU ARE READING
Just The Two of Us
Teen FictionBeing in love is so much complicated. Do you really believe that you're destined with someone else you really love? What if there is also someone else believed that you're destined with him? Does destiny would look on your way or rather his wish?