Prologue

819 25 2
                                    

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014

"ENgkantao"

(Ang Unang Yugto)

Ang Mundong Pinagmulan

By: Admin Theo Mamites

Prologo....

Lingid sa kaalaman ng mga nakararami, totoo ang ikalawang lupa o ang mundong engkantado. Ang mundong ito ay nakakubli sa anino ng ating mundo. Hiwalay sa mundo natin ay namumuhay ang mga nilalang ng ikalawang lupa ng payapa. Doon sa engkantadong mundo ay may mga samut-saring uri ng mga kakaibang nilalang, simula sa may pinakamababang uri (halaman at hayop) hanggang sa pinakamataas na uri (Engkantado ant Engkantada). Kung maipaghahambing ang mundo nila sa atin ay halos magkatulad lamang ito kung sa laki at lawak ang pag-uusapan. Ang kaibahan lamang ay puro kalikasan ang mga makikita sa kanilang mundo. Luntiang kapaligiran at kagubatan. Naglalakihang ilog at lawa at malawak na karagatan.

Sa mundo natin ay maraming pangalan ang ibinansag sa mundong ito. Paraiso, Eden, Shangrilah at maging Atlantis at marami pang iba. Lahat ng mga pangalang ito ay tumutukoy lamang sa iisang mundo. Mkailang ulit nang naisulat sa kasaysayan ng mga tao ang mga mumunting impormasiyon patungkol sa engkantadong mundo. Ito narin ay sa kadahilanang may mga piling mortal ang nakakapasok at nakapaglakbay na sa mundong ito. Ngunit ang hiwaga at kasaysayan ng engkantadong mundo ay hindi parin malinaw at nananatiling misteryo magpahanggang ngayon..

Itutuloy!!!!!!!!!

Engkantao Book 1 (Ang Mundong Pinagmulan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon