Chapter 4 (Ang Mundo ng Hangin)

339 14 0
                                    

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014


.

Chapter 4

"Sa Lupain Ng Zaisan"

(Mundo Ng Hangin)

        Medyo may kalakasan ang pag-ihip ng hangin, iyon ang napansin ni Akil habang siya ay nasa himpapawid. Tila may gustong sabihin ang hangin sa kanya na hindi niya mawari kung ano.


.

>writers note: Akil's character represents me in the story. Aqeil is my Codename, ginawa kong 'K' kasi mahirap kaya basahin ang 'qei',hehe. Syempre po supporting actor lang ako dito. Oh sya balik na tayo sa kwento. <<<
.
.

Si Akil ay isa sa mga diwano ng hangin na naninirahan sa lupain na kung tawagin ay Zaisan. Ito ang lupain ng elemento ng hangin. 

.

>>W.N: Diwano ang tawag sa lalaking diwata<<

        Binubuo ito ng limang magkakahiwalay na isla sa kalangitan. Ang lupaing ito ay matatagpuan hindi kalayuan sa kaharian ng Hidoria. Walang tumatayong pinuno ang mga taga Zaisan, lahat ng mga diwata at diwano ay namumuhay ng matiwasay sa kabila ng mga banyagang hukbo ng Ulbacus na dumaraan sa kanilang bayan. Kadalasan ay kaguluhan ang hatid ng mga ito sa tuwing napapadaan dito.

.

Ang mga mamamayan ng Zaisan ay hindi mahihilg sa kaguluhan, kaya hindi na nila pinapatulan ang mga dayuhang kawal. Umiiwas na lamang sila sa mas malaking gulo.


Ngunit hindi maikakaila na lubhang makapangyarihan ang mga Aisalites dahil nasa panig nila ang elemento ng hangin.

.

.

        Kasalukuyang namamasyal si Akil sa paborito nitong pook sa lupain ng Zaisan. Ito ay ang pinakamataas na isla sa lahat. Sa sobrang taas ng altittude nito ay nagyeyelo ang kapaligiran dito. Sobrang lamig din ng temperatura dito at nababalot ng fog ang kabuuan ng isla. Masayang nagpapatianod si Akil sa hangin, parang isang bata na sabik sa laro.


"Whooo.... Yeah,!" sigaw pa nito.

Bakas sa mukha niya na nalilibang siya sa kanyang ginagawa. Tila kaygaan ng kanyang katawan dahil nagagawa niyang sakyan ang bawat pag-ihip ng hangin. Katangiang natural na taglay ng isang makapangyarihang diwano.. Balewala sa kanya ang lamig ng temperatura sa paligid dahil binabalot niya ang kanyang katawan ng mainit na aura na nagsilbing ikalawang balat panlaban sa lamig. Palagian siyang ngpupunta sa islang ito para magpalipas oras, kung tutuusin ay masasabing walang ibang diwano o diwata ang kabisadong-kabisado na ang pook na ito maliban sa kanya.

Hindi bihasa sa paggamit ng salamangka si Akil, ang tanging kakayahang kaya niyang gawin ay ang wind manipulation o ang kakayahang kont

rolin ang elemento ng hangin. At sa antas ng kapangyarihan niya ngayon ay napapabilang siya sa isa sa mga pinakamalalakas sa lupain ng Zaisan. Kaya lamang ay hindi siniseryoso ni Akil ang reputasiyon niyang ito dahil sa mahilig itong maglaro at gumawa ng kalokohan.Paminsan-minsan naman ay gumagawa ng eksena sa bayan. Tanging ang mga bata lamang ang masasabing kasundong-kasundo niya. Mahilig kasi siya sa mga bata kaya kalimitan ay natatagpuan siyang nakikihalubilo sa mga ito.


.

Bumulusok ng lipad si Akil pataas buhat ng may naramdaman siyang bugso ng malakas na kapangyarihan na nagmumula sa himpapawid. Nang malampasan ang kumpol ng makapal na ulap ay agad niyang natanaw ang mga nakakasilaw na liwanag.

Engkantao Book 1 (Ang Mundong Pinagmulan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon