Chapter 2 (Mundo ng Lupa)

352 20 2
                                    

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014

Chapter 2

(Mundo Ng Lupa)

“Sa Kalapit Na Kaharian”

        Masiglang naglalakad si Aisha sa gubat di kalayuan sa palasyo ng Hidoria. Dinig niya ang malakas na kalembang ng dalawang malalaking kampana . May piging kasi na ipinagdiriwang doon ngayon. 

 

    

     Hindi mahilig sa mga pagdiriwang si Aisha kahit siya pa ang anak ng hari. Mahilig pumuslit sa kung saan-saan at magbalat-kayo. Nagpupunta ito sa bayan at nagdadamit na parang sa ordinaryong engkantada.

        Ang Hidoria ay isa sa tatlong bayan na nasasakupan ng bayan ng Ulbacus. Ito ang bayan na nagsimula ng malawakang digmaan ilang daang taon na ang lumipas. Halos sampung siglo na napasailalim ang bayan ng Hidoria sa pamamahala ng bayan ng Ulbacus. Walang ibang magawa ang kasalukuyang Hari at Reyna kundi ang sumunod sa utos ng mga konseho ng Ulbacus. Maliit lang kung ikukumpara ang laki at sukat ng Hidoria sa Ulbacus. At kung sa sandatahan naman ay lamang ang mas malaking bayan ng Ulbacus. 

.

Nilimitahan kasi ang pangangalap at pagsasanay ng mga madirigma sa lahat ng bayang nasasakupan ng Ulbacus upang sa gayon ay maiwasan ang isang pag-aaklas.

.

“Diba dapat nasa palasyo ka ngayon?” tanong nga isang engkantada na nakatunghay sa kanya mula sa isang mataas na puno.

.

“Ikaw lang pala Ada, akala ko pa naman kung sino na ang nagsalita.” 

.

Lumapit si Aisha sa paanan ng puno.

.

“Siya ng pala, maligayang kaarawan.!” Bati ni Ada sa kanya.

.

“Ano naman ang ikaliligaya sa kaarawan ko.? Eh wala parin akong nakikitang pagbabago. Tau-tauhan parin tayo ng bayan ng Ulbacus.” 

.

Paismid na sagot ni Aisha sa kaibigan.

. .

“Sa bagay tama ka? Ngayon anong balak mo? Magsimula ng pag-aalsa ganon?” pabirong sagot ni Ada sa kanya.

.

Umakyat din sa puno si Aisha. “Malamang, kung marami akong mahihikayat na sumapi sa akin na magsimula ng ribelyon. Pero mukhang Malabo, sino naman ang sira-ulong maiisipang mag-aklas?

.

.

.

“Ikaw at ako?’ sinabayan pa ito ng tawa ni Ada. “At sa tingin ko may mga kakilala akong sira-ulo ding gaya natin.” Dagdag pa niya.

.

.

Ikinagulat ni Aisha ang mga huling sinabi ng kaibigan. "talaga?” tanong niya.

.

“Hmm..Oo naman! Pero tanong lang ha? Seryoso ka bas a mga sinabi mo?” paninigurado ni Ada.

.

Akmang sasagot na sana si Aisha nang biglang yumanig ang paligid at nagliwanag ang kalangitan. Nakarinig din sila ng mga pag-awit ng mga espirito sa himpapawid. Tila nagmumula sa liwanag ang puwersang nagpapayanig sa buong paligid. Hindi lang sa Hidoria nasaksihan ang pangyayaring ito. Ito ay nasaksihan ng lahat ng mga lupain sa mundo ng Ikalawang Lupa. Nagkaroon ng malawakang pagsabog ng nakakasilaw na liwanag. Makalipas ng ilang saglit ay may natanaw silang pitong mumunting liwanag na ibat-iba ang kulay. Sandali lang itong nanatili sa himpapawid dahil bigla ay bumulusok ito sa ibat-ibang direksiyon.

.

        Laking pagtataka ni Aisha dahil ang isang liwanag ay papunta sa kanilang direksiyon ni Ada. Nang marating sila ng dilaw na liwanag ay lumutang ito sa harap ni Aisha na wari naghihintay ito na kunin niya. Naglaho ang nakakasilaw na aura na bumabalot dito at tumambad ang makinang na hiyas. Kinuha ito ni Aisha at habang nasa kanyang mga palad ang dilaw na hiyas ay nakaramdam siya ng matinding kapangyarihan na dumadaloy mula dito.

.

.

.

.

..

.

END OF CHAPTER 2

.

.

Alright maikli lang muna ang chapy na ito. Sa next chapter na ang karugtong...

.

Isa-isa ko po silang ipapakilala sa inyo sa bawat chapter kaya chill lang po.

Sorry na din if may mga different timelines sa mga future chapter. Ito po ay para lubusan niyong maunawaan ang takbo ng kwento.

Don't forget to vote and comment ok! :)

.

.

@TheoMamites

Engkantao Book 1 (Ang Mundong Pinagmulan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon