Tahimik ang cafe, walang customers at magisa lang si Jongdae, nagpractice ulit. Hobby na niya tumambay sa Cafeteria kung saan siya nag t.trabaho. Kahit alam na niya kung paano gawin halos lahat ng kape, sumusubok siya ng mga bagay bagay. Hobby na niya yun.
He was brewing the coffee para sa kanyang Caramel Macchiato ala Chen. When the Bell from the door was heard and sign na may pumasok.
"Sarado na po kam- Minseok?"
"Hi? Pwede ba muna mag stay dito?"
"Huh? E diba sabi mo may party mga kapatid mo?"
"Dumaan na ako doon, sabi ko urgent."
"Dito?" Tumango na parang baby si Minseok. Jongdae sa kabila naman, found that nod cute. Bagay kay minseok e.
Kalma Jongdae! You are not falling for your trap.
"Ah, gusto mo ng kape? Gagawan kita."
"Turuan mo ako?"
"Huh?"
"Turuan mo ako gumawa ng kape." Hindi makapaniwala si Jongdae sa mga naririnig biya. Seryoso ba ito? Nagpapaturo yung 'kaaway' niya sakanya?
"Seryoso ka ba diyan?"
"Oo." Hindi rin alam ni Minseok bakit ba siya nagpunta kay Jongdae. Dapat sa party ng kapatid niya. DAPAT naandoon siya kasi kapatid siya. Pero ano nga ba kasi dahilan?
Miss niya si Jongdae. Simula noong time na pinagtanggol siya nito, he can't help it na hindi siya makita kaya eto, kung ano ano naiisip. Pati kape dinamay sa kalandian.
"Pasok ka dito bilis!" Nagutos na si Jongdae sakanya, agad naman siya pumasok sa may Counter at nagulat siya sa dami ng ingredients na gamit sa pag gawa ng iba't ibang klasing pagtitimpla ng kape. I feel sorry sa kape. Ikaw na ang ginagamit para makakuha ng love life.
"Panoorin mo ako ah?" Tumango lang si Minseok at nagsimula na si Jongdae, buti hindi pa siya nagsisisnula gawin yung Caramel Macchiato ala Jongdae.
Mula sa simula nakatitig na si Minseok kung paano gawin yung ginagawa ni Jongdae and at the same time nakatitig sa mukha niya. Matalino yan si Minseok kaya kaya niya makipagsabayan tignan ang ginagawa niya at tignan yung napakagwapo niyang mukha.
Pero kahit papaano may nakiha naman siya sa mga pinagsasabi ni Jongdae sakanya. "Kuha mo?"
"Ha, Oo naman. Ako pa ba? Hehe."
"Sige. Subukan mo dito."
"Ano?"
"Gusto mo matuto diba? Subukan mo dito." Tulala lang na nakatingin si Minseok kay Jongdae. May natutunan naman siya, di nga lang lahat. Masyadong pogi kasi yung "Barista".
Dahil nga may tantrums si Minseok, hindi niya napansin yung caramel na nasa desk. Matalas mata ni Jongdae, ilalagay na sana ni Minseok yung Siko niya sa ibabaw nun, pero mabilis si Jongdae. Hinawakan niya yung braso. Sa hindi inaasahan. May parang "spark" silang dalawa na naramdam sa isa't isa. "Ah yung basa—" sabay nilang dalawa naabot yung basahan sa tabi kaya nagkapatong yung kamay nila.
Hindi na kinakaya ni Minseok, nag b-blush na siya. It's too much to handle. Sasabog na puso niya. Noong isang linggo pa si Jongdae.
On the other hand, pinipilit ni Jongdae na wag tumibok ng mabilis puso niya. Hindi niya kaya lunukin yung pride niya.
Hindi niya kaya aminin sa sarili niya na simula pa lang ng magkita sila ni Minseok, nagkagusto na siya dito. Hindi niya matanggap na yung nanay ng pumatay sa magulang nila ay nanay ng taong mahal niya. He can't fall for his own trap.
YOU ARE READING
[EXO ff] My Sweetest Revenge
FanfictionYou planned your trap. But what will you do if you fell for it?