Chapter 1

30 0 0
                                    

Nanatili akong nakatanga sa kalangitan habang pinagmamasdan ang mga napakaraming bituin, masarap tignan ang mga ito lalong lalo na kapag nasa tabing dagat ka.

Pumwesto ako dito sa paborito kong lugar kung saan hindi masyadong napupuntahan ng mga tao. Masarap din tignan ang mga bituin kapag wala akong kasama, walang distraksyon magaganap hindi sa maarte ako mas kumportable lang sa pakiramdam yung ganon, nakakapag isip ako ng maayos.

Isa sa mga pangarap ko ay makapunta sa mataas na bundok habang pinagmamasdan ang mga bituin, nang sa ganon kase pakiramdam ko mas malaki ang bituin kapag nasa mataas na lugar ako, pakiramdam ko kapag humiling ako sa nakikita kong bituin magkakatotoo. Kaso baka hanggang pangarap lang ako.

Nang makaramdam na ako ng gutom, napagdesisyunan ko ng umuwi, baka hinahanap na rin ako ng tiya ko malalagot ako nito.

Malapit lang dito sa Grandé Astreo Beach (GAB) ang bahay na paguuwian ko. Sa bahay ng tiya ako naninirahan, don kase ako iniwan ng mga magulang ko, ang totoo niyan hindi ko nakilala ang papa at mama ko dahil sa ginawa nila may konting tampo akong nararamdam na hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin. Hindi man nila ako nakitang lumaki, 17 na ako pero hindi pa rin sila nagpakita sa buong buhay ko.

Ngumiti ako ng mapakla habang naiisip ko ang mga 'yon.

"Jusko kang bata ka, halika na't kanina pa kita hinihintay" Nag-aalalang bungad ng Tiya Beatrice(Bea) ko pagdating ko sa bahay.

"Pasensya na ho, napasarap lang sa panonood ng mga bituin" Nakayuko kong sambit kay tiya.

"Oh siya sabayan mo na kami kumain alam kong nagugutom ka na" Sabay kaming pumunta ni tiya sa kusina.

Naupo naman ako sa bakanteng upuan na katabi non ang pinsan kong si Kuya Brandon na masamang tumitig sa 'kin . Hala, bakit ganon ang ekspresyon ng mukha niya. Napayuko na lang ako.

Sinimulan ko munang magdasal bago kumain. Kukunin ko sana ang kanin kaso naunahan ako ni Bryan, ang pangalawang kapatid ni Kuya Brandon.

"Ako nauna hehehe" sabi ni bryan, napatango na lang ako.

"Siya nga pala hija bawas bawasan mo na ang uwi ng ganitong oras. Delikado't babae ka pa man din"

"Ma, don't worry to Keila, kaya na niya ang sarili niya." sabi ni Kuya Brandon.

"Opo, 'di na po mauulit" Napayuko na naman ako, naiisip ko na hindi na 'ko makakapuntang GAB. Sasanayin ko na lang na sa likod ng bahay ako manonood. Nalungkot ako sa naiisip.

Pagkatapos ng hapunan, ako na ang nag presintang maghugas ng kinainan, nakakahiya kase kung wala akong gagawin dito eh nakikitira nga lang ako.

Medyo may kaya ang pamilya ni Tiya kaya hanggang second floor ang bahay nito. May sarili akong kwarto na inihanda ni tiya nung sanggol pa ako, ang sabi pa nga pinasadya na ipa-renovate yung second floor para gawan ako ng sarili kong kwarto. Laking pasasalamat ko talaga kay Tiya Bea, pinalaki niya ako ng maayos at kailangan kong bumawi sa kanya ng sa ganon mabayaran ko ang lahat ng naitulong niya.

Hindi ko maiwasang pagmasdan muna ang mga nakadikit sa dingding sa taas ng kwarto bago ako matulog, ang nakadikit na yon ay isang pigurang solar system, mga bituin lang ang gusto ko pero nung nakita ko 'to nagandahan ako kaya nabili ko. Hindi ko naman pinagsisihang binili ito.

Sa malalim na pagiisip, nakaramdam na 'ko ng antok.

**

Umagang umaga inutusan ako ni Tiya Bea pumunta sa palengke, malapit lang naman iyon dito kaya hindi na ako nagpasama pa.

"Sigurado ka iha? Kung ganon, sige."

Habang naglalakad ako tungo sa palengke, hindi ko maiwasang pagmasdan ang mga tao na papunta sa simbahan ng Sta. Teresita Parish kasama ang mga pamilya nila. Nakaramdam ako ng konting kirot habang naiisip ko yon. Relax Keila.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nung napagtanto kong may nakaharang sa dinadaanan ko, unti unti akong tumingala rito. Oh, isang matipunong lalaki. Damn, tao pa ba 'to?

"Uhm, excuse me?" Mahina kong saad. Sht Keila are you talking to strangers right now? Bakit ko ba kinakausap ang isang 'to?

Napansin kong nakataas ang isang kilay niya. What now? Ang taray niya namang lalaki. Kakanan na sana ako nang naramdaman kong may kamay na humila sa braso ko. Problema nito?

"Do you know where to find Astreo Land?" Malalim niyang sabi, tumaas balahibo ko nung narining ko boses niya.

Astreo Land....Dito nakatira ang may-ari ng GAB. Ano naman ang kailangan niya don?

"Astreo Land?" Tanong ko. Ngumisi siya ng may halong inis. Dito na napataas ang kilay ko. Hindi ako mahilig magtaray pero kung ganto lang ang ipapakita niya sa 'kin pwes sasabayan ko siya.

"Oh, Do I need to repeat?"

"Siya na nga 'tong nagtatanong, siya pa ang galit. Iba din" Hindi ko maiwasang ibulong habang hindi tumitingin sa kanya. Sana hindi niya narining yon. "Uh sorry, diretso ka lang then pag may nakita kang simbahan kumaliwa ka, doon sa dulo makikita mo na ang hinahanap mo."

Hindi dapat ako mainis sa kanya kahit na ganito ang ugali niya, mayabang ang dating.

Nilagpasan na niya ako at sinunod ang tinuro kong daan.

"Antipatiko, hindi man lang nag thank you."

"I heard what you said, lady."

Nagulat ako nung narining ko ang boses na iyon. Malalim at Galit. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi pa pala siya nakakalayo at siguro napalakas ang boses ko ng banggitin ko ang mga katagang 'yon!

Hindi na ako lumingon sa kanya, at nagpatuloy sa aking pupuntahan. Bakit ingles ng ingles ang isang 'yon? Kala niya siguro ang gwapo niya kapag nag-iingles. Keila nakita mo naman siguro na mukha siyang isang Myth God, at babagay sa kanya kung mag-iingles siya.

Omayghash, ano ba itong naiisip ko. Napailing na lang ako.

Hanggang sa bahay hindi ko pa rin makalimutan ang lalaking nakausap ko kanina. Para siyang isang lalaki na hindi mo dapat kalimutan. What. The. Hell. Are. You. Thinking.

Hindi pamilyar ang mukha niya dito kaya baka isang baguhan lang ang lalaking 'yon, napansin kong may malaking bag siyang nasabit sa kanyang likuran kanina.

Sht I need to forget that face.

Chasing DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon