Daniel's POV
Nagising ako bigla at tumambad sakin ang mukha ng asawa ko.
Nakatulog pala kami ng magkayakap kanina.
I really want to do it with her.
I badly do.
But I respect her.
"Wifey" I poke her cheeks.
"Uhm?"
"Akala ko ba magd-date tayo?"
Bigla naman syang napamulat.
"Oo nga. Tara ligo na tayo" -Erica
"S-sabay t-tayo?" napalunok naman ako.
"I mean.. Maliligo na ko sa banyo tas ikaw sa banyo ni Dae" -Erica
"Aaah okay"
Kumuha naman na ko ng susuotin ko at pumunta na nga sa banyo ni Daehwi.
After maligo ay bumalik na ko sa kwarto.
Nakabihis naman na si Erica.
"San ba tayo pupunta?"
"Di ko din alam eh. Kung saan mapadpad?" -Erica
"So wala kang plano?"
Napakamot naman sya ng batok.
"It's okay. I think mas maganda din yun para may surprises"
Tumingin naman sya sakin.
"T-tara na?" -Erica
Ngumiti naman ako at pinagbuksan na sya ng pinto.
Pababa na kami ng hagdan ng matanaw namin si Ahjusshi.
"Kang Daniel" -Ahjusshi
"Present!"
"Oh? Nakabihis ka na?" -Ahjusshi
"Opo Ahjusshi. May date kami ni Erica eh"
"Ha? Hindi pwede" -Ahjusshi
"Bakit Ahjusshi? May problema ba?" -Jisung
"May photoshoot ngayon si Daniel kasama si Sejeong ng Gugudan. Hindi nyo ba alam?" -Ahjusshi
"Wala ka namang nasabi Ahjusshi" -Jisung
Napalingon naman ako kay Erica.
Halata namang nalungkot sya.
"It's okay Niel. Next time na lang siguro yung date natin" -Erica
Ngumiti naman sya. Yung pilit na ngiti.
"Sorry Erica. Akala ko kasi na-inform ko kayo eh" -Ahjusshi
"Okay lang Ahjusshi. Trabaho naman yun eh" -Erica
"Wifey"
"Okay lang ako Niel. Sige na alis na kayo ni Ahjusshi. Baka ma-late ka pa sa photoshoot mo" -Erica
"Don't worry Erica, ibabalik ko ng buo at virgin pa itong si Daniel sayo" -Ahjusshi
Tumawa naman si Erica.
BINABASA MO ANG
We Got Married #1: [Kang Daniel]
FanfictionIsang ordinaryong citizen at isang idol, sa isang REALITY SHOW? Would a FAKE LOVE STORY has a chance to be a REAL ONE? 1st part of my own version of 'WE GOT MARRIED' series~ [COMPLETED]