Erica's POV
May photoshoot na naman si Daniel.
This time kasama na yung buong Wanna One.
Naiwan lang ako sa bahay. At dahil nabo-bore ako, lumabas muna ako ng dorm at pumunta sa convenience store.
Bumili ako ng ramen. Nakakamiss di kumain nito!
Ayaw kasi kami pakainin ni Minhyun ng ramen kasi may preservatives daw at hindi yun healthy.
Kumuha na rin ako ng chips.
Pagkatapos bayaran ay pumwesto ako sa bakanteng table dun.
"Finally, makakakain na ko ulit ng ganto!"
Nagsimula naman na kong kumain.
Masarap talaga sya.
"Hi miss"
May magandang babae na umupo sa harapan ko.
"H-Hello"
Ang ganda nya!
Tao ba to?
"You're Daniel's wife?" tanong nya.
Ganun na ba ko kakilala bilang asawa ni Daniel?
"Ah.. Oo" napayuko naman ako.
"I'm Sejeong"
Bigla kong napatingin sa kanya.
Ganto sya kaganda?
Dyosa ba sya?
"And you're Erica, right?" tumango lang ako.
"Don't be nervous. I'm not here para awayin ka. Alam ko namang di ako gusto ni Daniel. Ang panget ko siguro" -Sejeong
"HALA HINDI! Ang ganda mo kaya. Sadyang di lang mahilig sa maganda si Daniel" nahihiya kong sabi.
Mukha lang akong alalay pag natabi dito kay Sejeong eh.
"Don't say that Erica. Mas maganda ka kaya sakin! Kaya ka nga nagustuhan ni Daniel eh" -Sejeong
Ganto ba talaga sya kabait?
"Patapos ka na ba dyan? Magpapasama sana ako sayo sa mall eh, kung okay lang" -Sejeong
"Oo naman. Okay lang ba kung after nito, magbibihis muna ako saglit sa dorm?"
"Oo naman. Okay lang ba na sumama ako sa dorm nyo?" -Sejeong
Tumango naman ako.
Masaya namam kausap si Sejeong. Madaldal sya at willing magkwento ng about sa kanya.
"Ang linis ng dorm nyo ah" -Sejeong
"Alagang Hwang Minhyun yan"
"Ay hahaha kaya pala ang linis" -Sejeong
Iniwan ko muna sya sa sala at umakyat ako sa kwarto para magbihis.
Bumaba naman na agad ako ng makabihis na ko.
"Malaki yung dorm nyo ah. Baka 5 years from now may nagtatakbuhan na ditong little Daniel at Erica" -Sejeong
"By that time sana may asawa na si Jisung oppa"
"Oo nga no? Kawawa naman sya. Naunahan sya ni Niel" -Sejeong
"Kaya nga eh. Malay natin, pag naisipan ni author, sya na isunod"
"Oo nga no! Author-nim, bakanaman~" -Sejeong
Natawa naman kami pareho.
Lumabas na kami ng dorm at sumakay ng taxi.
BINABASA MO ANG
We Got Married #1: [Kang Daniel]
FanfictionIsang ordinaryong citizen at isang idol, sa isang REALITY SHOW? Would a FAKE LOVE STORY has a chance to be a REAL ONE? 1st part of my own version of 'WE GOT MARRIED' series~ [COMPLETED]
![We Got Married #1: [Kang Daniel]](https://img.wattpad.com/cover/180809957-64-k581399.jpg)