Chapter 16

5 1 0
                                    

Sabrina's POV

FAST FORWARD (Day before school day)

Kasama ko ngayon si ate para mag shopping and para na rin sa mga school supplies ko. Unti na lang naman na ang bibilhin ko dahil gagamitin ko na lang yung mga dating gamit ni ate. Sayang naman kasi eh, tyaka hindi naman na yun gagamitin ni ate dahil graduate na siya. Hahahaha

Andito kami ngayon sa national book store. At mamaya punta kami ng expression for wattpad books, wahhhhh!

Notebooks, pens, highlighter, correction tape, pen case, sticky notes and other stuffs.

Sa sobrang tagal eh nakaramdam na kami ng gutom ni ate, kaya pumunta na kami ng KFC

At KFC

Nag order na si ate....

At ako naman eh nag hahanap ng upuan. Buti nga at may nakita agad ako kaso dun nga lang sa may dulo. But to my surprise eh akala ko walang nakaupo meron pala.

Halata naman eh, kasi may naiwan na backpack na black.
Okay ganito siya, two tables siya with four chairs. So kung makikishare kami ni ate eh isang space na lang ang matitira

Punuan na kasi dito ehh. Haysss
Sakto naman na dumating yung nakaupo kaya mag papaalam na lang ako na makiki share kami.....

Napatingin naman ako sa kanya.....




Tristan....?!





No way!


After all this years......


Bigla namang tumugtog ang kantang Tadhana... and what the hell?!!

Napatingin naman siya sakin. "Uhm miss, uupo ka?"

Tanong nya

Nakatitig lang ako sa kanya... sa kanyang mga mata... how i missed this eyes... you.... everything Tristan... sana nakikilala mo pa ako

"Uy! Andito ka lang pala. Akala ko kung nasan ka na eh" natauhan naman ako sa boses ni ate Sunmi...

"Ate Sunmi?" Sabi ni Tristan. Ay hala paktay!!

"Oh hi Tristan! Long time no see. Kamusta ka? Ikaw ang nakaupo dito? Pwede bang makishare kami ni Sab ng table. Punuan na kasi eh" narinig ko pang sabi ni ate sa kanya.... patay na nga!

Bakit bako natatakot ha! Wala na ang dating Sabrina kaya okay lang. At tyaka para namang makikilala nya pako duhh
I'm strong

"Ah sige. Wala naman akong kasama eh." Sabi nya saka inayos ang bag nya at mga ibang kalat. Tss akala ko ba kasama nya yung asawa nya 

"Oh upo na" sabi ni ate pero naka tayo pa rin ako at nakatingin kay Tristan....

Nakatingin din siya sa akin na para bang kinikilala ako kung sino ako...

"Ate Sunmi. Sino siya?" Biglang tanong ni Tristan pero nakatingin parin siya sakin na parang sinusuri ako...

"Umupo nga kayong dalawa. Tss, di mo na siya kilala? Siya si Sa- - -"

Bago pa man sabihin ni ate ang pangalan ko eh umalis na ako. Dala ang bag ko, bahala na si ate sa mga gamit na pinamili

"Huy! Sab saan ka pupunta?!" Narinig kong sabi ni ate habang papaalis ako. Pero wala akong pakialam

"Sab? Sabrina?!" Narinig kong sigaw ni Tristan pero wala.... tumakbo na ako papalabas ng KFC at papalabas ng mall

Bahala na...

Habang tumatakbo eh hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako...shit this life.

Medyo nakalayo na ako sa mall. At andito ako ngayon sa may pedestrian lane. Napatingin naman ako sa paligid... ang daming tao, maingay, maraming ilaw at sasakyan.... pero mukhang malabo ang paningin ko sa kanila.

Dahil siguro ito sa mga luha ko

Akala ko pag balik ko dito sa pilipinas eh okay na... na okay na ako pag kaharap ko siya. Na malakas na ako.... pero hindi pala.... mahina pa rin ako

Akala ko pag balik ko, wala nakong nararamdaman pa para sa kanya...

Pero lahat ng iyon ay akala ko......

Akala ko lang iyon...

And it hurts and really kills me....

Nagising naman ako sa katotohanan ng bigla kong marinig ang kanyang boses....

"Sabrina!"

Hindi nako lumingin pa at dali dali na naman akong tumakbo...

Please Tristan... wag na, ayoko na.... just please.... stop....

Wala na akong pakialam sa mga nababanggaan ko... takbo pa rin ako ng takbo... hanggang sa may bumusina sa gilid ko....

Hindi ko alam na nasa gitna pala ako ng kalsada ... ..
At parang nakapako lang ang aking mga paa dito.... parang naka dikit na at ayaw nang umalis

Nakatutok sa akin ang isang malaking puting ilaw..  at yun lamang ang nakikita ko... hindi ko na narinig pa ang busina... wala akong naririnig...

Nakikita ko lang ang malaking puting ilaw na papalapit sakin...... ........

Ito na ba?

Beauty is in ME (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon