Chapter 1 ♥ He's Back

196 13 10
                                    

Angela Martine Point of View

"Angel! Alis na ako, ah? Mag paalam ka na lang kay Meme Josie kung aalis ka na mamaya. Ingat!"

Halos mapantig ang tenga ko sa sigaw ni ate Naya nang pumasok s'ya sa loob ng kwarto ko. Babaeng 'to, kauma-umaga tila nakalunok ng mega phone. Mas malakas pa sa tilaok ng manok. Kaloka!

"Okay. Ingat," sabi ko habang nakahilata pa rin sa kama at nakapikit ang mga mata. Nakakatamad pa bumangon. Alas dos na rin ako natulog kanina kaka-facebook at twitter.

"Hoy, babae! Gumising ka na d'yan, aba! Makaalis na nga, naloloka bangs ko sa'yo," sabi ni ate Naya at narinig ko ang pag bukas-sara ng pinto na ibig-sabihin ay lumabas na ito ng kwarto ko.

Kinapa ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan at nang makapa ko ito ay tinignan ko kung anong oras na. Nang makita kong alas sais pa lang ay gusto kong bumangon sa kinahihigaan ko at habulin si ate Naya at batukan ito. Kagigil! Lokaret talaga 'yung babaeng 'yun. Ang aga-aga pa, lintek na!

Gusto ko pa sanang humilata dahil inaakit pa akong humiga ng aking kama pero naalala ko na may lakad pala ako ngayong araw kasama si Clin, my closest boy best friend since we were a child. Minsan nga napag-kakamalan na mag-jowa kami dahil sa sobrang close namin sa isa't isa, which is nakakaloka!

So, instead of laying on my bed again, I did all my usual morning rituals and get ready. Halos isa't kalahating oras din ako namili ng aking isusuot and I ended up wearing a grey long-sleeve crop-top na may nakasulat na "Crazy Over You!" partner with fitted denim jeans and grey doll shoes. See? Halos binagyo ang itsura ng closet ko tapos ito lang pala susuotin ko. Lol!

I waited for a few more minutes until I heard a car beep sound outside and I already know who it is. Well, ikaw ba naman halos araw-araw hatid-sundo, from house to school and everywhere I go, sinong taong makakalimot ng isang bagay na sobrang familiar sa'yo? None, of course.

I went downstairs and saw Meme Josie cleaning. "Oh, alis ka na, nak?" tanong nito. Si Meme Josie ang mayordoma dito sa bahay. S'ya ang isa sa mga pinakamatagal na naninilbihan dito sa amin, simula bata pa ako nandito na s'ya nagta-trabaho. S'ya na rin ang naging pangalawa naming ina mula ng ng mamatay sina Mommy at Daddy.

"Opo, Meme! Pwede na po kayong mag-make love dito ni Tay Lencho! Solo n'yo po ngayon ang bahay and don't forget to use condom, Meme, sabi mo po kasi ayaw mo po majontis. Hehe," sagot ko saka ki-niss ito sa pisngi at mabilis na tumakbo palabas ng bahay.

"Ikaw talagang bata ka!" rinig ko pang habol na sigaw nito.

At nang makalabas ako ng gate namin, there, I saw him. Leaning his back to his black Chevrolet car and wearing a white long sleeve polo and black fitted jeans with a pair of black rubber shoes. Awww, my baby damulag is so handsome, as always.

When he saw me, he smiled and immediately open his arms wide, waiting for a tight hug. And when I reached his place, I hug him tight like what I always do every time we're together. He hug me back and kiss my forehead. See? Kaya kami napagkakamalang mag-jowa because we are too attached to each other.

"Let's go!" sabi ko at tiningala s'ya.

My heart skips a beat when I saw him looking directly to my eyes. I saw some glint of emotions in his eyes that I can't name at dali-dali rin itong nawala. Then, he smiled, making him more handsome and sexy.

"Excited, my lady?" tanong nito habang abot tenga ang ngiti.

"Yes! Kaya tara na kung ayaw mong iwan kita d'yan," sagot ko saka pinisil ang tungki ng ilong nitong matangos. Namana n'ya ito sa amang banyaga.

Perfect Love (COMPLETED) [Revised Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon