Chapter 2 ♥ Late

108 10 3
                                    

Angela Martine Point of View

We're on our way to Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 to fetch Kenneth and I'm super excited! Pero itong kolokoy sa tabi ko ay tila binagsakan ng langit at lupa ang mukha dahil grabe kung maka-simangot, dinaig pa ang mukha ko kapag may regla ako.

Hindi ko malaman kung anong meron dito sa lalaking 'to at tila ayaw atang makita ang kuya n'yang nawala ng dalawang taon sa bansa at walang paramdam kahit kanino man lang. Wala ring nakakaalam kung saang lupalop din ba ng mundo ito pumunta. Buti nga at tumawag ito kanina kay Clin at nagsabing pabalik na ito ng bansa.

Kenneth is Clin's older brother. Lutang na lutang din ang kagwapuhang taglay nito tulad ni Clin that's why he's my ultimate crush since my grade school days until now. Loyal ba? No, I'm not. Kahit crush ko s'ya syempre may ibang mga crush din naman ako from other grade level that time, 'yung tipong hanggang Senior High School Department from different strands nun meron ako. Oh, diba! Ako ata ang magpapatunay na ang babaeng single na ayaw magka-jowa, may listahan naman ng mga lalaking gustong maging boylet na sobrang haba! And I, thank you!

"Uy! Bakit ka na naman nakasimangot?" tanong ko sa kasama kong sinabayan ng init ng ulo ang init ng araw. Pero tila wala itong narinig dahil diretso lang ang tingin nito sa daan at nakasimangot pa rin.

"Sige, huwag mo kong pansinin, ah! Tulak kita palabas, eh," pagsusungit ko dito.

Try lang baka gumana at pansinin na ako nito. Pero ang tinamaan ng lintek, inirapan lang ako! Bakla ata 'tong lalaking 'to, eh! Syempre, charot lang! Mas lalaki pa 'to kaysa sa mga jowa n'yo, no!

"Tingnan mo kapag hindi mo pa ako pinansin sasabihin ko kay tita mamaya kung ilang joga girls na ang tinira mo sa CU," pananakot ko dito. Nakaka-stress 'tong lalaking 'to, ang hirap talaga suyuin. Lalabas muna ang mga internal organs mo dito bago mo mapaamo 'tong lokong 'to, eh.

"As if I fuck girls from our university. And I have never ever experience having sex to anyone in my entire existence," depensa naman agad nito.

"So, you are saying na mas virgin ka pa kaysa sa akin, ganon?" tanong ko dito.

"You can tell," sagot nito kaagad sabay nagkibit-balikat.

After that a little bit Rated SPG conversation with Clin ay hindi na naman ako nito pinansin. Pabebe pa ang loko! Samantalang dati naman onting lambing ko lang dito bumibigay na agad, ngayon halos maubusan na ako ng laway hindi pa rin ako pinapansin ng tinamaan ng lintek na 'to.

Ti-nry ko ngang asarin baka sakaling pansinin ako. Pinansin naman ako pero ang ending, ako 'tong nang-aasar, ako pa ang naasar!

Nang makarating kami sa aming destinasyon ay lumabas na kami pareho ng sasakyan ni Clin at sumalubong sa amin ang nakapa-init na paligid at simoy ng hangin. 'Yung tipong pwede na 'tong pumasa bilang free trial sa impyerno. Halos lahat ng makina ng sasakyan sa paligid ay nakabukas, sabayan pa ng mainit na sikat ng araw at halos mangilan-ngilan lang ang puno sa paligid.

"Hey! Wear this," sabi ni Clin at may inabot ito sa aking black na sweater.

Sinuot ko naman ito agad para hindi humapdi ang balat ko at hindi ako magka-sunburn dahil sa sikat ng araw. Nang maisuot ko na yung sweater ay naramdaman ko ang kamay at braso ng aking kasama na lumingkis sa aking bewang at hinapit ako palapit sa katawan nito.

"Let's go," sabi nito.

Pero hindi pa man kami nakakalayo masyado nang mag-ring ang cellphone nito. Nang kuhanin nito ang kanyang cellphone ay mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo nito. Nakatitig lang ako kay Clin habang may kausap ito sa telepono nito na kulang na lang ay bugahan nito ng apoy.

Perfect Love (COMPLETED) [Revised Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon