Angela Martine Point of View
It's already 11 o'clock in the evening pero hindi man lang ako nakakaramdam ng antok at gising na gising pa ang diwa ko. Nandito pa rin ako sa bahay nila Clin at nasa loob pa rin kami ng kwarto n'ya at tila wala yatang balak ang loko na iuwi ako. Well, I'm still waiting for Kenneth, hoping that I will be able to see him again after two years.
Halos wala kaming ginawa ni Clin kanina kundi magharutan, magkulitan, at manood ng kung ano man ang napili nitong panoorin after my drama session kanina. Pagkatapos ako aluin ni gago kanina ay inasar naman ako at tuwang-tuwa naman ito dahil asar na asar ako.
Kinuha ko muli ang cellphone ko na nasa may bedside table ni Clin at tiningnan kung may text o tawag ba si ate Naya sa akin pero ni isa wala akong nakita. Maybe busy pa ito or nakatulog na siguro dahil sa pagod.
Pagkabalik ko ng cellphone ko sa may bedside table katabi ng panyo ko ay naramdaman kong may nilagay na unan si Clin sa lap ko at saka doon humiga ang tinamaan ng kalabaw. Ginawa na akong higaan ng loko. Pero imbes na paalisin ko ito ay hinilot ko na lang ang magkabilang sentido nito.
Bawat hagod na ginagawa ko sa sentido nito ay panay ang ungol ng hinayupak. "Tumigil ka nga kaka-ungol d'yan! Maka-ungol ka kala mo nagtitirahan tayo," sabi ko dito sabay pitik sa noo nito.
"What?" inosenteng tanong nito. "I'm just enjoying what you are doing at saka nasasarapan ako kaya umuungol ako. And I don't see anything wrong about it."
"Gago! Kung maka-ungol ka kamo kala mo nag-se-sex tayo. Maang-maangan ka pa d'yan, itali kita patiwarik, eh," inis na sabi ko dito.
"No, I'm not. You're just green-minded, baby," sabi nito na kaagad ko namang pinitik sa noo.
"So, ako pa green-minded sa ating dalawa ngayon? Kapal mong kupal ka!" sabi ko dito saka pinitik ulit ito sa noo.
"Hey, watch your mouth, baby. Saan mo natutunan 'yan?" komento nito. Napadaing naman ako ng bahagya nang pitikin nito ng medyo may kalakasan ang labi ko.
"Narinig ko lang kay kuya Reiniel nung nakaraan nung kausap nito 'yung ka-teammate n'yong isa sa basketball. Si kuya Summer ata 'yun, I'm not sure," pag-amin ko dito. Hindi naman kasi ako makapag-sinungaling sa kanya because I'm not good at lying at alam nito agad kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.
"Next time, cover your ears when they are going to say some kind of words like that, okay? It's unpleasant to my ears," sabi nito na akala mo tatay na pinapaalalahanan ang kanyang anak dahil sa uri ng pananalita nito.
"Opo, tatay," sagot ko dito saka bahagyang tinusok ang tagiliran nito na ikinaigtad naman ng huli.
Ang gulo talaga ng mood ng hinayupak na 'to kahit kailan. Minsan napaka-isip bata kung kumilos, kaya baby damulag ang tawag ko dito, eh. Minsan naman aakalain mong matanda ang kausap mo dahil daig pa nito ang mga matatanda kung makapag-salita at magpaalala. But that makes him lovable, anyways.
Inulit ko ng inulit ang pagtusok sa tagiliran nito na s'ya namang ikinaiigtad nito lagi. Nang mainis ito sa ginagawa ko ay pinisil ko naman ng ilong nitong napakatangos at napakaperpekto. Habang pinipisil ko ang ilong nito ay s'ya namang malakas na pagbukas ng pinto ng kwarto ni Clin at iniluwa nito ang isang bulto na kanina ko pa nais makita. Sa gulat ko ay naitulak ko si Clin na s'yang nakahiga sa lap ko na muntikan pang mahulog sa sahig dahil sa lakas ng pwersa ko.
'Oh shit!' sabi ko sa isip ko.
"I'm sorry, I'm late," sabi ng lalaking kadarating lang.
I was stunned and amazed by the person who's standing beside the open door. Tila umikot ng sampung beses ang mundo ko dahil sa sobrang pagkatulala ko dito. The way he looks is very different from the past two years that I've saw him. He looks more manly and mature, and at the same time a jaw-dropping kind of a man.
BINABASA MO ANG
Perfect Love (COMPLETED) [Revised Version]
Historia CortaHow will you know if you already found your Perfect Love? ***** Original Story Written By: TheLatentSecrets