23

9 1 0
                                    

Nakahiga ako ngayon sa kama ko na parang may hinihintay na kung ano

Naalala ko yung kanina..

Pag ka tapos namin mag usap iniwan ko na sya

Sa totoo lang

Malungkot ngayon.. Di ko alam kung bakit pero malungkot talaga

Habang naka pikit ang mata ko nakarinig ako ng ingay sa labas

Lumabas ako sa silid at nakita ang isang basag na baso sa harap ko

Teka?

"Uhmm..May tao ba dito?"

Di ko alam kung may sasagot pero patuloy ako sa pag sasalita

"Hello po?"

Teka? Mukhang wala naman talagang sasagot..

Papasok na sana ako sa loob ng kuwarto nang biglang may kaluskos akong narinig... Omooh! Ako lang mag isa dito! Kaya wag mo akong takutin! Kung sino kaman!!

Nandito kase ako sa bahay namin wala dito si ate callie diko alam kung nasan.

Papasok na sana ulit ako nang biglang may tumalon.. Anak nang!!

"Hoy!? Kung sino kaman!! Sinusumpa kita! Ayoko sa multo tandaan mo yan!"

Huh? Ano yung sinabi ko?

"Meow"

"Wtf? Pusa!? Anak nang!!!"

Pusa? Sinumpa ko? Oh nooo.. Baliw na nga akooo

Kinuha ko yung itim na pusa sa sahig hindi ako natakot na kagatin nya ako basta itatapon ko na sya palabas! At pano ba to naka pasok dito!? Bullshit! I hate you! Multo!!

Nilabas ko sya at sinarado yung pinto.

Umakyat ulit ako sa taas at pumasok sa kuwarto ko... Haaayy wala ba kong makakausap na matino?? Kailangan ko ng kausap.. Ang lungkot kooo.. I badly need you.. Yiieee33 Harot!

HAHAHA! Sya lang kasi matino! Duuhh.. Di ko sasabihin noh!

'Charot wala naman talaga.'

After 3 hours

Nakakainip! Buiset! Lalabas na nga lang ako!

Kinuha ko yung phone ko sa kama sa loob ng kuwarto ko at lumabas na..

Bumaba ako at nagulat nang pag bukas ko ng pinto biglang pumasok yung pusang multo sa loob.

What The!?!

"Hoy! Ikaw!? Ang harot mo! Lumabas ka nga! Di kita papapasukin dito! Matapos mo gawing horror movie yung scene kanina? At yung pag basag mo sa baso! Linisin moyon!"

Ewan ko pero.. Baliw... Baliw nako... Kabaliwan..

Hindi lumabas yung pusa kaya ako nalang ang lumabas hinyaan ko sya sa loob at sinara yon

Aalis na sana ako

Pero bigla akong bumalik at binuksan yung pinto..

"Hoy pusa ka!? Dyan kana! Bahala ka sa buhay mo! Di ka makakalabas dyan!"

At tuluyan na nga akong umalis.

Naka layo na ko ng maalala ang pusa..

Bumalik ulit ako at binuksan ang pinto hindi parin sya umaalis sa pwesto nya..

Umalis nako at lumabas ng village...

Pero... Napa balik ako at kumaripas ng takbo ng maalala ang pusa..

Oh noooooooo! Papagalitan ako ni ate! Mabaho ang dumi ng pusa! Ohmhayghad.

Hingal na hingal na binuksan ko muli ang pinto.

Naka hinga ako ng maluwag nang makita kong hindi padin sya umaalis sa pwesto nya kanina.. Behave lang sya..

Tinitigan ko ang katawan ng pusa..

Narealize ko na nakakaawa sya

Di ko dapat sya tinaboy kanina kasi akala ko kanina multo sya.. Mabait pala sya

Maganda ang balahibo nya at halata naman na alagang alaga sya at laging sinusuklay.. Pero?

Napabayaan na sya dahil sobrang payat nya na

Binuhat ko sya at hinimas ang katawan nya

Napangiti ako ng makitang pumikit sya ng kaunti..

Nasarapan sya sa haplos ko...

Kumuha ako ng pag kain at gatas at binigay ko naman sa kanya na agad nyang sinunggaban halatang gutom na gutom sya.. Kawawa naman pala to..

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at pinicturan ko ang pusa

Pag ka tapos nya kumain ay lumapit sya sakin

Habang palapit sya sakin napatingin ako sa kainan nya.. Simot na simot agad na binalingan ko ng tingin yung pusa at humawak sa aking baba..

Ano kayang ipapangalan ko sayo??

"Meow"

"Wag mo muna akong kausapin iisip lang ako ng pangalan mo ok?"

Uhmmmmmm.. Ano kayang ipapangalan ko sa kanya?

AHA!

"Jack!! Jack Dawson!! AHAHAHA!! Jack Dawson kana ngayon!"

Agad na tinignan ko ang ilalim nya at sinilip kung ano ba sya..

Babae pala

Hindi dapat Jack Dawson HAHAHA!

"Rose!! Rose kana lang pala!! AHAHAHA!!! Roseeee!
Hi Rose! Yiiie33"

"Meow"

"Rose kana ha!? Pag tinawag kitang Rose titingin ka ha?"

"Meow"

"Good Girl.."

Yeaahhh!

That GOOD GIRL'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon