Mikaella
May lalaking pula ang buhok na nakatayo sa harap!?
Kung titignan ko sya nang mabuti.. ngayon ko lang nakita ang lalaking yan dito eh.. hhmm..
Transfer?
"Malamang. Ngayon mo lang nakita eh.." -_- napabulong nalang ako sa hangin..
Naka titig lang sya kay Jhayvee..
Pogi naman.. matangkad.. sakto lang ang katawan.. di mataba pero di rin payat.. SAKTO NGALANG DIBA!?
pulang pula yung buhok nya.. bawal yan ah?
Ngayon ko lang talaga sya nakita!!
Sa tatlong linggo kong pag pasok dito.. NG WALANG ABSENT HA!?
So ayun..
Nag tuloy na sa pag lakad si Jhayvee papunta sa tabi ko.. nakatulala lang ako sa kanya kaya naman hindi ko napansing nasa harap ko na pala sya -_-
"Ehem!" Nagulat ako at natigilan sa pag titig sa kanya..
"H--HA?"
"Yung bag mo.."
Napatingin naman ako sa bag ko...
Omg...!
Nasa upuan nya pala!
Nakakahiya ka mika!!!
Kanina kapa ah!
"A-ahh. Oo. Hehe.." tsaka ko tinanggal yung bag ko..
NAKAKAHIYA.
Hanggang sa maka upo sya naka tingin--titig ako sa kanya..
Habang sya naman ay nasa harap ang tingin..
Ang ganda naman neto.
○_○
NATOTOMBOY BA AKO? ◇_◇
HAHAHAHAHA joke!
"Ahhmm.. Hi ^_^" nakangiti pa ako sa pag sasabi ko non! Pack! HAHA
TUMINGIN LANG SYA SAKIN AT NGUMITI. -_-
Ok lang atleast napansin
"Pwede maki pag kaibigan sayo?" Naka ngiti ulit! HAHA
"Hm" napaka haba ng sinabi nya..-_- nag effort pa talaga syang tumingin sakin. -_-
Huhuhuhuhuuuu.
"Hehe thanks" nahihiya nako HAHAHA wala man lang kasing ekspresyon yung mukha nya kaya nakaka..........................................mahirap kausap.
Tumango LANG nanaman sya at tumingin na sa harap nagulat naman ako nung mag salita si maaaaaaaam
"Duon ka nalang Sa tabi ni Dyn" Turo ni maam sa tabi ni Jhayvee na pinapaupo yung lalaking pula ang buhok "President" dadag pa ni maam
President?
"Kung OKAY lang sa babaeng yan.." turo nang naka pulang buhok kay Jhayvee habang naka ngiti.
Ano to? Pareho silang bastos? Walang galang? Bayan.
Joke! Hindi ganon ang tingin ko kay jhayvee! Idol ko nga sya ehh
"Kung sabihin kong 'Hindi' uupo ka pa ba dito?" Sarkastikong sagot naman ni Jhayvee.
Kilabot!
"YES! Dahil yan nalang ang natitirang bakanteng SEAT miss DYN.." Nakangiting sabi naman nung Si kuya president
Ha? Anong yan nalang? Baliw ba sya? Ang dami dami pa eh!