Ako'y sa'yo at ika'y akin lamang
Huling linya mo noong ako'y kinantahan
Kilig at saya ang aking naramdaman
Akala ko ito'y walang katapusan.Nahulog ako sa matatamis mong salita
Sa boses mong tila musika
Sa ugali mong hindi maikumpara sa iba
Mahal alam kong ikaw na.Palihim kang minamahal
Minsan lang magmahal pero nagtatagal
Sa paningin man nila'y isa akong hangal
Kasalanan na ba ang magmahal?Ako'y lalaban para sa ating dalawa
Kahit katiting na lamang ang pag-asa
Mahal handa akong masaktan
Maipaglaban ka lamang.Ngunit unti-unti kong napagtanto
Na hindi lahat ng lumalaban nananalo
Dumating na ko sa puntong
Pagsuko na lang ang solusyon.Di ako sumuko dahil ayoko na
Tinanggap ko lang talaga na hindi tayo ang nakatadhana
Pinagtagpo lang para sa pandaliang saya
Ngunit nag-iwan ng maraming ala-ala.Salamat sa Panginoon dahil niligtas niya ko
Sa kasawian dahil sa labis na pagmamahal sa'yo
Unti-unting bumangon at natuto
At nagtiwalang may tamang taong nakalaan para sa'kin at para sa'yo.

YOU ARE READING
Poetry Collection
De TodoWriting is an art, pen is my sword and the speaker of my HEART. Because I can use it to MAKE YOU... or ...BREAK YOU...