Balikan ang ating simula,
Sa simula kung saan tayo unang nagkakilala,
Batid ko ang iyong presensya,
Ngunit 'di ko naisip na sa iyo'y magpakilalaLumipas ang panahon
Ang dati'y kakilala lang, kaibigan na ngayon,
Magkasama sa lahat at nang lumaon
Pagkakaibigan nati'y 'di na mabubuwag ngayonTayong dalawa'y palaging magkasama
Sa lungkot at saya tayo'y magkasangga
Kaibigang tunay, iyan ka
Sa lahat ng pangyayari sa buhay natin, saksi ang isa't-isaMaaaring magbago man ang lahat,
Ngunit hindi titigil ang pag-ikot ng mundo,
Tuloy pa rin ang pagkakaibigan natin hanggang dulo,
Patutunayan natin na ito'y totoo.

YOU ARE READING
Poetry Collection
AcakWriting is an art, pen is my sword and the speaker of my HEART. Because I can use it to MAKE YOU... or ...BREAK YOU...