PAGTATAPOS: Panibagong Yugto

11 0 0
                                    


Parang kailan lang,
Unang araw pa lang ng pasukan,
Pagpapakilala sa harapan,
Atin pang pinagtatalunan.

Sa pagdaan ng segundo, minuto, araw, buwan at taon,
Ating pagsasamahan ay pinagtibay ng panahon
Tawanan, iyakan, tampuhan at sari-sari pang emosyon
Na ating pinagsaluhan sa apat na taon.

Sa wakas ay tapos na ang paghihirap, pagod at puyat,
Makakamit na rin ang bunga ng pagsusumikap,
Isang bagong yugto na naman ang nasa harap
Patungo sa buhay na pinangarap.

Sobrang bilis ng panahon,
Dumating na ang hinihintay na taon,
Dala nito'y panibagong hamon,
Hamon na magpapatibay pa sa inyong dedikasyon.

Poetry CollectionWhere stories live. Discover now