Prologue

268 3 1
                                    

His

"Copy."

Mabilis na inayos ko ang mga gagamitin ko. Isinilid ko sa bag ang granada at mga bomba na mamaya lang ay may kalalagyan na. Mula sa itaas ng puno na kinauupuan ko ngayon, kitang kita ko ang mag asawa na si Mr. and Mrs. Vuenatos na papasok sa isang kilala at sikat na restaurant.

Napangisi nalang ako sa nakita. Buong pamilya nito ang kasama na balak pa yatang mag celebrate dahil sa ika 45 na taon ni Mr. Vuenatos. An ideal family huh?

Dumako ang tingin ko sa wrist watch ko at hinintay ang tamang pagkakataon. Makulimlim ang kalangitan na nag babalak pa yatang umulan pero wala na akong paki alam doon. Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay tapusin ang mission na iniutos sa amin ng ikapitong Hari.

"Fire."

Hinayaan ko muna na makaupo sila ng maayos at makapag kwentuhan sandali. Konting hintay lang at mabubura na rin ang inyong mga ngiti.

"Kailangan ng matapos ang kasamaan nila."

Inihagis ko sa taong nag salita ang bag kung saan ko inilagay ang mga granada at bomba. Siya na ang bahala sa mga iyon.

"Alam ko. Kaya nga tayo nandito diba?" Walang gana na sagot ko. Napailing iling na lamang ito sa inakto ko. Umangat ang sulok ng labi niya habang minamasdan ang restaurant na ilang metro ang layo sa amin.

"Pero alam mo na maraming madadamay. Maraming tao ang nasa loob ng restaurant na iyan." Sambit ni Teron Algabre na may pag aalala ang nasa mukha.

We- sa  murang edad ay nakagisnan na ang ganitong klase ng trabaho. We want something new. Hindi iyong boring na dadalo sa eskwelahan, magaaral at kung ano ano pang boring stuff na gagawin. We started doing these job when we were  11 years old. Ofcourse without our parent's concient.

"Pumatay na tayo ng sangkaterbang tao. Inosente man o hindi. Ngayon ka pa ba makokonsensya? Yang taong yan, kailangan na niyang mamatay, sa kahit na anong paraan."

Nag angat ito ng tingin sa akin.

"Pissed already? Alam nating dalawa na labag ito sa kalooban natin. At alam ko rin na napipilitan ka lang kasi madaldal ka nanaman."  Walang gana ko itong tiningnan.

Napipilitan? Sa estado namin ngayon,  napilitan ka man o hindi. Ang utos ay utos na dapat mong sundin at gawin.

"Gawin mo na ang trabaho mo, Teron." Inungusan niya ako at sinamaan ng tingin. Bago kunin ang bag.

"Huwag mo 'kong tawagin sa pangalan na iyan lalo na't nasa mission tayong dalawa."  Mabilis na umalis ito at tumungo sa likod ng restaurant. Marahil ay ikinakabit ang dalawang nahuling bomba. 

Nag install narin kami ng tatlo pang bomba sa loob mismo ng restaurant na iyon, sa ilalim ng lamesa o upuan. Masiguro lamang na walang lalabas ng buhay sa restaurant na iyon.

"Two minutes."

Nanatili ako sa kinalalagayan ko at nagmasid sa paligid. Dalawang minuto bago sumabog ang restaurant na iyon. Nasiguro ko na malayo ang kinalalagyan ko ngayon sa restaurant hanggang sa dumating si Teron ng humahangos.

Nagawa kong hubarin ang suot ko at sinunog iyon gamit ang flash paper. Dapat walang ebidensya na matira. Iyan ang turo sa amin, dapat malinis. Walang bakas na maiiwan.

Kumbaga kung naglalakad ka sa isang ma-yelong lugar, wala dapat maiiwan na footprints sa likod mo dahil iyon mismo ang magiging dahilan ng katapusan mo.

"M.. Micu.. i'm s-sorry."

Suot na ang isang kupas na kargo shorts at tshirt bumaba ako at hinarap si Teron na namumutla ngayon.

Truth Behind His MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon