TBHM 05

44 1 0
                                    

Acacia.

"Okay na ba ito?" 

Tumingin ako kay Hakiro. Iniangat niya ang mahigit sampong kartolina.

"Bawasan mo ng apat. Maliit lang naman yung pwesto." Singit ni Usef. Siya ang may hawak ng basket kung saan nilalagay namin mga pinamili.

"Ano sa tingin niyo dito?" Ipinakita ko sa kanila ang dalawang makakapal na libro.

Nandito kami ngayon sa isang bookstore kung saan bibili kami ng mga gamit na kailangan para i-ayos ang student council room.

Nag check kasi ang head professor at inutusan kami na ayusin ang room dahil masyado daw itong pale. Tsk. Daming arte e di naman siya ang mago-office don.

Nai-meeting ko sila kahapon. Naka-assign na din ang bawat isa sa mga gagawin. May na-orient na din ako na maglibot sa mga classrooms at sabihin na ayusin din ang mga rooms nila.

"Kompleto na lahat, Acacia." Ako na ang pumunta sa counter para bayaran ang mga binili. Syempre, silang dalawa ang nagbuhat.

Members ng student council si Hakiro habang president ng Sports Club si Usef. Si Hakiro lang dapat ang kasama ko kaso nagpumilit si Usef kasi may dadaanan daw siya.

"Saan niyo gustong kumain?" Nagkatinginan silang dalawa at sabay na ngumiti ng malapad.

"Libre mooo?" Pabiro akong umirap.

"Sige na." Napatampal nalang ako sa ulo ng magapir ang dalawa at ginanahan na buhatin ang mga pinamili namin. Simple lang naman ang kasiyahan nila.

Kumain kami sa fastfood. Syempre, sila ang nagorder at ako ang nagbayad. O diba, lugi?

"Hinahanap ka ni Yiell Hwang sa amin kahapon." Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Hakiro.

"Kasama buong barkada kaya di namin sinabi kung nasaan ka." Siniko ni Hakiro si Usef.

"Bakit naman?" Kunot noong tanong ko.

"Gusto ka yatang makausap nung leader nila. Ano nga ulit pangalan no'n, pre?" Napahinto si Hakiro na parang nagiisip.

"Striel? Oo ata. Striel.. Zerist. Oo, yon."  Striel Zerist? Pamilyar.

"Bakit daw? May sinabi?"

"Sa inyo na lang daw yon. Aba, muntik pa akong masapak ng gago." Natawa ako sa sinabi niya.

Nagkibit balikat nalang ako. Hindi ko pa talaga kilala yung taong 'yon. Ang alam ko lang ay may special classes siya kagaya nila Christus Balker kaya nasa Heilthor siya paminsan minsan.

Nagikot kami saglit pagtapos namin ilagay sa kotse ni Usef ang mga pinamili. Gusto daw kasing mag arcade nung dalawa kaya hinayaan ko nalang.

Hinayaan ko rin silang magbangayan sa mga bagay bagay na wala naman ka-kwenta kwenta. Tulad nalang kung sino ang pumatay kay Lapu-lapu. Bakit maalat ang tubig dagat. O ano pa man.

Parang may kasama lang akong mga bata. Napaaray nalang ako ng akbayan ako ni Usef. Sinadya niyang pabigatin ang braso niya. Tapos ginulo-gulo ni Hakiro ang buhok ko.

Nagpumiglas ako sa ginagawa nila.

"Ano ba! Aray!" Pero tawa lang sila ng tawa. Sinamaan ko ng tingin si Hakiro na kumukuha ng picture. Iba-blockmail na naman ako nito, panigurado.

"Ang cute mo, Acacia." Tumawa siya ng malakas. Siniko ko naman si Usef pero hindi siya bumitaw at umakto pang sinasakal ako.

"Hakiro! Usef! Pinagtitinginan na tayo!" Hindi nila ako pinansin at hinarap sa isang malaking salamin sa tapat ng isang eye shop.

Binitawan ako ni Usef habang tumatawa. Napabuga nalang ako ng hangin ng makita kung ano ang itsura ko sa salamin. Sanay na ako sa ugali ng dalawa. Araw-araw ko ba naman na kasama, diba?

Instant girlfriend nga  nila akong dalawa. Dipende nalang kung sino ang malas sa kanila na may lilitaw nalang na babae tapos aayain silang gumawa ng kahit ano.

Inayos ko ang nagulo kong buhok at ang blouse kong nakusot. At ang mga okra, aba nagawa pang mag picture taking sa tabi.

Habang ako kinakawawa. Hindi naman kasi panget ang mga yan. May itsura silang maipagmamalaki. Biniyayaan kaya boyfriend ng lahat.

Ilang beses na din akong sinugod mg mga baliw nilang ex o fling dahil sa selos.

"Oh." Sinundan ko ng tingin ang taong may hawak ng ice cream. Napalayo ako ng idikit niya ito sa lips ko ng hindi ko kunin.

"Kahit kailan talaga." Inis na sambit ko kay Hakiro na tumawa lang dahil sa itsura ko.

"Ako din, di mo 'ko binilhan?" Nandidiring tiningnan ni Hakiro si Usef.

"Chicks ka ba ha? Aguilar?" Bumusangot si Usef kaya natawa ako.

Nag excuse ako saglit para mag CR pero paglabas ko, nakita ko nalang na nagkakagulo yung mga tao. Wait, sila Usef.

Sinalubong ko ang dagsa ng mga tao at pinuntahan ang pwesto kung saan ko iniwan sila Hakiro at Usef.

"Palabasin niyo kami! Kundi tutuluyan ko 'to!"

Napatulala nalang ako sa gilid at hindi makagalaw ng may tumutok na baril sa ulo ni Hakiro. Habang sakal sakal ng isang lalaki si Usef mula sa likod.

Mga taong bandido. Higit sa lima silang nakapaligid. Armado ng mga kutsilyo.

"Miss! Umalis ka na! Darating na ang mga police!" Pero napako ang paa ko sa kinatatayuan ko. Napahigpit ang hawak ko sa shoulder bag ko at nagiisip ng gagawin.

Hindi ko sila pwedeng pabayaan. Inilibot ko ang tingin, halos walang tao sa paligid. Na-wash out pati ata ang mga gwardyang walang kwenta dahil hanggang ngayon wala paring dumarating na tulong.

"A-Acacia," nagmamakaawa ang tingin sa akin ni Hakiro at sinasabing umalis na ako.

"Putek pare! Di ako makahinga!" Reklamo ni Usef sa sumasakal sa kanya.

"Tanga! Yon nga ang purpose kaya ka sinakal." Sigunda naman nung isang nakaitim.

"Bitawan niyo sila." Bumuga ako ng hangin.

"Miss, kung ako sayo aalis na'ko." Nakangising sambit sa akin ng taong may yellow ang ngipin.

"Please, bitawan niyo na sila." Nagmamakaawang sambit ko. "Huwag niyo silang sasaktan."

"Pre! Nagmamakaawa na!"

Hindi ko pinansin ang tingin ni Usef na nagtatanong kung nababaliw na ba ako.

"Pwede nating daanin 'to sa mabuting usapan. Kaya bitawan niyo na sila." Kalmadong sambit ko. Bitawan niyo na sila kasi nauubos na ang pasensya ko.

"Miss, hindi mo alam amg gulo na pinapasok mo." Akmang hahawakan ako ng isa ng marahas na tinabig ko ang kamay niya.

Nagulat siya dito at mabilis na sinabunutan ako.

"Acacia! Shit pre! Hinawakan niya si Acacia sa buhok! Tangina!"

"Boss! Bitawan niyo na siya! Kami nalang!"

"Tumahimik ka!"

"Sabi ko naman sayo, huwag ka ng mangealam." Narinig ko ang tawanan nila pero nawalan iyon ng marahas na hinawakan ko ang buhok nito at malakas na inumbog sa salamin mg paulit-ulit. Sayang ang mga alahas na nandito.

Binitawan ko siya ng mabasag ang salamin at magdugo ang ulo nito pati ilong. Tiningnan ko ang stall ng nagbi-benta ng alahas. Sayang.

Walang ganang pinasadahan ko ng kamay ko ang buhok ko na nagulo. At tiningnan sila.

"B-buhay pa ba yan?" Tanong ng isa sa kanila.

"Ewan, check mo."

Ngumisi ako sa kanya. Ayoko ng bini-bwisit ako.

×




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Truth Behind His MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon