TBHM 01

112 0 0
                                    

Acacia Svana.

"Gago ka a!"

Mabilis akong kumaripas ng takbo dahil hinahabol na ako ng mga asungot na iyon. Hinahabol ang hininga akong lumiko sa isang iskinita.

Hindi ko na pinansin ang mga taong ilang ulit akong minumura dahil sa pagtulak ko at paghaharang nilang sa dinaraanan ko. Kasalanan nila yon! Alam na kasing tumatakbo yung tao e paharang harang pa sila. Papansin lang 'te?

"Habulin niyo nga siya! Mga bobo!"

Nahihirapan na akong tumakbo dahil sa taas ng heels na suot ko. Ano ba kasing pumasok sa utak mo at nag heels ka ngayon ha, Acacia?! Nagitla nalang ako at napasalampak sa sahig dahil sa malakas na impact ng pagkakabangga ko sa kung sino mang dimunyo.

"Watch out, Miss."

Napaangat ako ng tingin at literal na napanganga ako sa nakikita.

Nasa hell na ba ako?  He really looks like a badass angel.

Mula sa strong jaw nito, sa buhok niyang naka brush up, maging ang mapupungay nitong mga mata. Namatay na yata ako. He looks so handsome!

"Ayon siya!"

Nanlaki ang mga mata ko at nabalik sa realidad ng marinig ang boses ng mga asungot na iyon. Humawak ako ng mahigpit sa braso nung lalaki at hinila ang sarili kong katawan patayo.

"Kailangan ko.. shomai." Inis na sambit ko ng hindi ako makapaglakad ng maayos.

"Shomai? Are you hungry?"

Bakas ang pagtataka nito sa mga mata niya. Shomai talaga. Kung hindi lang ako nakahawak sa kanya malamang sa alamang nabuwal na ako sa pagkakatayo ngayon. Umiling na lamang ako dito bilang tugon.

"Oh! Naghanap ka pa talaga ng kasama mo? Mabuti naman at napagod ka na sa kakatakbo."

Napaharap ako doon sa nagsalita. Bakas na bakas ang maduming tattoo nito sa buong katawan. Ang mga alipores niyang may hawak ng dospordos na para bang napakalakas ng makakalaban nila ngayon. Ugh.

"Bakit ba hindi niyo nalang ako tigilan?!" Asar na banggit ko sa kanila. Nginisihan naman ako ni Lito-- ang leader ng mga feeling gangster na mga to. Upakan ko sila e.

"May utang kang dapat bayaran sa amin, Svana.  Baka nakakalimutan mo, pinatikim mo ng suntok ang mukha ko."

"E mga manyak kayo"  Inirapan ko ang mga ito kahit abot abot ang kaba sa dibdib ko. Para akong mabubuwal sa pagkakatayo isama mo na ang namamaga kong paa dahil sa malayong pagtakbo ng naka heels.

Pasimple kong inilibot ang tingin. Na-corner na kami sa isang bakanteng lote. Napansin ko rin na papasikat na ang araw at hindi na ako nagtaka doon. Umaga na.

"Ano bang nangyayari?"  Tanong ng lalaki na hanggang ngayon ay hindi ko parin bininitawan ang braso. Okra! Baka iwan ako nito at maging malamig na bangkay ang katawan ko kinabukasan sa kamay ng mga asungot na to. Atleast, hindi ako nag iisa kung sakali.

"Ibigay mo nalang kasi ang katawan mo sa 'min. Pakipot ka pa. Di ka naman na virgin. Magkano ba ang halaga mo? Isang libo? Dalawa? Limang libo?" 

Naningkit ang mga mata ko sa sinabi nito at kusang humigpit ang pagkahawak ko sa heels na kanina lang ay hinubad ko.

"Mga okra pala kayo e!" Ibinato ko ang heels ko kay Lito at tumama iyon sa mismong noo niya. Nanggagalaiti namna siyang tumingin sa akin pero wala ng epekto iyon sa akin.

How dare they! Nakakainis at nakakagalit na para akong maluluha anumang oras. Paano nila nagagawa  ang bagay na yon?!

"Ikaw! Ba't ka ba nangengealam ha?!"  Napayuko nalang ako at mahigpit na ikinuyom ang kamao.

"Magkano ba kailangan niyo para lubayan ang babaeng to?" Narinig kong sambit ng lalaking katabi ko na parang wala lang sa kanya ang nangyayari.

"Kin-si mil. Meron ka ba dyan?" Maangas na tanong ni Lito. Agad na naglabas ng wallet ang lalaking kasama ko at nagbigay ng ilang libong papel sa grupo ni Lito. Aba. Mayaman amfuts.
May ibinulong pa ang lalaking to sa huli na ikinaputla naman nilang lahat. I wonder what it is.

Hanggang sa makaalis ang grupo ng asungot na Lito na iyon. Nanghihina naman akong napasalampak sa simento na kalsada.

"Ayos ka lang? Hey."

Nagsunod sunod na tumulo ang luha ko. Hanggang ngayon ay hindi parin humuhupa ang bilis ng pagtibok ng puso ko.

"Ba't ka umiiyak?"

Nag angat ako ng tingin at pinunasan ang luha ko.

"Hindi naman ako pokpok! Mga shomai! Argh! Di ko naman ginustong mag trabaho sa bar na yun a! Nakakainis! Ikaw! Pokpok ba ako sa paningin mo?!" Inis na binalingan ko ng tingin yung lalaking kasama ko ngayon.

Nagulat naman ito sa sinabi ko at agad na pinaglandas ang tingin sa kabuuan ko.

"Well, sa suot mo ngayon. Di ko sila masisisi." 

Sinamaan ko ito ng tingin. Di manlang nag dalawang isip na sabihin iyon sa akin! Suot ko ang isang dress na hapit na hapit sa katawan ko at hanggang kalahati lang ng binti ko. This isn't eben a dress! Sinubukan kong tumayo pero agad din akong nawalan ng balanse. Pero bago pa ako muling bumagsak sa sahig, may mga braso ng yumakap sa bewang ko para alalayan ako.

Napako ang mga mata ko sa itim niyang mga mata.

"Mag ingat ka kasi."

Napatayo naman ako ng maayos habang ini-inda ang sakit ng paa ko. Huminga ako ng malalim.

"Makaka lakad ka ba ng maayos?" Inalalayan niya ako na maglakad. Napapangiwi nalang sa bawat paghakbang ng paa ko sa sahig.

"Wait. Masakit, shomai." Reklamo ko. Hanggang sa naramdaman ko nalang ang pag angat ko sa ere. This badass angel is carrying me! Ipupunta na niya kaya ako sa hell? Imbis na matakot parang na excite pa ako. Hihi. Landi!

Dahan dahan niya akong iniupo sa passenger seat ng sasakyan niya.

"Ihahatid kita sa inyo. Baka kasi di ka na makauwi ng buo, kargo pa ng konsensya ko."  Pinaningkitan ko ito ng mata. Umupo siya sa driver seat at kaaga dna pinaharurot ang sasakyan.

"Acacia, Acacia Svana." Inilahad ko ang kamay ko bilang pagpapakilala.

"Acacia? Nice name." Iyon lang ang sinambit niya at hindi inabalang abutin ang kamay ko. Sinamaan ko naman ito ng tingin.

"What?" Amuse na sambit niya.

"Pinagmukha mo akong tanga okra ka. Hindi mo manlang abutin yung kamay ko e ako na nga tong nag magandang loob na magpakilala sayo." Tumawa siya ng malakas dahil sa sinabi ko.

"Julian.. Julian Micu" kumindat siya sa akin pagkatapos niyang magpakilala. Nanlaki naman ang mga mata ko doon at naramdaman ko ang pag akyat ng init sa magkabilang pisnge ko. Iniyuko ko ang ulo para itago ang pamumula ng mukha ko.

Okra talaga!

--

Thoughts?

Truth Behind His MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon