MPN 1 *The New Start*

91 0 0
                                    

Sa buhay natin maraming  tao ang darating at makikilala natin. Ang iba sa kanila ay maaring magbigay sa'tin ng inspirasyon at dahilan para mabuhay, at meron din namang dudurog sa ating puso at mag- iiwan ng malalim na sugat na paghilumin man ng panahon ay mag- iiwan pa rin ng malalim na pilat na habang buhay nang andiyan. Ngunit ano pa man ang mangyari, ang mahalaga ay ang mga aral na natutunan natin na maari nating ibahagi sa iba. Ito ang favorite line ni Bridget sa favorite book nyang Love at First Sight, so ironic dahil hindi nya akalaing ito rin ang mga salitang panghahawakan nya sa mga oras na makakaranas sya ng matinding heart break.

Love and Frienship, ang dalawang bagay na mahalaga para kay Bridget pero ito rin ang makakasakit sa kanya sa bandang huli. Masarap magmahal pero pano kung complicated ang sitwasyon? masarap pa din ba? para kay Bridget oo. Masarap pero mahirap lalo na kung nakikita nyang nasasaktan ang taong mahal nya at ang kanyang kaibigan na tinuturing nya nang kapatid.

" Hindi Ito ang plano ko, pero bakit ganito? nahuhulog na ko sa sarili kong patibong. mahal ko na yata sya. "

" Simple lang naman ang plano e. Make him fall inlove with me and then I'm gonna break his heart. pero hindi ito ang nangyari. "

My Pretty Nerd

Chapter 1

They say that love is the most powerful thing in the world. Yeah it's true! Definitely! Yan kasi yung nakita ko sa parents ko. Sobrang love and affection ang ipinakita nila for each other. Lumaki ako sa isang pamilyang puno ng pagmamahalan. Sa Cebu pinanganak ang mama ko at sa Bicol naman si papa. Pero paano sila pinagtagpo? Well makinig kayo sa kwento ko. 

My mom used to be a flight stewardess nung dalaga pa sya. International flights ang line nya. One time, naasign sya sa flight heading to Japan. Nung nasa Japan na sila biglang nacancel ang flight nila pabalik ng Pinas due to a bad weather, so nagstay sila kasama ng iba pang crew sa hotel na pinrovide sa kanila ng airlines. And exact naman na sa hotel na tinutuluyan nila nagtatarabaho si papa. My mom was 23 at that time and 24 naman si papa. 

Napansin ni papa si mama dahil sobrang ganda naman talaga ng mama ko no?! Sige, idedescribe ko sa inyo ang mama ko. Napaka angelic ng face nya. Bilugan ang mga mata nya and grayish in color. She has a long, dark brown curly hair. Manipis at pinkish ang lips ng mama ko na talaga namang napakasexy ng dating. Very noticeable din ang matangos nyang ilong na namana ko sa kanya. Maputi at balingkinitan lang ang kanyang pangangatawan at ang height nya ay 5'4. Half spanish- half filipina kasi ang mama ko kaya kakaiba talaga ang ganda nya. 

Ang papa ko naman ay matangkad, moreno at chinito. Mala Richard gomez ang dating! Naks! Ang sabi ng papa ko, nung una pa lang daw nyang makita si mama ay nahulog na agad ang loob nya. Love at first sight baga. Pero di sya ngkaroon ng chance na makilala si mama that time. Hanggang sa makaalis sila mama sa hotel na tinutuluyan nila. Pero wag kayong masad kasi, my 2nd chance pa naman! Nung papauwi naman yung papa ko dito sa Pinas sakto na flight stewardess naman si mama sa flight ni papa. At dun na nakapagpakilala ang papa ko. Pero mukang hindi naman daw mutual feelings ang naramdaman ni mama kay papa kasi parang may pagka mayabang daw ang dating ni papa kaya inisnob ni mama si papa. Pero di sumuko ang papa ko. Pagkatapos nun lagi na nyang bininisita si mama sa airport. Kasi ayaw ibigay ni mama ang address nya kay papa kaya sa airport lang sya nagkakaroon ng chance para mabisita si mama. Lagi syang may dalang flowers and chocolates. Hanggang sa one day bigla na lang natunaw ang puso ng mama ko at sa wakas binigyan nya din ng attention ang papa ko. At di nagtagal naging sila. 

After 4 years of relationship they decided to get married. Hanggang sa nagkaroon na sila ng little angel and they named it Bridget Bianca Fuentes and that's me! Kinuha ni mama ang name ko sa favorite nyang Saint na si St. Bridget at yung Bianca naman well, obviously it's a combination of my parents' names. Biana Maris Salcedo yan ang full name ng mama ko and Carlos Lorezo Fuentes ang kay papa. So Biana + Carlos = Bianca. 

My Pretty NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon