MPN 2 *The Wedding*

67 0 1
                                    

My Pretty Nerd
Chapter 2

( Kring!!! Kring!!! Kring!!! )

"Mmm... Anu ba yan ang ingay naman...inaantok pa ko...(naghihikab)." Dahil sa sobrang antok ko, yun na lang ang nasabi ko. Kinuha ko ang unan at tinakpan ko ang tenga ko hanggang sa nakatulog ako ulit.

( tok! tok! tok! )

Bahagya akong nagising sa malalakas na katok sa pinto ng kwarto ko.

( tok! tok! tok!)

"Bridget! Bumangon ka na! Malelate ka na sa school!" Pasigaw na utos ni tita.

Napabalikwas ako sa higaan at tinignan kung anung oras na. Nagmadali na ko sa pagligo at pagbihis. 6:00 am na kasi. May 30 minutes na lang ako para magprepare dahil dadaanan na ko ng school service ko within that time. 7:00 kasi ang start ng class. Pagkabihis ko ay nanalamin ako. Hmm.. White blouse with navy blue vest at red ribbon and chekerd mini skirt with a combination of red, white and navy blue, knee- high white socks and black shoes yun ang uniform namin. Then bumaba na ako agad sa dining area dala ang back pack ko. Nagmadali ako sa pagkain ng hotcake at hot chocolate na hinanda ni tita para sa'kin. Nang maubos ko na ang pagkain ko ay sakto namang narinig ko nang bumusina ang school service ko. Inubos ko na ang hot chocolate at nagpaalam kay tita. Si Tita Emy lang ang kasama ko. Umalis kasi si papa. Tinignan nya yung lugar na balak nilang pagtayuan ng isa pang branch ng coffee shop.

"Tita, alis na po ako. Nandiyan na po yung school service ko." Nagmamadali kong paalam kay Tita Emy.

"O sige, mag- ingat ka ha? Good luck! Wag ka mhihiya makipagkaibigan ka lang sa new classmates mo." Nakangiting bilin sa'kin ni tita.

Hinalikan ko lang sya sa pisngi at nagmadali na kong lumabas. Sumakay na ko sa school service at naupo sa pinakabungad. Yun na lang kasi ang available seat dahil ako ang last na dinaanan. Malapit lang kasi ang school sa bahay, pero gusto pa din ni papa na mag service ako para raw kampante sila na makakarating ako sa school nang safe. Nginitian ko ang katabi ko at nagpakilala ako sa kanya. Naisip ko kasi na wala pa kong kakilala.

"Hi! I'm Bridget. Ikaw, anung name mo?" Pagpapakilala ko sa katabi ko.

"Calix." Matipid ang sagot nya pero nakangiti sya sa akin. Siguro nahihiya lang sya. Hindi naman kasi sya mukang suplado. 

"Matagal ka na bang nag- aaral sa Harlekein's Academy? Freshmen lang kasi ako e, kaya wala pa kong kakilala. Freshmen ka din ba? Tsaka anung section mo?" Para kong media personality kung mag interrogate sa kanya. Ayoko lang kasi na maging awkward ang sitwasyon. Gusto kong maging komportable sya sa pakikipagusap sa akin. 

"Oo, freshmen lang din ako section A. Pareho tayo." Nakangiti nyang sagot sa akin. 

Sa kabila ng kadaldalan ko, e napakatipid pa din nyang sumagot sa mga tanong ko. Napakamisteryoso nya at parang hindi sanay makipagusap. Maputi at may katangkaran. Bagay naman sa kanya ang uniform na white polo with navy blue vest at black pants pero nakasuot sya ng makapal na salamin at naka brush up ang buhok. Hindi ko alam kung malabo ba talaga ang mga mata nya o sadyang trip lang nya magsalamin para magmukang matalino. 

Hindi nagtagal ay nakarating din kami sa school. Nang makababa na kami sa service, ay chinika ko na naman sya. Wala pa kasi akong kakilala, sya pa lang kaya kailangan ko syang kaibiganin.

"Calix, section A din ako so classmates tayo. Pwede ba sabay na lang tayo magpunta sa classroom? Tutal pareho naman ang room naten." Nakangiti ako sa kanya habang naghihintay ng sagot nya. 

"Oo naman. Sige, walang problema. Tara na, baka mahuli pa tayo." Nakangiti syang nag- aya patungo sa room namin.

Mabilis lang kami naglakad patungo sa room. Nang makarating kami sa loob ng classroom ay namili kami ng uupuan. Wala pa kasing sitting arrangement since first day of school ito, at syempre magkatabi kami. Sa bandang hulihan kami naupo malapit sa may pinto dahil yun na lang ang available seats. Medyo nahuli kasi kami ng dating kesa sa iba pa naming mga classmates. Bigla namang dumating ang teacher namin after namin maupo.

My Pretty NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon