MPN 5 *Sweet Revelation*

54 0 0
                                    

MyPretty Nerd

Chapter 5

Like the ordinary days, maaga ako ulit pumasok sa school. I'm happy 'coz unti- unti na kong natututong maging independent dahil first of all kaya ko nang pumasok mag- isa, second, ako na rin ang nag- aasikaso sa sarili ko pag papasok pero si manang pa din yung nagluluto ng foods ko and lastly, nakakaya ko nang ihandle ang pang- aaway sa'kin ng bruhang si Denise. Good for me! At dahil sa f na f kong mag muni- muni habang naglalakad sa hallway papasok ng school hindi ko 
napansin na may paparating at nakabangga ko.

Booggssh!!!

"Ouch!" Nakakatawa kasi sabay na sabay kaming napasigaw nung nakabanggaan ko. And to my surprise, it's Calix! Again? Hobby na ba ng destiny na pagbanggain kaming dalawa? 

"Sorry!" Ang weird talaga dahil sabay na sabay na naman kami magsalita. Napangiti na lang tuloy kaming dalawa. Pero ngitian lang talaga wala ni isa man sa'min ang naglakas loob na magsalita. Naalala ko tuloy yung nangyari sa may library. Waaah!!! Ang awkward ng feeling! Ramdam na ramdam kong ang init ng buong katawan ko. 

"Sige!" Yun na lang ang sinabi ko at nagmadali na kong pumasok sa room. Nandoon na pala yung dalawa. 

"Oh anung nangyari sa'yo? Ba't ka nagbablush? Tanong sa'kin ni Steff.

"Parang alam ko na kung bakit. Siguro nakita mo si Calix sa labas no? At naalala mo kung gano kasarap yung halik nya. Waah!! Lande!" Binatukan ko si Chloe at sumenyas na wag syang maingay. "Ouch! Kung makabatok naman to! Ang sakit nun ha?" Umirap pa ang hitad habang nagrereklamo.

"E panu naman kasi ang ingay mo no?! Mamaya baka may makarinig pa sa'yo at baka kung anu pang isipin."

"E totoo naman talagang nagkahalikan kayo di ba? Tsaka masarap naman talaga di ba? Sabi mo. Anu naman kung may makarinig?" Sumasagot pa talaga!

"Sssh!!! Wag ka nga sabing maingay. Baka mamaya kung ano pang isipin ng makakarinig ng mga sinasabi mo. Hindi naman alam ng iba kung ano talga yung nangyari. Baka isipin pa ang landi ko kasi nagpapahalik ako sa hindi ko naman boyfriend." Sabi ko sa kanya nang pabulong.

"Bakit sino naman ba ang mag- iisip sa'yo ng ganon?" 

"Syempre yung mga taong hindi kilala yung totoong ako at yung mga naiinggit."

"Naiinggit? Bakit may naiinggit ba sa'yo?"

Biglang sumingit si Steff sa conversation namin ni Chloe. "May tao bang ayaw ka dito sa room dahil naiinggit sa'yo?" 

Napalunok ako sa sinabi ni Steff. Tumingin ako sa front row kung saan nakupo si Denise at pasimpleng tumingin sa amin. Kala mo naman kagandahan. Hindi ko naman sinabing maganda ako pero tignan mo naman kasi yung muka nya, parang nasubsob sa espasol sa kapal ng foundation.

"Ha? Anu ba yang sinasabi mo Steff. Wala no?! Ang ibig ko lang sabihin baka ma mis interpret ako ng iba dahil hindi naman nila kilala yung totoong ako.

"Ah, ok akala ko naman may kaaway ka na. Parang may laman kasi yung mga sinasabi mo kanina e. Kung sa bagay, wala ka namang tinatago sa'min e."

"Hay nako, wag ka na ngang mag- isip ng kung anu- ano dyan basta isecret na lang natin yung nangyare sa'min ni Calix." 

"Ok. No prob!" Hay nako. Nakakaguilty naman to. Naglilihim ako sa kanila.

Maya- maya pa'y dumating na si ma'am kaya pumasok na din ang iba naming classmates na nakatambay sa hallway including Calix. 

"Good morning class!" Maganda ang aura ni ma'am at mukang may maganda syang sasabihin. Hmmm..anu kaya yon?

"Good morning Ms. Palma!" In chorus ang pggreet namen kay ma'am. Ang ganda ng ngiti ni ma'am ah? Mukang may good news sya sa'min. Feeling ko lang!

My Pretty NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon