MPN 7 *My Kryptonite*

31 0 0
                                    

My Pretty Nerd 
Chapter 7

As soon as I had recovered, back to normal na ang lahat. Pumasok na ko sa school. Wala namang naging problem sa lessons that I've missed coz tinulungan naman ako ng bestfriends ko at ni Calix para makahabol. 1 week din kasi akong hindi nakapasok. Buti na lang at minor injuries lang ang natamo ko. Puro galos, sugat at pasa lang naman kaya keribels ko nang pumasok sa school. At because of that bugbugan incident, hindi na ko pinayagan ni papa na pumasok at umuwi mag- isa. Nagservice na ko ulit at syempre lagi ulit kaming sabay ni Calix. Hihihi. Ok na rin yun mas maganda pa nga e! ;)

Naupo na ako dahil nagring na din ang bell at papasok na din ng room si ma'am. I searched for Denise. Aba matinde! At naaatim pa talaga nyang pumasok sa klase na parang wala lang nangyare. Sing kapal talaga ng foundation nya yung muka nya. Tinitignan ko lang sya hanggang sa tumingin din sya sa'kin at ngumiti, grrr mukang manikang pumapatay yung itsura nya. Badtrip! Someday, you'll pay for what you've done to me.

"Good morning class!" Masayang bati sa'min ni Ms. Palma. Mukang may magandang announcements na naman dahil ang ganda ng aura nya.

"Good morning ma'am!" 

"May good news ako sa inyo class. There will be a highschool dance here in our school. It will be held on the 28th of february so you still have 1 week to prepare and find a date for this event. You have to be in semi- formal attire only. I know that this is what you've been waiting for. So good luck!" 

Aba! Mukang intereting yang highschool dance na yan ah? Sinisiko na ko nung dalawa. Halatang excited pagchismisan yung highschool dance pero syempre di pa makapagchismisan dahil andyan pa si ma'am hehe.

*at the canteen*

"Gosh! I am so excited!" Sabi sa'min ni Chloe with her eyes twinkling like this *_*

"We better find our dress na! Oh! Alam ko na! I'll ask my ninang na lang, si Yna Victorio sa kanya ako magpapagawa ng dress. E kayo? Kanino kayo magpapagawa ng dress?" Steff Asked. Iba rin talaga ang level ng richness nitong si Steffanie talaga! Biro mo yung pinakasikat na fashion designer pa talaga yung gagawa ng dress nya? At take note, ninang nya pa to!

"OMG! Talaga Steff?! Aww..kainggit naman! Sana ako din!" Sabi ni Chloe habang naka puppy eyes.

"Don't worry girls. Akong bahala sa inyo. Mahal na mahal kaya ako ng ninang kong yun! Kaya walang problema! Isang request ko lang dun pagbibigyan na ko nun! Malakas ako dun e! Haha." 

"Talaga?!" At syempre ngiting tagumpay lang kami ni Chloe. Sino ba naman ang hindi ngingiti nang ganun e si Yna Victorio yung gagawa ng dress namin for that event.

"Wait! Girls, before I forgot, wala pa nga pala tayong date!" Sabi ni Steff that seemed panic.

"O my G! Oo nga!" Sabi ni Chloe habang nakahawak sa pisngi nya at nanlalaki ang mga mata. Hay nako! Ang arte talaga ni Chloe!

"Problema ba talaga yung date? Pwede naman tayong umattend dun kahit walang date di ba?" 

"Palibahasa wala na syang problema sa date kaya parang wala lang sa kanya." Pagpaparining sa'kin ni Chloe.

"Oo nga! May Calix na kasi sya." Aba! At pati si Steff nakisali na sa pagpaparinig! Aba teka...

"Ouch!" Anung ginawa ko sa kanila? Binigyan ko ng tignisang kutos! Haha.

"Alam nyo tara na nga! Kesa kung anu-ano pa sabihin nyo dyan, buti pa bumalik na tayo sa room."

We're on our way to classroom nang malaglag ang panga ko sa OA nang pagnganga ko dahil sa nakita ko. Waaaahhh!!!! Ano yung nakita ko? May giant letters lang naman sa corridor bawat isang letter, isang tao ang may hawak saying 'Will you be my date?' At si Calix papalapit sa'kin at may dalang boquet of red roses. Shocks! I'm gonna die! Nagtitinginan lahat ng students kay Calix. Interseted siguro sila malaman kung sino yung inaaya nya maging date. At mukang disappointed ang lahat nang makita nilang ako pala yung lalapitan ni Calix. Pagbabatukan ko kayo dyan e!

My Pretty NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon