INIHINTO ni Robert ang kanyang kotse sa tapat ng Starbucks sa Taft Avenue. Pagbaba niya ay agad niyang natanaw ang isang babae sa table sa labas ng coffee shop, may katabi itong dalawang malaking bag. Palagay niya ay ito ang kasama ni Onyx Ricafort.
“Excuse me,” untag niya sa babae na agad napatingin sa kanya. “Are you from Ricafort Fine Furnitures?”
“Kayo ho ba si Mr. Torres?” ganting tanong nito.
“Yeah. And you’re the furniture designer, am I right?” aniya at inilahad ang kamay rito.
“Yes. I’m Jhermaine Cuenca, Sir,” anito na nakipag-kamay sa kanya.
“Where is Mr. Ricafort?” tanong niya.
“Hi!” ani ng isang masiglang tinig bago pa makasagot si Jhermaine.
Napatingin siya sa nagsalita. Nangunot ang noo niya nang makita ang kapatid ni Onyx na kasama nito noong magkita sila last week. Ngiting-ngiti ang babae sa kanya. Iniabot nito kay Jhermaine ang isa sa dalawang coffee na hawak nito.
“Hindi makakarating si Kuya kaya ako na lang ang pinasasama niya sa inyo. Biglaan kasi ang pag-uwi nila ng family niya sa Bicol. Na-ospital kasi ang mother ng wife niya,” sabi pa ni Jade nang tingnan siya nito. “By the way, this is Jhermaine, siya ang furniture designer na makakasama natin sa La Union.”
Napatango-tango siya. “We better go now, baka masyado na tayong ma-traffic papunta roon.”
Tinulungan niya ang dalawa sa pagdadala ng gamit ng mga ito patungo sa kotse. Hinintay muna niyang makasakay ang dalawang babae bago siya umikot sa driver’s seat. Si Jhermaine ang naupo sa likuran kaya si Jade ang katabi niya sa unahan.
“I thought kasama natin sina Meril at ang mother ninyo?” tanong ni Jade nang i-start niya ang kotse.
“Nauna na sila Mama, kagabi pa siya nagbiyahe kasama ang youngest sibling ko. Meril can’t come, may kailangan siyang asikasuhin rito,” sagot niya at itinuon na ang pansin sa pagmamaneho.
Namayani ang katahimikan habang nagbibiyahe sila. Hindi pa sila pumapasok sa NLEX ay nakatulog na si Jhermaine, habang si Jade naman ay tahimik lang sa kanyang tabi. Pansin niya na ilang beses na siya nitong pasimpleng sinusulyapan. Palagay niya ay naiinip na ito sa biyahe.
Malapit na sila sa Pampanga nang hindi na yata nakatiis si Jade at binasag na ang katahimikan. “Mahirap bang maging VP?” tanong nito.
Sinulyapan niya ito. “Hindi naman.”
“Really? Sa dami ng hotel and resorts ninyo hindi ka nahihirapan?”
Marahan siyang umiling.
“Kung sabagay may mga managers naman kayo, 'di ba?”
Tumango siya. “At saka tamang time management lang din.”
“Pero nakakapagod pa rin iyon,” pakli naman ng dalaga. “Ako nga tatlong flower shop lang ang mina-manage ko pero nangangarag din ako minsan. Kasi siyempre kailangan kong puntahan regularly ang mga iyon.”
Nagpatuloy pa ang usapan nila. Kung anu-ano ang itinatanong ng babae sa kanya, noong una ay tungkol sa negosyo nila at pagkaraan ng ilang sandali ay napansin niyang nagiging personal na ang mga tanong nito sa kanya.
“Mabuti hindi naaapektuhan ang relasyon ninyo ng girlfriend mo sa pagiging sobrang workaholic mo,” maya-maya ay sabi ni Jade.
Hindi siya nagsalita.
“Nabibigyan mo pa ba siya ng panahon?” dagdag pa nitong tanong.
“I’m not in a relationship right now,” sabi niya.
BINABASA MO ANG
😊Party of Destiny #11: Searching for the One (COMPLETED; Published Under PHR)
RomanceHinulaan si Jade na ang lalaking nakatakda para sa kanya ay makikilala niya sa isang hindi inaasahang sitwasyon at may initials na RVT. Pinanghawakan niya ang hula, umasang magkakatotoo iyon. Kaya naman nang makatanggap siya ng invitation sa Party o...