AID: C02

5 0 0
                                    

Third Person's POV

Nagsimula na nga ang tune up ng AU's Basketball team. Umpisa pa lamang ng laro ay mainit na agad ang labanan.

"GOOO AUETHUR!!" malakas na sigaw ni Freathany

Sa kabilang banda naman ay may grupo ng mga kalalakihan na pinagmamasdan ang galaw ni Freathany.

"Tol, kelan mo ba balak umamin diyan sa babaeng 'yan?" tanong ng isa sa mga kasama nito

"Oo nga par, mahihiya ang salitang torpe sayo. Kulang ang salitang torpe para sayo haaaayy." gatong naman ng isa sa mga ito

"I won't go that far, bros. Seeing her smile and laugh is like a world to me." madamdaming sagot ng pinaka leader ng grupo nila.

"Kahit na... hindi ikaw yung dahilan kung bakit masaya siya? Is it okay for you ha, couz?"

"Yes. As long as she's happy, I'm fine with that. Her happiness is always my top priority." madamdaming sagot naman nito

"Ahhh we really do admire you, Martine." sagot ng pinsan nito.

Pasado alas nuebe na ng matapos ang tune up ng AU's basketball team. Halos lahat ng mga kababaihan ay nagsilapitan sa mga players nito at kanya kanyang kuha ng litrato sa iniidolo nila

Sa kabilang dako naman ng gymnasium kung saan ginanap ang tune up ay nagtutulakan ang magkabigang Freathany at Kaehrla

____________________________________

Freathany's POV

"Ano ba, Kae! Sabi ko naman kasi sayo ayokong mag papicture. Nakakahiya! Hindi mo ba nakikita kung gaano kadaming babae ang nakapalibot sa mga players doon!" naghihisterikal na pahayag ko

Paano ba naman itong kaibigan ko, pinipilit akong magpakuha ng litrato kay Auethur. Bukod sa baka hindi ko kayanin na harapin siya ay baka mahimatay lang ako sa harap niya!

"Nakakaloka ka talagang babae ka! Hanggang salita ka lang pala eh. Puro ka sigaw ng 'Go Auethur my loves' kanina tapos ngayong mag papapicture ka, ayaw mo! Yawa." naiinis na sagot nitong bruha kong kaibigan

Kung sana ganon lang kadali ang lahat edi sana ako pa unang una pipila doon para mag papicture kay Auethur.

"Nanghihina ang loob ko sa tuwing nakakaharap ko siya, Kae. Oo, makapag ang mukha ko kapag nakatalikod siya pero alam ko sa sarili ko na hindi ko pa kayang makaharap siya." sagot ko naman

"Sus, ang dami mong rason. Eto na yun, sis eh! Hayy pero sige kung hindi ka pa handa, sa susunod na lang." nakasimangot pa din na sagot nito

"Yes... someday." nakangiti ng sagot ko.

"Oh siya, tara uwi na tayo. Gutom na talaga ako pucha! Parang gusto kong magluto ng Adobo ngayon ha hmmm.." may himig ng pang aasar na sabi nito

"Wag mo lang gustuhin, gawin mo na din. Hahahaha!" natatawa kong sagot

"Tapos ano, makikinabang ka din? Hahaha tara na nga!" wala ng bahid na kahit anong inis na sagot nito

Well yeah, that's my friend. Maiinis tapos magugutom hahaha.

* At AU's dormitory *

"Hmmm! The best ka talaga magluto ng Adobo, sis!" puri ko sa luto nito

Bata pa lamang si Kae ay mahusay na talaga itong magluto dahil bukod sa dating chef ang nanay nito, ay may sarili din silang Restaurant.

"Sus. Alam ko naman na 'yon." nakangisi nitong sagot

*phone rings*

"Akin ata 'yun, wait." sambit ni Kae

"Go get it." sagot ko na lamang

Grabe, ilang years na din pala kaming magka roommates ni Kae. Hindi ko ineexpect na magiging close kami dahil napaka intimidating ng dating niya saakin noon.

Napaka lakas pa ng dating. Medyo may pagka boyish din, ayun yung mga gusto ko sa isang kaibigan. Ayoko kasi ng masyadong girly dahil ako din naman mismo hindi ganon.

Hindi ko yata kakayanin na mawalay kay Kae. Kasi sa loob ng ilang taon naming pagkakaibigan, para ko na din siyang kapatid.

"Hey, Frey..." may bakas ng lungkot na tawag sa akin ni Kae

Hindi ko man lang naramdaman na nakabalik na pala siya sa kayang inuupuan kanina

"Got a problem?" nagaalalang tanong ko

Hindi naman kasi basta basta nalulungkot 'tong si Kae. Isa siya sa mga positive person na nakilala ko.

"Kinda. I-i need to g-go home, frey." nanghihinang sagot nito.

"Ohhh. Why? What happened? Paano na yung upcoming competition natin?" nag aalalang tanong ko

"My family is facing a big problem right now, frey. Nalulugi na daw yung Restaurant and mom asked me if I can go home para tumulong solusyunan yung problema." sagot naman nito

Literal na napanganga ako sa sinabi nito. Like, how that thing happened? Kae's family business is one of the most popular business in this generation.

Sikat ang restaurant nila dahil sa masasarap nitong pagkain bonus na lang yung magandang accommodation.

"How did that happened, Kae?! Kelan pa daw?" naghihisterikal kong tanong

"3 months ago. Someone in our company sabotaged us. Ngayon lang sinabi ni Mom kasi akala nila kaya pa nilang solusyunan at ibalik ito sa dati. Last three months ago was our competition in Japan remember? That was the time it started." sagot nito

"Yeah yeah. Grabe! Hindi pwedeng mapunta sa wala lahat ng pinag hirapan ng parents mo, Kae. I'm willing to help, sis. I'll ask daddy to---"

"No, frey. This is my family and I's problem. You are not going to meddle with this, crystal clear?" may diin nitong sambit

"But kae, I'm not going to let you do this alone! I'm your bestfriend remember?" makulit kong sagot

"Let me do things alone, Frea. We won't fight over this, okay?" mahinahon nitong pahayag.

Always in DangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon