AID: C01

19 0 0
                                    

Freathany Jane's POV

"Thany, nabalitaan mo na ba yung nangyari tungkol kay Auethur noong nakaraang Linggo?" nag aalalang tanong ng aking kaibigan

"Oo naman! Yung na ankle sprained daw siya? Grabe ang daming fans niya yung umiyak dahil doon!" sagot ko naman dito

Araw ng Sabado ngayon at narito lang kami ng aking kaibigan sa loob ng dorm namin. Usap usapan sa aming Unibersidad ang hindi kanais nais na nangyari sa aking nobyo na si Auethur.

"Nasaan na daw siya kung ganoon? At kung makasabi ka namang fans akala mo hindi ka kabilang sa mga 'yon haha!" natatawang sagot nito

"Hoy hoy, Kaehrla! Huwag mo akong itulad sa mga babaeng nagkakandarapa sa aking nobyo, hmp!" naiirita ko namang sagot

"Hoy hoy ka din, Freathany! Kung makapag feeling ka diyan akala mo naman talaga nobyo mo ang lalaking 'yon! Baka nakakalimutan mong nakilala mo lang 'yon noong last Intrams natin!" mapang asar nitong tugon

Ang bastos talaga ng bunganga nitong babaeng 'to! Kailangan pa bang ipaalala!!! Oo na hindi ko na siya jowa! yawa. Pero alam ko namang sa akin din babagsak ang isang iyon.

"Itahimik mo nga yang bibig mo! Wala ng ibang alam ikuda kung hindi puro masasakit na salita!" natatawa namang sagot ko

"Aba---"

*tok tok* *tok tok*

Hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin ng biglang may kumatok sa pintuan ng aming dorm.

Agad agad namang tumayo si Kae upang silipin kung sino ang nasa likod nito

"Sinong bastos na nilalang 'yan?! Tanghaling tapat, nangbubulabog ka!" sigaw nito bago buksan ang pintuan

*door opens*

"Hindi ka pa din talaga nagbabago, Kae. Matinis pa din ang boses mo hahaha!" sabi ng baritonong boses na walang ibang nag mamay ari kung hindi ang aking kapatid

"Oh Kuya Dustin, bakit ka naparito?" nagtatakang tanong namin ni Kaehrla

"Dumaan lamang ako rito upang sabihin na may practice mamaya ang Team ng idol niyong si Auethur." walang emosyon nitong sagot

Napatingin naman kami ni Kaehrla sa isa't isa at sabay tumili. Makalipas ng halos isang linggo magbabalik laro na namang ang jow-- future jowa ko aahhh!!

"Tiba tiba na naman kayong dalawa niyan haha! Oh siya, mauuna na ako ha? Wag kayong magpalipas ng gutom at wag masyadong magpagabi sa labas." mahinahon nitong pahayag

"Noted, kuya! Ingat u." masaya kong paalam at siya naman ay umalis na.

"Ano ng plano ha bruha!" excited na tanong nitong si Kaehrla

"Dating gawi hahahaha sana this time mapansin na ako nito Auethur my loves kyaaaaahh~" kinikilig kong sambit

___________________________________

"Thany! Tara naaa, paniguradong punuan na naman sa Gymnasium nito." natatarantang sigaw ni Kae sa akin.

Naririto pa din ako sa harap ng full body mirror ng aking kwarto, hindi kasi ako sigurado kung ayos na ba 'tong suot kong maong pants, oversized shirt na pinaresan ko ng white shoes. Hayyy bahala na si Iron Man.

"Rararara na!" pag aaya ko kay Kae.

* At AU's Gymnasium *

"Kyaaaaahhhhh! Go Aeron!"

"I love youuuu Robert, Fighting!!"

"Chris you're the best among the rest!! Go go team!"

"Jacob please marry aaaahhh!"

Typical na sigawan sa loob ng Gymnasium. Practice pa lamang ito para sa darating na Competition ng school sa susunod na buwan ngunit puno na agad ang gymnasium.
Paano pa kaya kung dito ganapin ang literal na laban?

Baka sumabog ang buong University hahaha!

"Freathany?" tawag ng isang boses sa di kalayuan sa pwesto namin.

Lumingon lingon naman ako ngunit hindi ko pa din makita ang taong nagmamay ari ng boses na iyon.

"Hoy babae dito!" mas malakas ma sigaw nung tumatawag sa akin

At saktong pagka talikod ko ay nakita ko si Abie Gayle Solteir, isa sa mga ka team ko sa Badminton.

"Hoy bruha! Ikaw pala 'yan, kanina pa akong hanap ng hanap pastilan." sagot ko

"Hahahaha sorry na!" natatawa nitong sagot

Sa tabi naman niya ay may isang lalaking naka akbay sa kanya. Wow ha, puma pag ibig 'tong ka-team mate ko.

"Ehem baka naman gusto mo kaming ipakilala diyan sa kasama mo." pagpaparinig ko

"Oo nga ehem baka naman, ayos lang naman kahit wag mong sabihin kung saan nag aaral. Pangalan na lang hahaha!" mapang asar namang sabi ni Kaehrla

"Mga bruha talaga kayo haha! Siya nga pala, eto si Stebian Pauel Seyeur. B-boyfriend ko." nauutal pa nitong sagot

O to the M to the G!!!! Akskslsk may jowa na ang sleepyhead ng team namin!!

"Mygoodness ka Abi!!! Naunahan mo pa kami! Sana all hahahaha!" natatawang sagot ko naman

"Sirau----"

"Good evening, Athletes. Let us all calm down so we may finally start the tune up of our University's pride!"

Naputol ang sasabihin ni Abi ng biglang nagsalita ang announcer. Nag ngitian na lang kami at tinuon ang aming atensyon sa court.


Always in DangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon